Hospital Ghost Stories
by ellynreyneI heard these 3 stories when I was like 8-10 years old. Back in the day, my cousin was a nurse in a hospital somewhere near the boundary of Sta. Mesa and Mandaluyong. Anyone living nearby knows this hospital.
1. ) My cousin and another nurse were doing their rounds during their night shift. At some point they need to inspect some patients in the upper floors so they took the elevator. Once inside, the elevator shot upwards at nilampasan yung destination nila. Then dinala sila dun sa one of the topmost floors na tambakan nalang ng mga gamit (and cadavers iirc) and dun nag-stop yung elevator. To their horror, biglang bumukas yung pinto and sobrang dilim daw dun sa area. They panicked and started screaming while pushing the close button but nothing happened. Bukas ang door for like 10 minutes or so and they're so hysterical na. Finally after what seems like forever biglang sumara yung door. Putlang-putla daw sila nung nakabalik na sila sa lobby.
These 2 stories are not first hand experiences pero if I recall correctly, naikwento sa cousin ko ito ng either mga co-workers niya or mga patients.
2.) May babae daw na sumakay ng elevator. Nagmamadali daw yung babae and andami daw nakapila sa elevator that night so nakipag-unahan siya the moment na bumukas yung doors and pumwesto dun sa tapat ng buttons. Once na umandar na yung elevator, napansin nung babae na parang walang nakatabi sa kanya eh siksikan nga sila sa pagpasok. Lumingon siya sa side nya at sa likod and to her shock, mag-isa lang sya sa loob.
3.) Finally there's this story of a lady na sumakay ng elevator na may nakasabay na isang lalaki. Pumuwesto siya malapit sa door tapos yung guy nasa may bandang likod. While inside, bigla nalang daw dumura yung guy sa loob ng elevator. Nainis at nandiri yung babae and she glanced at the floor. To her horror, nakita nya na nakalutang yung guy about 1 or 2 feet. Hinimatay daw yung babae at nakita nalang sa loob ng elevator na walang malay.
Kaya ako every time na nandun ako sa hospital na yun (at kahit saang hospital) for whatever reason hindi ako nag-e-elevator. Kahit nasa tuktok pa yung pupuntahan ko I use the stairs talaga. At least sa hagdan pwede kang makatakbo ang you have better chances of getting help eh sa loob ng elevator wala kang kalaban-laban. You're totally at the mercy of these entities.
Ang Pasyente
Shared by dylandarkk8Share ko experience ko sa hospital. This story happened in my work here sa US. sa Vent Unit in a long term care facility.
Night shift ako this time. When I was passing a certain hallway and sa isang room ng pasyente ko, parang nakaramdam ako ng kakaiba. Yung tipong nararamdaman ko yung physical pain niya. Take note this patient is on a ventilator and nonverbal hindi din siya gumagalaw. Hindi ko ma-explain pero parang ang bigat-bigat ng nararamdaman ko sa room na yun and nilapitan ko yung pasyente tiningnan ko ang monitors nya ok naman, stable walang changes. Pero nararamdaman ko na parang may masakit sa kanya. So binigyan ko siya ng pain pill. besides, pwede ko namang ilagay dun nonverbal pain scale niya para sa reason kung bakit ko siya binigyan ng narcotic pain pill. May bed sores din kaya siya at time din naman na para bigyan siya nun. So nung nabigyan ko siya nun mga 30 min medyo I feel relieved na binabantayan siya. Pero bago mag-end ng shift ko, may napansin ako sa pasyente na yun, parang bigat sa pakiramdam. this time hindi na sakit kundi parang lungkot na parang namamaalam na lungkot. Binalewala ko lang.
2nd night.
Pinatay namin yung lights ng hallway para makatulog yung ibang pasyente pero may mangilan-ngilan lang na naka-light. dinaanan ko ulit yung room ng pasyente na yun. Nagtataka ako bakit may parang tao sa room, as far as I know tapos na ang visiting hours kasi. Naka-off kasi ang lights niya kundi dim light lang sa overhead niya ang naka-on. Tiningnan ko mabuti kung sino ang nasa loob, hindi ako lumapit kasi nag-aalangan ako. Nasa may pintuan lang ako. Nagulat ako sa nakita ko. Isang itim na anino nasa tabi ng pasyente at ang tangkad niya. Parang naka-hood yung anino. Natakot ako kaya in-on ko agad yung Lights, yung maliwanag na lights. Nawala yung hugis tao na anino na nakatayo sa tabi ng pasyente. Imposible naman yun na sakin kasi ang layo ko sa kanya at ang anino talaga e parang tao kasi gumagalaw-galaw pa nga yung kamay na bahagi niya parang hinahawakan yung pasyente.

BINABASA MO ANG
Scary Stories 3
TerrorDISCLAIMER : the stories you're about to read are not mine. Enjoy reading! :)