Shared by : mayang
It was year 1998 siguro nun tapos inaayos ang sidewalk sa labas ng bahay namin. since may pagka-OC si papa sa malinis na harap na bahay, winalis nya yung kalat ng semento, papers at kung anu-ano pa na ginamit dun sa pinaggawan ang tinapon sa likod ng grotto namin. (our grotto is facing our house kaya ang likod ng grotto is facing sa side ng street).
After a couple of days nagka-fever sya and sakit ng katawan nya with ubo na. tapos binigyan namin ng Paracetamol pero walang epekto. so ni-admit na namin sa hospital. ni-lab test pero normal values lahat. tapos ni xray din sya pero walang makita na kung anuman sa lungs nya.
It was Sunday and papunta yata sa canteen ng hospital si mama nung nakita nya yung neighbor namin na na-hospital din ang anak. ang nakwento ni mama na wala daw findings. tapos the woman said na mag-consult sa albularyo. tapos she gave the name and address which is nasa city din sa province namin. our province is known for this kulam or engkanto. she said that dalhin lang daw ni mama yung kakahubad lang na tshirt ni papa for the albularyo to see.
Tapos bumalik si mama sa kwrto and papa said na patayin daw ang tv and mag-rosary kami. tapos sinabihan nya si mama na tawagin ang janitor kasi ang dami daw langgam sa walls and ceilings ng room nya. tapos nagtinginan kami ni mama kasi wala namang langgam or dumi. tapos we prayed the rosary pero kami lang nung pinsan ko and yaya since umalis si mama to go to the albularyo.
Ikinuwento ni mama pagdating nya dun, sinabihan sya ng albularyo na di daw sya naggagamot pag Linggo kasi nga parang rest day daw talaga nila ang Linggo according kay God. pero tinignan nya pa din yung tshirt. tapos sabi nya "sayang itong taong ito. madami pa itong matutulungan". my dad is very well known sa pagtulong sa mga tao sa amin. although ayaw nya pasukin ang pulitika, he just wanted to help out everyone.
Tapos may stick yung albularyo na nagtatanong sya sa stick nya na parang tungkod. he would stretch his arms with the stick and pag oo ang sagot ng stick, sosobra yung daliri nya sa stick. pag hindi, hindi nya talaga maabot ang edge ng stick. tapos dun nalaman na may mga nakatirang elements or engkanto yata or dwende dun sa likod ng grotto. may natamaan yata sa kanila nung tinapon ni papa yung mga lupa dun coming from the sidewalk na inaayos.
Nung mga oras na yun at 3pm kinuwento na lang ni papa sa amin na that time may nakikita syang mga anino sa hospital room nya. he was thinking na parang susundo sa kanya pero he was waiting kung may kakilala sya dun like my late auntie or my late grandfather na tatay nya pero wala siyang makilala kasi mga anino lang daw. di daw sya makapagsalita and makagalaw until may nakita siyang smoke coming from his chest. gusto nya daw abutin tapos nagsasabi sya na halika dito, huwag muna. huwag muna, di pa graduate mga anak ko. tapos tinignan pa daw sya and face nya. nakita nya and after that he closed his eyes. that time pala tapos na yung orasyon dun sa bahay ng albularyo.
When my mom came back, nagulat sya and kausap na kami ni papa na parang wala lang nangyari kasi di na sya nag-uubo and di na paos. tapos kinabukasan pinalabas na kami ng hospital. that night ang albularyo ang binalikan kasi dapat di sya manggagamot pag Sunday. so that night sya ang nilagnat and sumakit ang katawan.
After nun we had to make an offer. nagpatay ng isang baboy and kinalat ang dugo sa buong bahay. tapos kinatay ang baboy and the albularyo cooked it pero walang asin or betchin. tapos nilagay sa table with rice, water, lambanog, sigarilyo. yung baboy iba't iba ang luto. tapos inorasyunan sa table yung foods. pero ang weird is habang inoorasyunan, yung liquids na nasa baso, kumukonti. kalahati sila lahat ng baso pero after ng orasyon paubos na. yung rice naman na nasa plate pagkatapos ng orasyon parang may mga holes na and kahol ng kahol ang mga aso.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
HorrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)
