Marista Campus

98 3 0
                                    


Shared by : Siberius

Marami-rami din akong ghostly encounters sa school namin noong high school student pa ako.

I. Early bird ako sa school. pinakamaagang dumating. as early as 6am nasa school naa ko. ako kasi ang tipo ng taong mabagal kumilos kaya kailangan kong gumising ng maaga. Sumasabay ako sa pag-alis ni papa ko tuwing 5:15am just to avoid the morning rush. Malayo rin kasi ang bahay namin at mahirap ang sakayan. hinahatid ako ni papa bago siya dumiretso sa work. halos magkakalapit ang building (classrooms) sa school ko. may matatayog na puno. syempre pa, maaga pa kaya mahamog. in short, madilim. try nyo i-imagine from Monday to Friday lagi akong naglalakad paakyat sa classroom ko on dark corridors. 1st day ng pagiging Sophomore student ko na-experienced ko na salubungin ng isang anino. mas malinaw pa nga kesa sa anino. all black ang silhouette. same routine - darating ng maaga at aakyat na agad papunta sa classroom. palapit na ako sa building ng 2nd year at 3rd year nung may napansin akong parang nakatayo sa itaas ng stairway.

Btw, parang T-shape (naka-slant nga lang pababa yung sides na unang aakyatan, left & right wing) yung stairway ng school kaya pag paakyat di agad makikita yung dulo. tapos liliko at aakyat ulit. gumana na naman ang reasoning ko kaya inisip kong baka shadows lang yun. medyo madilim nga kasi at di rin naman gumagalaw yung nakita ko. paakyat na ako ng 2nd floor, unknowingly na may naghihintay sakin sa itaas.
nakagawian kong tingnan yung steps ko pag umaakyat ng hagdan. kaya nanatili akong nakayuko. at one point, nagawa kong itaas ang paningin ko. laking gulat ko nang may makita akong nakatayo sa gilid ng hagdan. half body lang ang natingnan ko, di ko na nakita kung nakalutang ba o nakaapak ang paa. Gumagalaw!
nakailang atras ako bago ko napilit ang katawan kong lumiko at tumakbo patungo sa gate. doon ko nalang hinintay ang friend ko na eksaktong 6:30am lagi ang dating. wala akong sinabing may kakatwang nangyari sakin.

II. Hindi lang pala guni-guni ang lahat. Weeks after kong makita yung anino eh nadatnan kong naghihintay yung friend ko sa gate. napaaga ang dating niya kesa sakin. tinanong ko siya kung bakit sa gate siya naghintay.
di niya ako kinibo. niyaya ko na siyang umakyat. tahimik lang siya.
"anong nakita mo?" tanong ko
"alam mo?" balik tanong niya sakin
napilit ko rin siyang ikwento sakin.
nasa loob na daw siya ng classroom. nag-aayos siya ng gamit nung may napansin siya sa peripheral vision niyang may nakatayo sa door (kaharap ng stairway ang classroom namin). pag-angat niya ng mukha, wala siyang nakita. yumuko siya ulit. napansin niya ulit yung silhouette pero nakaupo na sa unang silyang malapit sa door. di niya na tiningnan. agad niyang sinara ang bag niya at tinakbo ang sa 2nd door sa likuran. ayun.

Dumating yung puntong di na ako natatakot sa anino sa 2nd floor. natural na sakin na sinasalubong ako tuwing umaga.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon