Opisina (Parts 1 & 2)

120 5 0
                                    


Story #1
Title : Sitsit

Kwento ito ng Manager namin, bale POV niya ito.
        
Sa office namin, natural na ang takutan. Itinayo ang building namin sa lugar kung saan dating tapunan ng mga patay. Marami na akong naririnig na kwento, iisa-isahin ko sa inyo. Maiikli pero totoo. Maikli naman talaga kasi takbo agad yung nakaka-experience.

Sitsit
Bago pa lang itong building namin, amoy semento pa. Bale ako lang ang natira noon sa office dahil may tinatapos ako. Bandang alas 8 pa lang ng gabi, tahimik lang at nagta-type ako sa computer ko ng may marinig akong Sitsit. Akala ko ay niloloko lang ako ng isa sa mga katrabaho ko kaya hindi ko pinansin. Nasa gilid ako nakaupo. Nasa bandang gilid ko ang pintuan at glass window ng office. So sasagi sa side ng mata ko kung may dadaan na tao. Ayun na nga, nung hindi ko pinansin, nagsitsit ulit, nilingon ko pero walang tao, kaya hindi ko ulit pinansin, pero nagsalita ako na "naku, huwag mo akong niloloko-loko diyan Albert (isa sa mga katrabaho ko)", walang response kaya di ko na lang pinansin. Nang biglang sumitsit ulit, this time, mas malakas, kaya nagulat ako,
        
Lumabas ako ng office, tinignan ko lahat ng daan kung may tao pero wala, sinilip ko hanggang cr pero walang katao-tao. Bumalik na lang ako sa upuan ko at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko pero kinakabahan na ako ng mga oras na iyon. Maya-maya pa, isang malakas na sitsit ulit ang narinig ko this time parang nasa harap ko na. Agad kong pinatay ang computer ko, tumayo at umalis na ng office. Walang lingon-lingon dahil baka kung ano pa ang makita ko. Hanggang ngayon, hindi lang ako ang nakaka-experience ng sitsit na iyon dahil maging ang mga newly hired na mga empleyado na nagtatrabaho panggabi ay nakaka-experience na din.

Story #2
Title : Laminate
        
Naikwento ng manager namin ang experience niya dito sa opisina. Ako naman, shifting, bale nung mangyari ito, panggabi ako. Describe ko itsura ng opisina namin, bale nasa 2nd floor ang opisina, Malaki at puro glass window. Sa loob ng opisina ay may tatlong hanay ng mesa na may mga computers. Yung hallway ay kitang kita kasi transparent glass nga ang mga windows. Yung hallway na iyon ay papuntang Room A, CR, Lockers and Pantry. Sa gilid ng Room A, ay hagdanan papuntang ground floor kung saan ako naka-assigned. Bale kailangan ko mag-laminate ng mga papers na kailangan sa line ko. Kaya umakyat ako ng office, doon lang kasi merong laminating machine. Yung laminating machine ay nasa may glass window. Umupo ako sa binuksan ang laminating machine. Bale nakaharap ako sa laminating at the same time, nakaharap din ako sa hallway.
        
So eto na nga, nasa kalagitnaan pa lang ako ng trabaho, medyo marami kasi ang ginagawa ko at hindi pwedeng hindi ko matapos at hahanapin sakin ng Group leader ko. Napatingin ako sa may hallway, bandang CR, kasi akala ko may dumaan. Wala naman pala. Kaya nagpatuloy na lang ako. Hindi ko alam pero mabilis ang tibok ng puso ko. Ininda ko nalang at nag-laminate ulit. Inaantok na ako, bandang alas dos na kasi nun. Nawala ang antok ko ng may mapansin ako. Isang babae ang lumabas galing sa may bandang CR. tinitigan ko kasi hindi gaanong maganda ang ilaw sa hallway nun. Mabilis, mabilis ang lakad niya, tinitigan ko lang at doon ko napagtanto na hindi siya naglalakad! Nakalutang siya! Ang bilis! Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga kasi sa direkyon ko ang punta nya! Nang matapat siya sa Room A, bigla siyang nawala. Hindi ko nakita mukha niya kasi parang nakayuko siya at ang haba ng buhok! Itim din ang suot nya kaya akala ko mamamatay ako sa sobrang takot. Nang mawala siya, unti-unti kong hinanap ang hininga ko. Hindi pa ako nakakagalaw ng tuluyan, nang makita ko ulit siya! Parehong-pareho kanina, galing sa may CR, mabilis na lilipad papunta sa direksyon ko at mawawala pagdating sa may Room A. Sa sobrang takot ko hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko, pakiramdam ko maiihi na rin ako sa takot. Hindi ko rin maialis ang mata ko sa pagkakatitig sa kanya, ni hindi ko magawang kumurap man lang at parang bangkay na ako sa lamig. nang ilang segundo na nakalipas, unti-unti ko ng naigalaw ang katawan ko, unti-unti kong inaayos ang mga ginagawa ko, blangko ang isip ko, ang alam ko lang kailangan ko nang umalis.

Nang makahinga ako ng malalim, gumaan pakiramdam ko, inisip ko na hindi na magpapakita. Isinalang ko na ang huling papel na dapat kong ma-laminate. Inayos ko na ang lahat, hindi na rin ako natingin sa may hallway. Tiniis ko para lang matapos ang trabaho ko kesa magalit sakin ang GL ko. Sa isip ko sa wakas, tapos na. Tatayo na ako nang mapansin kong may nakatayo sa pintuan ng Room A. Yung babae! Nakayuko lang siya! Gumigilid na ang luha ko, alam kong hindi ako makakababa ng mga oras na iyon, kasi ang hagdan pababa ay nasa gilid ng Room A. Bigla akong nagulat ng mag-ring ang phone. Sa isip ko, "Putcha! May telepono pala dito! Bakit di ako tumawag ng kasama?!" agad-agad kong sinagot ang phone, yung GL ko pala, ang tagal ko daw baka daw tumatambay pa ako, napahinga ako ng malalim, sabi ko na bababa na ako. Lumingon ulit ako sa Room A, wala na ang babae. Dinampot ko ang mga gamit at dali-daling bumaba. Hakbang kung hakbang ang ginawa ko. Takbo agad-agad. Pagbaba, iyak ako ng iyak. Hindi rin ako nakapasok kinaumagahan.

- Shared by reddragonfly

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon