Compiled Stories 17

158 1 0
                                    

Shared by Blue23mkti

My friend's house is really one haunted house. It's not old but yung lupa na kinatatayuan nun ay dating tapunan daw ng mga sina-salvage because it's very near sa sementeryo. Anyway, here's the story for it.

1. Pinapatayo pa lang ang bahay nila noon. One afternoon, kumuha ng semento ang tito nya mula sa bayan dala yung owner-type na jeep. Walang bubong yung vehicle, and wala ding doors, talagang panghakot lang ng mga gamit kaya kitang-kita mo kung sino ang nakasakay. Then, mula sa kanto, habang nag-iigib ang friend ko sa poso, nakita nya paparating na ang tito nya mula sa bayan. note that it was afternoon, medyo palubog na ang araw and the sky is somewhat orange. nakita nya ang tito nya may katabing girl sa sasakyan. He recalled the girl was wearing white. Thinking it was her tita, tumakbo sya sa harap ng bahay to greet them. Pagkaparada ng tito nya, tinatanong nya "Tito, nasan si Tita?" ang sagot ng tito niya, "Eh di nasa bahay namin, nagluluto".
Then my friend was puzzled, "Eh sino yung nakita kong katabi mong nakaputi sa owner kanina?" his uncle had the creeps!.

2. Some years later. Naitayo na nga yung bahay. Bungalow type lang pero malawak yung lupa at mahaba yung bahay. One day, nagpunta ang isang barkada ng friend ko sa bahay na yon. Gabi na and may drinking session silang napag-usapan. Kumatok sya sa gate, yung mother ng friend ko naman na nasa kitchen, Dumungaw lang sa bintana at sumigaw na lang "Pumasok ka na Arvin, pasensya ka na di kita mapagbuksan ng gate, masusunog itong sinaing namin, punta ka sa likod ng bahay, nandun si Redgie".

And so he did, tinulak nya ang gate tapos naglakad paikot sa likod ng bahay. tapos nadaanan nya yung veranda where there are a lot of wooden chairs and a table. There was an old woman sitting on a rocking chair. naka-duster daw tapos mahabang-mahaba at maputi na halos ang buhok. Nagsusuklay siya gamit yung suklay ng matanda (I forgot how it is called) kaya halos natatabingan yung mukha.

Ang akala nya lola yun ng friend ko, so binati nya ng "Magandang gabi po". hindi daw sumagot yung matanda. Akala naman nya mahina lang ang pandinig kaya umalis na rin sya at dumiretso sa likod bahay.

Nung nagkita sila, binanggit nya na pinapasok sya ng nanay nya at nakita din nya lola nya sa harap ng bahay. my friend says "Si Lola? " sabay turo sa lola nya na nagdidilig ng halaman. her lola had a very short hair. Then they had the creeps.! My friend then, bravely asked her mom kung may bisita ba silang ibang tao na nasa harap ng bahay. Her mom said "Wala". tapos pinuntahan nila ang harap ng bahay----no one was there. They even searched the whole house, as in binuksan lahat ng ilaw. at baka daw may nakapasok na baliw. - they found no one.

Shared by Ecko_01

Last night namin sa Calaruega eh dun namin napagtripan about the ghosts. Nung early afternoon kasi nung day din na yun, umiiyak na nagsumbong yung girl kasi she was able to lay down sa bed with an old woman na naka-filipiniana. Then kami naman eh walang paki kasi feeling namin wala sa dorm namin 'coz mas madami kami compared sa girls. While we are in the campsite, some of us noticed na may black figures na nakatayo sa mga puno don. Meron ding white figure na nasa taas ng hill na tanaw mo. May time din na nag-double yung security guard while we're on our way na to our respective dorms. Hindi lang ako ang nakapansin pati na din yung pari kaya nagulat kami akala namin may matiyagang naiwan sa baba para magbantay, wala naman pala! Yung last na experience namin eh nung may nakita na yung friend ko na ghost that jumped sa loob ng dorm using the window na malapit sa CR. Ang damuho kong classmate, ginising ako so ang tendency eh dehins ako makatingin sa likod because I know meron dahil sa pakiramdam ko na 1st time ko lang na-feel na kakaibang takot. usually kasi panay simple lang nararamdaman ko pag mag-isa lang ako sa bahay. So, dahil hindi na ako makatulog, I heard na may nagbubukas ng mga faucet sa cr namin even sarado ang pinto. Hello! Sabi nila hindi daw totoo pero sinong tao kaya ang maliligo ng 2am at patay ang ilaw ng cr?. I also felt at narinig ko yung windows na nag-sway even mahina yung hangin. May naglalakad din sa cr kahit walang tao. Putsa! Sa sobrang takot, pinilit ko na matulog. I was making sounds so that ma-ease man lang yung tension na nararamdaman ko deep within.
As expected, walang naniwala samin. Papaano ba naman eh mga tulog! Pero, one hell of an experience kasi now I know that you must respect din yung ibang elements na nakapaligid satin at nang hindi na tayo gambalain pa dahil hindi rin naman natin gugustuhin na sila'y magparamdaman pa di ba?

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon