Si Pinsan at Ang GF niya

139 3 0
                                    

Shared by : jctheman

Ito about naman sa pinsan ko na taga Fairview, Quezon City. sa limang magkakapatid na lalaki, pangatlo si Kuya Aris. siya ang pinakamatino sa magkakapatid kasi yung dalawang sumunod mga founder ng kani-kanilang mga "gangsta". yung dalawang matanda naman na lalaki nasa Cebu.

Nagtitinda ng halo-halo itong si kuya ng biglang tumakbo palapit yung tropa nya na ang sabi habulin daw yung snatcher. syempre dahil good samaritan tong si kuya, habol naman sya, nagalit nga si auntie kasi bakit pa sya sasabak dun. tapos matagal na takbuhan daw eh, tapos naabutan ni kuya yung snatcher, pero sinaksak sya sa tadjang. ayun na-ospital.

Kinabukasan, pinuntahan namin nila mama. Ako, ayoko talagang pumupunta ng hospital kasi yung aura ng hospital pinahihina ako. as in nanghihina ako sa hospital. anyways, pumunta lang talaga ako dun dahil malupit na pinsan ko yun, nung dating tumira sa amin yun, tinuruan akong maggitara at mag-drums. nung makita namin sya, naka-life support na lang. sabi ng doctor na nakadepende na lang daw yun sa will to live ni pinsan. talagang pina-request nya papuntahin si mama ko dahil paborito nyang auntie ang mama ko kasi lagi namin tinutulungan family nila financially. bago kami umuwi sabi ko pa sa kanya "lumaban ka bro" and he gave me a hand sign "thumbs up" tapos yung "rock on" na hand sign _\m/. tapos pag-uwi namin nung hapon, pagdating namin sa bahay. nag-text yung auntie namin. namatay na si insan, hinila daw nito yung sarili nyang oxygen tapos ayun namatay na. sabi nya sa sulat. "ayoko na pahirapan pa kayo ma, wala tayong pera at buti may kamag-anak tayong tumutulong sa atin, pero nahihirapan na rin ako, ayaw ko ng pasanin lahat ito"

Ayun after ng libing nya may strange thing na nangyari sa GF nya. umuwi pa ito galing US para sa libing. nag-stay sa pinas ng medyo matagal. nalaman lang namin na kaya pala hindi makabalik sa US kasi medyo nababaliw na. paano daw kasi. lagi daw nagpaparamdam si pinsan sa kanya, at nagpapakita sa panaginip. one time na meron daw nag-try manligaw sa kanya kaso bigla daw sumapi sa kanya si pinsan at pinagsasasampal yung manliligaw niya. tapos ngayon hindi na makakain dahil panay nga daw panggugulo ni pinsan. so pinuntahan namin ni mama yung babae, kasama yung nanay ni insan. na sya namang panganay nila mama.

Pagdating namin dun, kawawa yung itsura nung girl at ang payat, malayo dun sa nakita ko dati nung lamay, na-chicks talaga ang datingan. ngayon parang malnourished. noong damating yung auntie ko bigla itong humagulgol at nagwawala, natumba yung mga santo sa altar tapos sabi lang ni auntie na "Aris, hayaan mo na sya, hayaan mo syang mabuhay ng normal. kung mahal mo talaga sya, pakawalan mo na sya, patay ka na Aris, buhay pa ang mahal mo. hintayin mo na lang sya dun."

Tapos ayun. tumahimik at nahimatay yun. after nun binisita namin puntod ni pinsan kasama nung ex-GF nya. tapos nung araw na yun. hindi na bumalik si pinsan sa babae. at nakauwi na ng US ung babae. nung mga time na yun talagang shocked ako at nung nangyari nakakapit lang ako sa pinto sa takot. ramdam na ramdam ko yung galit.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon