Shared by : jctheman
May ise-share lang me. last two weeks, Thursday namatay yung friend kong si Racquel. Noone told me hanggang nung Wednesday the next week nun. kinabukasan ililibing na siya.
So that night sinundo ko lahat ng kabarkada ko nung high school at lahat ay nagulat kasi napakabait nitong taong ito at sobrang kwela.
Then pagpunta namin sa kanila. totoo nga. ang sakit isipin. pero totoo.
Then huling dumating yung classmate naming bading. as in shock siya at naiyak bigla. sa amin ok lang pero nung nagkwento siya na hindi siya naniniwala na Thursday namatay si Racquel, natakot kaming lahat kasi nagkita pa daw sila nung umaga sa tapat ng bahay ni Ian (yung bading).
So nagkwento siya. umaga daw before going to school, paglabas ni Ian sa gate nila nakita niya si Racquel sa tapat niya mismo nakatayo. kinumusta daw niya then sabi niya. "may problema ba? kasi hindi ka naman dumadaan na dito eh ngayon lang."
Hindi daw sumagot si Racquel, tapos parang iiyak na daw. then sabi ni Ian, "o pumapayat ka nga, anong bang nangyari?."
OT:
Last year kasi nag-held ako ng reunion sa batch namin and Racquel is glowing by that time. don't know why pero sobrang gulat namin nung nakita namin siya sa kabaong na payat at parang nahirapan talaga.OT:
Mag-bestfriend si Racquel at Ian mula 1st hanggang 4th year.Sabi daw ni Racquel "sige na bakla pumasok ka na." then tinaboy si Ian palayo.
Since nagmamadali si Ian sabi niya "o sige, ok ka lang ha?." umalis na si Ian then nung nilingon niya si Racquel nakatayo lang daw doon then nakayuko. pero ewan daw niya bakit hindi siya bumalik para daw kasing may tumutulak sa kanya.
That was around 10:45.
10:30 namatay si Racquel.
Peace be with her soul.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HororDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)