My Experiences

37 1 0
                                    


My Experiences (Shared by yebo)

Incident #1 : Bahay namin sa Probinsya (paslit pa ako noon)

Palagi kaming naglalaro ng sister ko sa hagdan pag walang tumitingin sa amin. Ang laro namin ay "lipad, lipad". pupunta kami sa taas ng hagdan at itataas ang mga kamay parang si Captain Barbell at tatalon kami pero hindi kami nahuhulog, lumulutang kami pababa. "Lipad, lipad" ang palagi naming sinasabi habang lumulutang kami pababa. Minsan dumalaw ang tito namin na nagtatrabaho sa asukarera na 4 na bayan ang layo sa amin. Bukas ang pinto ng kusina kaya doon siya dumaan, hindi namin namalayan na papasok na siya e kasalukuyan akong lumulutang sa ere, "lipad, lipad" ang sigaw ko. Eto ang tito namin, nakatingin at nakatulala. Napatingin din ako sa kanya. "Lipad ako tito", payabang ko pang sinabi. Nahulog ako buti na lang at nasa malapit na sa ibaba at hindi naman nasaktan. Mula noon ay hindi na naulit ang aming munting sikreto. Kahit ano pa ang gawin naming sigaw ng "lipad, lipad" ay hindi na kami lumutang pa.

Incident #2 : Pumapasok na ako sa school, grade 1 na at palaging nakayapos sa hita ng aming maganda, maputi at malanding maid na si Yoli

Bago nagpunta sa kursilyo ang aming erpats ay nagsimula kaming merong narinig na para bagang tsinelas ng matanda na naglalakad sa pasilyo. Titigil ito sa labas ng kwarto nila ermats at erpats at parang may kumakatok, mahina lang. Natapos ang kursilyo ni erpats at makalipas ang ilang buwan ay si ermats naman ang susunod mag-kursilyo. Lalong naging malakas ang yapak ng tsinelas at hindi na mahina ang katok sa kanilang pinto. Kaming magkapatid ay takot na ring umakyat sa itaas ng walang kasama. Nung araw na bago umalis si ermats papunta sa kanyang retreat ay ginawa nila erpats ang bubong ng bagong porch. Nung gabi na yun ay nag-umpisa na naming marinig ang yapak ng tsinelas maaga pa lang. Hindi na ito mahina, padabog na. Sa takot namin, lahat kami ay nandun na sa silid ng aming mga magulang - kami ng sister ko, ang aming tita at ang malanding maid na si Yoli. Todo-higpit ang yapos ko sa hita nya, mamatay man ako nang oras na yun ay maging maligaya man lang ako. Hindi na kami makatulog lahat. Sa inis ay sumigaw ang erpats ko ng pagalit, "bwisit kang demonyo ka pumunta ka na sa impyernong nararapat sa iyo!" ayun po, nagalit ang kung ano mang yun na naglalakad at kumakatok sa labas ng silid. Kinalabog nya ang kisame, kinalabog nya ang mga dingding, pati na ang bubong. Patapos niyang pagbawi ay tumalon siya dun sa bagong gawang bubong ng porch. Kinabukasan nang tignan namin ang bubong ay may malaking "dent" (lintek ano ba ang tagalog ng "dent"?) dun sa bubong, para bang merong higanteng bumagsak at ang yero ay natupi. Nung nasa kursilyo na si ermats ay kinunsulta nya ito sa obispo. Nagpayo ang obispo na magpamisa sa aming bahay alay sa kaluluwa na sabi nya ay humihingi ng dasal. Yun nga ang ginawa ng aking mga magulang at mula noon ay nawala na ang naglalakad sa pasilyo.Pagkatapos nito ay meron pa rin kaming nararamdaman paminsan-minsan. Yun bang bigla na lang na parang meron kang katabi, nagmamatyag.

Incident #3 : Kakatuli pa lang sa akin

Natutulog kami sa baba, sa banig. Bumisita ang mga pinsan kong mga dalagita galing Maynila at syempre ibinigay ko ang aking silid sa mga bisita. Pinsang buo ng nanay ko ang nanay nila. malapit din ako sa kanilang lola, lola ko rin kasi at kapatid ng lola ko. Katabi ko ang aming tito na nasabi ko sa inyo nung una na bumisita nung ako ay nalaglag sa ere yung sa "lipad, lipad". Kalagitnaan ng gabi ay nagising ako bigla at sa may hagdan, sa tabi ng wedding portrait nila ermats at erpats ay nakatayo doon ang lola ng mga pinsan namin. Kalahating katawan lang hangang bewang. Ginising ko ang aking tito at tinuro ko si lola. "Tito bakit nandito si lola e hindi naman nila kasamang umuwi?" tinignan ng tito ko ang aking itinuturo. Pagkatapos non ay tinakpan nya ang aking mga mata, nagtalukbong kami ng kumot. Takot siya, sabi nya ay matulog na ako. Kinabukasan ay dumating ang telegrama na patay na ang lola ng mga pinsan ko.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon