Sugat sa tagiliran

133 4 0
                                    

Shared by : jctheman

Two years after ay balik na naman ako sa province. medyo takot na.

May bagyong parating. medyo malakas kaya kailangang tumulong sa mga uncle ko sa pagbitbit sa mga bangka papunta sa silong ng bahay para di masira ng bagyo.

Yung unang bangka mabilis naming naisalba kasi marami kaming nagtulong-tulong non.

Same with the second one, tapos dun sa third and last bangka.

Putek! walo kami non tapos gulat na lang kami kasi 5 na lang, agad tumakbo yung tatlo. may nakita daw sa silong ng kapitbahay ng uncle ko.

Yung uncle ko para hindi ako ma-trauma, pinatakbo na ako paakyat sa bahay. pagtakbo ko sa gilid ng bahay. may nakita akong dalawang matang umiilaw. hindi ko na nilingon. karipas na ako ng takbo. sabay dasal ng minana kong latin na pangontra.

Yung uncle ko hanep, superhero ang dating. kumuha ng sibat pangisda at sinugod yung halimaw sa ilalim ng bahay nya.

Siyet! dinig talaga namin yung ungol nung hayup (sabi ng uncle ko ay malaking baboy na kulay itim) na yun nung tinamaan ng sibat sa bandang tagiliran.

Tapos tumakbo at nawala.

Pagkatapos ng bagyo.

Wasak yung 3rd bangka ng uncle ko.

Sa silong nya, may parang dugong kulay itim sa buhangin. grabe ang lansa. nakakahilo.

After three days.

Nabalitaan namin na yung albularyo sa ikalawang bundok mula sa bukid namin eh namatay daw.

Pumunta yung tita ko para makiramay kasi kaibigan niya yung pamilya nun.

Pagbalik niya kinahapunan. tulala yung tita ko kasi ang kinamatay daw nung albularyo eh impeksyon sa sugat. malaking sugat sa tagiliran.

Tapos nung pumunta siya sa kasilyas sa likod bahay. nandun yung putol na sibat pangisda ng uncle ko.

Grabe.

Mula noon hindi na kami pumunta sa lugar na yun.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon