Compiled Stories 5

143 3 0
                                    


Shared by : bahamut_zero

Nakuwento lang sa akin.

Madami daw sa Beato Angelico bldg sa UST. Recently, buong campus nilagyan ng CCTV, lalo na sa mga buildings. Gabi na nun at curfew. Nag-radio yung nagmo-monitor ng CCTV dun sa nagbabantay sa Beato na pauwiin na yung mga students sa isang specific room. Nung pumunta na nung guard ang nasabing room, walang tao kaya nag-radio na siya na wala namang tao doon.

Nagsabi bigla yung nagmo-monitor na may nakikita daw niya sa CCTV yung guard pero marami siyang kasama dun sa monitor.

*****

Shared by : Jommuel

Meron akong childhood friend na clairvoyant. minsan, ayaw kong sumama sa kanya or papuntahin sya sa bahay. kasi baka mamaya kung anong makita nya. basta ang bilin namin sa kanya ng mga kapatid ko, anumang makita nya samin, huwag nalang nyang sabihin samin kasi alam naman namin na meron talaga sa bahay, ayaw lang namin na may mag-confirm, kasi lalo lang kaming matatakot. kwento pa ng friend ko, pag nanunuod sya ng mga reality show regarding sa mga ghost, tapos merong mga psychic na nagsasabing may nakikita daw silang ghost, minsan fake daw yun. kasi iba yung nakikita nya kesa dun sa description nung psychic sa tv. dun ko nalaman na pwede pa rin palang makakita kahit nasa tv.

One time pumunta kami sa kanila, dun pa sila nun nakatira sa may Tenement sa Tondo, sinama nya kami sa rooftop. meron syang tinuro na spot, tapos sabi nya meron daw matandang babae dun na nakatingin samin. wala naman kaming makita pero natakot na rin kami kaya nagyaya na kaming bumaba hehe.

*****

Shared by : incubusfrmhell

Here's an update dun sa bahay namin kinumusta ko mom ko and asked her kung may nagpaparamdam pa sa bahay. Sabi nya recently lang meron, Kasi yung relos daw nya nasa ibabaw ng table then all of a sudden nahulog daw yun sa sahig ng wala namang gumagalaw or ni hangin wala. Tapos yung isang boarder namin nagsusumbong madalas daw pag nagsusuklay sya sa harap ng salamin malapit sa pintuan papunta sa bahay namin may sumisitsit daw sa kanya.

Matagal na itong mga entities na ito kasi iba't ibang tao na naka-experience and di namin ito pinagsasabi maski kanino sila na lang nakaka-discover pag nasa bahay sila.

Regarding dun sa mga type ng 3rd eye na-experience ko sila dun sa mga spirit questor na nagpunta sa bahay namin. Kasi meron sa kanila nakakakita, meron sa kanila nakakausap yung entities and meron din sa kanila nakikita nila yung past and yung mga spiritual prints ng bahay kasi na-describe pa nila kung sinu-sino mga nakatira and ano itsura ng bahay dati. btw, the house is built during the pre-world war II era.

*****

Shared by : iamzevi

May girl na naiwan sa bahay nila mag-isa. 2-storey yung house nila, so since gabi na, nasa kwarto na siya sa taas kasi nga wala naman tao sa buong bahay. around midnight, nagring yung phone niya. pagkuha niya ng phone niya to check kung sino ang tumatawag, ang nkaregister sa screen ng phone niya eh "HOME". gulat siya, kasi landline nila sa bahay yung tumatawag sa kanya. eh yung landline, nasa sala lang sa baba ng bahay nila... nyiiii.... hindi niya sinagot.

*****

Shared by : Crazy_Piggy

Nung day off ko last wednesday, sinamantala ko nang matulog ng gabi at madalas graveyard shift ako. Sira yung aircon kaya hindi na ako nagkumot, ang problema kasarapan ng tulog ko naramdaman ko may humawak sa paa ko tapos parang gusto akong gisingin. Nung una akala ko pinsan ko lang sinipa ko nga sabay sabi ng "**** naman tumigil ka nga." Several times pa yun nangyari during the night basta sinisipa ko lang. Kinaumagahan paggising ko napansin ko isolated pala ko sa kwarto the whole night, locked yung door knob at nakasara din yung door latch. Buti na lang hindi talaga ako dumilat nung gabi at baka kung ano nakita ko hehe.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon