Sagada Tour and Ex-GF na may Third Eye

139 5 0
                                    


Shared by : manongginobili10

It was early last year, a planned outing ng mga officemates (around 12 people going to Sagada.

Once we arrived, ayun pasyal, pictures, and kain, until hinatid kami ng tour guide namin sa lodging house that we will be staying for the next 3 days.

Since 12 lahat, we opted to have 2 separate rooms kasi di kasya. One room kami ng gf ko with 2 guys (este gays pala hehe). Yung napili naming room may extension room sa side so yun yung pinili namin ng gf ko syempre.

First night, we were all about to get ready to sleep. Around 11pm yun kasi di ko pwede makalimutan dahil araw-araw nangyari e. Si gf higa then antok mode na. Normally sa Sagada super lamig so aantukin ka talaga kung naka-steady ka lang. Ayun, tulog na sya in a few minutes.

Then the weirdest feeling happened to me. As i mentioned, super lamig sa sagada nung time na yun (around 18-21 ang temp), pero tagaktak ang pawis ko! as in parang ang init-init na di mo maintindihan. alam nyo yung tipong pag summer na naalibadbaran ka kahit anong galaw mo? ganun yung feeling.

And to add to that, I felt someone was watching from everywhere. Syempre ako lalaki so sige lakas lang ng loob. Pero eto pa, sa ilang taong namin magkasama ng gf ko, bigla sya nagsasalita sa pagtulog nya, e never nangyari sa kanya yun. Yung parang may kausap pero garbled yung sinasabi. Yung nabanggit kong parang nanonood is presence ng lalaki. Tumingin ako sa mga bintana, hinawi ko mga kurtina (4th floor yung room namin). Though wala akong nakita or nagpakita sakin, nandun pa rin yung mainit na feeling and parang nakatingin sayo na kung anuman.

The following morning, binanggit ko sa gf ko na nagsasalita sya nung gabing yun. Syempre deny to death sya kasi nga di sya ganun matulog.
On with the group's activities sa mga tourist destinations and back to the lodging house para sa pahinga.

To make things short, nangyari na naman yung sequence na yun. Gnising ko saglit gf ko to show her na di ako nagbibiro na pinagpapawisan ako ng todo kahit super lamig. Nakita naman nya, pero ayun inantok din so wala rin naman akong magagawa kung hindi magbantay ulit.

Fast forwarding to our last day. Pumasok yung kabarkada namin habang nagliligpit na kami ng gamit. Sabi nya, "Nakakatulog ba kayo ng maayos dito sa kwarto? Parang mainit di ba?". Kinilabutan na ako nun kasi gf ko lang anh pinagsabihan ko about sa pagiging mainit ng room tuwing 11pm ng gabi.

Tapos sabi pa nya, kaya di daw sya sumama sa room na yun kahit maluwag pa kasi meron siyang nakitang lalaki sa kwarto (alam ko may third eye yung friend namin na yun pero ewan ko ba kung bakit nawala sa isip ko na itanong sa kanya nung first day pa lang).

Dagdag pa nya, parang galit daw yung multo sa mga lalaki (yung nakakatawa kasing part dun is, dun namin nalaman na bading yung isa naming kasama, kasi todo deny sya pag tinatanong).

Yun na siguro pinaka-close encounter ko sa mumu. Hindi bukas ang third eye ko pero ayoko na rin makakita haha. ok na yung paramdam lang. Pagbaba namin ng Manila, nagpakwento kami sa mga tour guide namin, meron din daw mga chance na may sumasama sa saksakyan pauwi. Minsan daw sumasama sa tao.

Added Bonus :

-Bago kami mag-cave spelunking, yung kasama namin may nakunan ng pic na white lady sa ibabaw ng nitso sa sementeryo. Binura nya agad after ipakita sa amin kasi baka daw sumama (may mga anak kasi sya kaya iba na daw yung sigurado).

-Sa loob ng cave, may nakita yung friend namin na batang lalaki. Though di naman daw salbahe, mumu pa rin haha.

-Some of my pics parang may mist na may korte. Surprising is that nag-check ako ng mga blogs about them, and nagulat ako na may similar pic ng shape na nakunan ko sa loob ng cave. What are the chances di ba?

Not sure kung nakakatakot guys pero yan ang story ko sa pagpunta ko sa Sagada hehe.

---

May nakwento yung isang Tour Guide samin, may time daw na yung driver huminto sa highway (pababa na sila ng Manila), pinababa nya lahat ng sakay.

Syempre nagtaka mga pasahero kasi akala may sira yung van then nakita nilang pumunta yung driver sa sasakyan tapos sabi nya sa loob "Kaibigan, hindi ka namin kasama papunta dito at lalo na di ka pwedeng sumama samin pabalik. hayaan mo kaming makauwi at bumaba ka na ng sasakyan."

Kinilabutan daw lahat ng pasahero. May sumama na pala sa kanilang mumu. Buti na lang daw napansin ng driver sa rearview mirror nya.

---

Maganda talaga sa sagada. ayun nga lang parang maraming ligaw na kaluluwa and mga elementals.

Naalala ko rin yung ex-gf ko na may third eye and kadalasan na nakikita nya is mga white ladies at eto mga description nya:

- Most of them have blurred faces

- They actually travel blinding fast (alam nyo yung cursor effect sa mouse na may parang buntot (mouse trail, ganun nya sila nakikita)

- Pag sinamahan ka ng white lady, there is a chance na madidisgrasya ka. there was this time na sakay sya ng isang kotse tapos umikot sila to a full stop. Nung pagbaba ng driver ng hood ng kotse nya, nakita ng ex ko may white lady sa tapat ng car

-Meron talagang mumu na sumasama. Nangyari sa kanya yun once. Yung nakita nyang babaeng naka belo sa house ng friend namin, sinundan sya hanggang Nova. I had to travel from the south to accompany her kasi at 2am nakita nya sa labas ng bintana ng kwarto nya yung babae, nakatingin lang.

-Hardest thing for her to see is yung mga mumu na duguan. Madalas sya makakita ng ganun sa mga highway routes.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon