Lutaw

142 2 0
                                    


Shared by : sentinel

Share ko lang, tungkol sa tinatawag na "lutaw" ng mga muslim sa Mindanao.

Ever since hindi talaga ako naniniwala sa mga multo, etc. since di pa ako nakakakita although marami na akong naririnig na kwento at syempre kahit di naniniwala, takot na takot pa din ako.

Pinakanaalala ko regarding this is noong elementary. takipsilim na noon naglalaro kami ng 2 kong kaibigan na muslim noon (sa Mindanao ang kabataan ko) sa school playground. Maya-maya nag-uusap yung dalawa at nakatingin sa isang bench sa tabi ng bogainvilla. Tapos lumapit sila dahan-dahan, sabay naman ako.

Nung mga 1 meter na lang kami sa bench ang nakita ko lang may nakaupong babae, wala namang multo, lumapit pa talaga ako. pero laking gulat ko ng nanlaki ang mga mata nila at nagsigawan ng "multo! multo!" sabay takbo. kita ko talaga ang takot sa mukha nila, parang mamamatay na at syempre ako natakot na rin at tumakbo, sabi ko sa sarili ko baka sa kanila lang nagpakita yung multo.

Fast forward.
Almost 20 years, bonding at kwentuhan time kami ni misis (galing Mindanao din siya at mas maalam sa muslim folklore since may kamag-anak syang muslim). Habang ini-explain nya yung tungkol sa "lutaw", para akong nabuhusan ng tubig.

I got it all wrong pala, akala ko "lutaw" means ghost sa western/christian lore. yun pala, kahalintulad nya yung zombie.

Then the more nya i-explain, dun ko na-realized na yung babae pala yung "lutaw" or zombie.

Accordingly, sa kanila pag namatay ang masamang tao, ito ay magiging zombie at kung saan-saan pumupunta for 40 days. In fact yung libingan na butas ay kahiya-hiya sa kanila, dahil sign ito na masamang tao yung kapamilya mo. Binabali nila yung leeg bago ilibing kaya yung lutaw lagi nakaharap sa side.

At naalala ko nga, yung babae, nakaupo na yung kamay nasa may tuhod, naka puting damit (panglibing) na long sleeves similar sa damit ni sadako, in fact na-weird-uhan pa nga ako dahil may mahabang lace yung dulo ng long sleeves. nakaharap sa side at natatakpan ng buhok ang mukha.

Kaya pala malakas ang loob kong lumapit noon, ang hinahanap ko yung tipong nakalutang or translucent, yung pala kaharap ko na zombie hehehe.

That's why siguro sa tinagal-tagal ng panahon, di mawala-wala sa isip ko yun kahit pagkaka-alam ko before ay eerie lang sya pero walang multo. In fact mas marami pang mas eerie experiences pero wala namang impact talaga. now it explains it.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon