A Product of Over-active Imagination?

118 4 0
                                    

Shared by : sarahfoz

Share ko lang itong mga experiences ko na 'to.

1. When I was around 5-6 years old, mahilig kaming maglaro ng mga pinsan ko ng hide and seek. One day, dun kami sa house nila. Bungalow type lang, 2-bedroom, yung wall sa pagitan nung mga kwarto, may built-in cabinet na may space sa ilalim. Meaning, pwedeng magtago dun sa space na yun. So ayun, laro kami, doon kami nagtago ng pinsan ko sa ilalim na yun - siya nakaharap sa may room ng lola namin, and ako dun sa side ng room nila. Wala pa yatang 5 minutes ng bigla akong tinulak ng pinsan ko palabas kasi daw, dumating na daw yung mga adults (nag-market kasi sila nun, naiwan lang kami ng mga pinsan ko and yung lolo namin). Syempre, excited kami sa pasalubong, so labas kami agad. Paglabas namin, si lolo lang ang nakita namin na nagga-garden. Tinanong namin, sabi niya, wala pa daw dumarating. So medyo inis kami sa pinsan namin. Sabi niya kaya daw akala niya nakauwi na sila kasi, habang nagtatago kami, may pumasok daw sa kwarto nila lola tapos naglakad patapat sa kanya. Naka-red nail polish daw. Pagkauwi nila lola and company, tinignan namin, walang naka-red nail polish sa kanila.

2. Nag-visit yung bf ng ate ko one day, sakto, si lola nagpa-merienda ng arrozcaldo (or lugaw yata). Yung dining room, malapit sa door na papunta naman sa kitchen. Habang kumakain, biglang namutla si kuya bf, akala nila ate nabilaukan. As in yung putlang-putla talaga at nag-hyperventilate pa. Later, nung pauwi na siya, sinabi niya na habang kumakain daw kasi, napatingin siya sa may kitchen and may nakita daw siyang babae na nakaupo sa tabi ng electric fan at sobrang sama daw ng tingin sa kanya. Eh nung time na yun, yung ninong ko lang yung nakaupo dun dahil nagpapalamig siya.

3. Itong pinsan ko, nag-video ng sarili niya one day, gamit yung bbm niya. Yung trip lang na pag-video. Kumakanta siya with matching emote pa. Nung ni-playback niya yung video, wala siya dun. Dinig yung boses niya and everything else, pero wala siya sa video. Para bang na-edit out siya bigla. Sobrang kinilabutan kami kaya ni-delete agad niya yung video (syempre after namin makita lahat magpipinsan).

4. Nung high school ako, nagdo-dorm ako. One Sunday, masyado akong napaaga ng dating sa dorm. Yung mga ate ko na kasama, nagsimba. so naisipan ko na mag-dinner na mag-isa. Tanda ko pa yun, sweet and sour pork sa chowking yung inorder ko. So ayun, habang hinihintay sila, nanood muna ako ng "K: The One Million Peso Videoke Challenge" ng biglang may nag-"psst.." sa may malapit sa may pinto. Akala ko nung una, na-imagine ko lang, kaya nilakasan ko na lang yung volume ng tv. Mga after a minute siguro, may nag-"pssst..." ulit. This time, mas malakas na, as in parang katabi ko lang. Tumakbo ako papalabas at dun nalang ako sa may guard naghintay.

5. First year high school drafting class. May quiz kami so lahat concentrated sa mga plates namin. May nagha-hymn, pero dahil nga seryoso kami, inisip na lang namin lahat na isa lang samin yung kumakanta. Palakas ng palakas yung kanta hanggang sa naimbyerna na si sir kaya pinansin na niya. "Yung kumakanta diyan, pakihinaan naman ng konti," sabi niya. Tinignan lang namin siya, medyo confused, at tinignan lang niya kami. After niya ma-realized na wala sa amin ang kumakanta, pina-pass na niya yung plates namin at dinismiss na kami.

6. All saints day ng 2009, nagpaiwan ako dito sa Manila kasi busy-busy-han ang peg ko. Bago ako mag-start sa mga gawain ko, naglinis muna ako ng bahay. Since puro kami halos babae dito, kasama na sa dirt na mawawalis ko is yung mga naglagas na buhok so, walis-walis din. After a few hours, napansin ko na ang dami ulit buhok. Thinking na baka hindi ko lang nawalis ng maigi, winalis ko ulit tapos naligo na ako. After kong magpatuyo ng buhok, tinali ko buhok ko and nagwalis ulit para sure na wala na. Medyo oc din kasi ako. So ayun, I went back to work. Imagine my surprise nung tumayo ako para mag-stretch ng makita ko na ang dami na namang buhok. As in, hindi lang siya concentrated sa work area ko. Sa buong apartment, ang daming buhok. Pati sa banyo. Pagkauwi nila mama, kinuwento ko. Natawa lang siya sabay sabi baka daw isa sa mga great grandparents ko ang nagparamdan dahil hindi daw ako nakadalaw.

7. Naka-experience na ba kayo ng sleep paralysis? Sobrang scary experience. It happened to me when I was in high school, mga 2005 or 2006 siguro, bigla akong nagising tapos hindi ako makahinga. Parang nay nagpe-press down sa chest ko. Tapos, may mga naririnig ako na whispers at nakikitang mga silhouette sa paligid ko. Kahit alam kong result lang ng brain ko na half-asleep and half-awake, sobrang nakakatakot talaga siya. Buti nalang at di na nangyari sakin ever since.

Kung sa mga apparition, buti naman at wala pa akong nakikita, puro paramdam lang. Ang hirap isipin minsan kung totoo nga talaga sila or produkto lang ng over-active na imagination ko. Still, we can never truly know.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon