Part Time Job

97 5 0
                                    

Shared by : jctheman

Next happened naman while working ako as part time staff ng isang NGO in UP-Diliman's Biology Department.

One night kelangan kong mag-OT (9PM) since may tinatapos akong mga data at iniwan na ako ng lead ko. so ako na lang mag-isa sa room ni Dr. Ong. Btw, I'm not a UP student so hindi ako ganun ka-familiar sa lugar kaya di din ako masyadong naglilibot dun since dumarating ako madalas dun 3PM na from my class sa ibang university.

That time nga naiwan akong mag-isa para matapos ko lahat ung data na kailangan namin. Then while working on my PC habang nagkukuyakoy para ma-relax since sa labas lang ng room ay isang hilera ng fetus in jars ang naka-display sa hall (Palma?). So iniisip ko na lang na may kailangan akong tapusin.

So bandang 9pm, while doing my work I felt talaga na someone pulled my left ankle and since nakatungtong ung paa ko sa gulong ng chair nalaglag ung paa ko sa pagkakahatak papunta sa likod at dumausdos pa nga un wrist ko sa keyboard. So nasabi ko na lang that time is. "Put@ng-in@ busy ako, ayokong makipaglaro." Ewan ko basta naisip ko lang na yun ang linyang kailangan kong sabihin at parang nagka-idea ako that time na bata ang nangungulit.

So ung balik ako sa trabaho pero after a few minutes, hinatak naman ung kanang paa ko so that time sumigaw talaga ako ng "T@ng-in@ sige uuwi na ako!" ayun sabay tayo ako sa upuan ko, save ng ginagawa ko sa PC tapos pinatay ko lang un monitor, di ko na nilingon kung anong meron sa likod ko or sa ibaba ng mesa. Basta dire-diretso akong papalabas ng room ni-lock ko ng patalikod un room. Sabay takbo papalabas ng hall at sa lobby may guard ngingisi-ngisi lang, ewan ko kung alam nyang meron dun at inaantay nya lang kung gaano ako tatagal sa loob ng room na yon.

Kinabukasan kinuwento ko sa lead ko at sa pinaka-PM namin ung nangyari the other night. Sabi ng PM namin na meron daw talagang batang pilyo sa room na un. Nagpakilala lang daw sa akin. Simula nun 7PM palang umuuwi na ako.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon