Playmates at Agent

104 3 0
                                    


Shared by : bahamut_zero

Kinuwento sa akin ng kaopisina ko. Nung nasa Don Bosco pa siya, high school palang siya nito, afternoon na noon at konti nalang ang tao sa campus. Naglalaro sila ng classmate niya ng basketball, one on one. May dalawang lumapit sa kanila na parang kasing edad din nila (may event kasi sa campus na parang jamboree na from different schools nandun). Ayun, nakipaglaro sila. Nun mga bandang 5pm na, nagpaalam yung dalawang nakalaro nila na uwi na sila at pumunta sa back entrance ng campus.

Nagpalipas lang sila ng sandali then uuwi na sila, exit nila sa back gate ng campus. Nun pagdating nila dun, sarado pala the whole time yung gate at imposibleng akyatin yun nun dalawang nakalaro nila kasi ang taas nun gate at wala ng ibang labasan unless nalang magback track sila at madaan yung officemate ko.

-----

Isa pa, yung sa office namin, yung isang ghost ay marunong mag-login sa Avaya (timekeeping device ng mga agents). Yung workforce agents na nagmo-monitor ng mga agents, tumatawag sa mga supervisors dahil tinatanong nila kung sino yung agent na naka-logged in sa particular station sa area nila.

Nun tiningnan nila, meron ngang nakalogin pero hindi nila alam kung sino yung agent na yun at tiningnan na nila yung listahan ng buong company at walang ganung empleyado.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon