Compiled Stories 18

143 4 0
                                    


Untitled
Shared by riAbaby

Hi. This story happened to me when I was 12.
I had an 8-year old cousin who died a few days ago after I went to Makati where I used to live. Nalaglag sya sa puno (which isn't very tall pero grabe ung pinsala nya, that his brain leaked out through his nose) near the Makati Municipal Hall. Sabi nila, yung puno daw na yun eh haunted by a Tikbalang na every year eh kumukuha ng buhay. Puno yun ng acacia na puro baging. So after his burial, I went back to Laguna. Morning came and kakain ako ng breakfast dun sa silong namin, as I was putting peanut butter sa tinapay ko, I heard a familiar voice calling me. Sabi nya "Ate Ria...Ate Ria...Ate Ria.." I turned to look around kasi wala namang tao. I though my other younger cousins were playing tricks on me. Eh wala naman talagang tao. Then I remembered that, that voice belongs to my late cousin. I got scared I didn't finish my almusal, takbo ako papunta sa tita ko.

- The morning before he died, we even played a game using tsinelas. When it was my turn to play, he grabbed me from behind and he gave me this tight embrace. I got annoyed pa nga kasi nasaktan ako. I didn't know na nagpapaalam na pala sya, huling laro na pala namin yon.

Ang mga Multo sa School
Shared by 103827

Ang school namin ay puno ng kababalaghan dati daw kasi itong hospital o minsan sementeryo, pero palaisipan sa amin kung ito ay totoo o hindi.

Isang beses nag-share ng kuwento sa akin ang isa kong friend (dun rin kasi siya nag-aral dati). "Inutusan kami ni sir para dalhin ang mga papers nya sa may conference room, wala na kaming ginagawa nun kaya paglapag ng papers ay umupo na kami ng magkakaharap, tatlo kami non hanggang biglang nalaglag ang vase at napatayo kami at biglang may lumabas na multo tumakbo agad kami sa labas ng conference, naiwan pala non yung isa naming kaklase. Pagbalik namin ay namumutla siya at hindi makaiyak natulala siya syempre kinausap agad namin siya kasi baka mapagalitan kami."

Isa namang teacher ang nag-share. "Magsi-cr ako at dadaan ako sa may tabi ng conference (katabi ng conference ang hagdan papuntang cr) at may nakita akong putol na katawan, paldang may paa at naglalakad paakyat ng hagdan."

Isa pa ring teacher ang nagkuwento tungkol sa room namin. "Nakikita ninyo yung lalagyanan ng walis, nasira yan kasi noon ay ikinulong diyan na batang lalake, na kulitan kasi yung dating teacher sa kanya kaya kinulong niya at pinadlock. Nagkaroon ng isang linggong sem break, umuwi ng probinsya yung teacher, pagbalik niya naalala niya yung bata, sinira niya yung kabinet at nakita na patay na yung bata".

Isa ko namang kaklase ang nagkuwento "Sa may guidance natulog sila mommy non kasi inabutan sila ng malakas na ulan at nag brown out, kasama niya non ang isang janitor at humiwalay ang iba nilang kasama. Biglang namatay ang mga ilaw nagtaka sila kung bakit nakabukas pa rin ang electricfa, nung tinignan yon ng isang janitor nakatanggal naman daw ang saksak, tapos bigla na lang namatay. Naghanap non sila mommy ng kandila tapos may nakita sila na kandilang pula. Wala silang choice kundi sindihan ito, pag sindi nila nag amoy kandila ng patay at biglang nagkakuryente". Isa ko pang kaklase ang nagkuwento, "Dumaan ako sa tabi ng math room sa loob may nakita akong babaeng nakaputi at biglang tumalon sa bintana."

Itong last na kuwento ay kasama na ako. Sabado non at gumawa kami ng mga bookmark na ibebenta para sa isang subject namin, yung iba ay katabi namin at yung iba ay nasa stage. Biglang bumukas ang ilaw sa 2nd floor, tinanong namin kay kuya guard kung sino ang nagbukas pero biniro lang niya kami, in fact hindi siya nagbukas non dahil katabi namin siya at nagbabantay sa may gate. Nang 6:00pm na ay uuwi na kami iaayos na namin ang upuan na kinuha namin (yung lalagyanan ng upuan ay nasa likod ng DepEd na sasakyan). Unang naglagay si Jeanette, paglagay niya ng silya ay tumakbo agad siya sa amin at nagkuwento, "May nakita akong nakaupo sa driver seat!" Tinignan namin pero wala namang tao.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon