Nasa Huli ang Title

133 5 0
                                    


Shared by : Kerwin_02

Share ko lang. Totoong nangyari ito sa buhay ko. Ewan ko. Di na dapat ikuwento ito pero gusto ko pa ring i-share. Gusto ko lang rin na malaman yung mararamdaman ninyo kung parehas ng naramdaman ko nung unang nakwento sa akin kung ano ang nangyari.

Sisimulan ko na. Member ako ng isang choir dito sa barangay namin. Every summer meron kaming nakasanayan na nag-a-outing kasama ang buong choir members. Sa San Felipe Batangas namin napiling magbakasyon. Sa bahay ng Kuya ko. Naikwento ko kasi sa kanila na meron doong magandang isolated place na lawa na sarap paliguan. Kung merong taga Batangas diyan baka alam ninyo yung tinatawag na Lungos malapit sa Mt. Makulot.

Maghahapon na nung dumating kami sa bahay. Wala sila Kuya at pamilya niya. May pinuntahan daw na okasyon sa kamag-anak nung asawa niya. Bukas pa daw ang uwi. Yung katiwala lang sa bahay na kapitbahay nila Kuya yung nag-assist sa amin. Sa madaling salita solo namin ang bahay. Yung master's bedroom nasa ground floor. Tapos may dalawang room sa itaas. Sa kaliwang kwarto doon natulog kaming mga lalaki. Tapos sa kanan dun yung mga babae. Sobrang pagod kami sa biyahe nun. Yung iba naidlip muna. Tapos yung iba nag-prepare ng mga kakainin sa hapunan. Yung iba naglaro ng baraha sa hallway sa itaas.

Natapos ang pagluluto. Kainan na! Sarap ng kain. After kumain yung iba pumwesto sa sala para mag-inuman. Yung mga lasenggero nagastay sa ibaba. Yung mga di umiinom ayun yung nag-stay sa itaas. Isa na ako dun. Di pa kasi ako marunong uminom that time. Naglaro ulit kami ng baraha. I-describe ko muna yung pwesto namin sa hallway. May maliit lang na table sa gitna. Tapos lahat naka-indian sit. Walang nakatayo. Mga walo kami nun sa itaas. Limang babae, tatlong lalaki. Habang naglalaro sobrang nagkakasiyahan na, kaya sobrang maingay na. Nang bigla namatay yung ilaw. May narinig kaming 'Tik!' ayun yung tunog ng switch ng ilaw. I-describe ko yung switch ng ilaw. Alam ninyo yung pabilog na matigas na kulay itim? Ganun yung switch ng lahat ng ilaw doon sa bahay. Tahimik lahat. Nagbukas ng cellphone yung isa kong ka-choir, yung cel na may flashlight. Inilawan yung sa parte kung saan nandun yung switch. Nang biglang tumili yung isa naming ka-choir na babae. Syempre natakot yung iba. Pero sabi niya joke lang. then tumayo na ako para buksan yung ilaw. Medyo takot na kami sa taas kaya nagbabaan na lang, tapos naki-join na lang kami doon sa mga nag-iinuman.

Umaga. Nagising ako. Napainom pala ako kagabi. Lasheng hehe. Yung mga babae gumagawa na ng mga sandwiches, nakapagluto na rin ng almusal. Kainan ulit. Tapos prepare na ng mga dadalhin papunta sa Lawa. Pababa ng bundok iyon kaya naka-shorts lahat. Pormang mountaineer kami. May mga dala kasing malalaking bag na puno ng pagkain. Yung mga babae may bag din pero mga damit lang ang laman. Nasa kalagitnaan na kami ng bundok nang may isang member na nag-requesy na magpahinga. Sobrang pagod na daw siya kasi ang bigat ng dala niya. Di namin alam kung nag-iinarte lang o pagod lang talaga. Pero actually maliit na backpack lang ang dala niya. Pinauna ko na yung ibang babae na nasa likod niya. Para makarating kaagad sa lawa. Para mahaba yung oras na makaligo.

Pagdating sa baba ng bundok. Sulit yung pagod namin. Sobrang ganda nung lugar. Totoo daw yung sabi ko na isolated kasi walang ibang tao kundi kami lang tska yung dalawang friend ng kuya ko na guide namin. Ligo-ligo. Tapos kain. Tapos jamming. May dala kasi kaming kahon at tatlong gitara. Sarap ng bakasyon. Naglatag din kami malaking kumot doon para latagan ng mga pagkain sa area ng kainan. Habang lumalangoy yung iba, napansin ko si Ate Irene na tahimik (isa po siya sa senior ng choir). May nawawala daw sa kanya. Tinanong ko kung ano. Yung maliit na sukbit niya daw. Tinanong ko kung ano yung sukbit, yun pala yung maliit na pulang parang unan na pangkontra sa masamang elemento. Biniro ko pa si Ate, sabi ko tanda-tanda na niya tapos high-tech na ngayon nagsusuot pa siya ng ganun, tapos bigla siyang nalungkot. Kaya inamo ko, sabi ko baka naiwan lang niya sa bahay. Pero sabi niya dala daw niya kanina. Inaya ko na lang siya na lumangoy kesa magmukmok.

Nang magsawa na kami sa Lawa. Bago maghapon umakyat ulit kami pabalik sa bahay. Yung iba pagod sa kakalangoy kaya di na maiangat yung katawan. Kaya yung iba tinutulak na lang namin. Yung iba na malalakas nauna na tapos naglatag na lang ng lubid para may hawakan yung ibang nasa baba.

Nakarating kami sa bahay sobrang pagod. Nandun na rin sila Kuya ko. Pinagluto kami ng masarap na hapunan. After kumain, inuman ulit. Si Ate Irene umakyat, nakita na daw niya yung sukbit niya. Nasa gitna nung kama ng mga babae sa taas. Tapos nun umuwi na kami pabalik ng Manila.

Siguro magtatanong kayo kung ano yung nakakatakot dun sa kwento ko?.

Pagdating sa Manila. Siguro mga ilang linggo, napagkwentuhan namin ni Ate Irene yung bakasyon sa Batangas. Kinumusta ko pa kung suot niya yung sukbit niya. Wala na daw sa kanya. Dito niya sinabi sa akin lahat ng nangyari.

Ready na ba kayo?.

Una, kwento ko muna kung sino si Ate Irene, isa siya sa senior namin sa choir na may third Eye. Kaming mga Junior alam yung tungkol sa kanya, pero yung mga batang member di alam yung ability ni Ate Irene. Nakakakita siya nang mga bagay na di nakikita ng iba.

Ok game. Balikan natin ang nakaraan kung ano yung mga nangyari
naikwento ko yung biglang namatay yung ilaw nung unang gabi
, walang nagbiro nun. Totoong may nagpatay. Yung choir namin na tumili
si Ate Irene yun. Nakita kasi niya kung sino yung nagpatay ng ilaw. Isang batang babae na nakaupo sa silya, yung nailawan bago ko buksan yung ilaw.

Pustahan tumayo balahibo ninyo! Hinde pa? Eto pa isa
.

Naaalala ninyo yung pababa tapos may nagreklamo na pagod na. Nasa likod nun ni Ate Irene. Kaya niya binulong sa akin na mauna na yung iba. Dahil nakita niya yung batang babae na nakasabay doon sa isa naming choir na babae at nanlilisik ang mata sa kanya.

Ako aminado habang tina-type ko ito tinatayuan pa rin ako ng balahibo. Pero di pa yan diyan natatapos
.

Kaya malungkot si Ate Irene nung nawala niya yung sukbit niya kasi kinukuha daw ito sa kanya nung batang babae. Para mawala yung proteksyon sa kanya. At nakuha ito sa kanya nung time na nagpe-prepare siya ng pagkain.

Tinanong ko si Ate Irene
sino yung batang babae, then dinescribe niya sa akin yung itsura. Napamura ako. Putsa, naluha ako sa sobrang takot. Ganito iyon. Yung napangasawa ng kuya ko. Nung bata pa siya mga 2 yra old yata. Niregaluhan siya ng Manika na nasa case. Yung nasa wooden box na salamin yung cover. May kwento dun sa manika. Habang lumalaki daw yung hipag ko. Medyo lumalaki din yung Manika. Ito totoo, nandun pa rin yung manika sa bahay. Sa room ng mga babae. Nakatagilid na sa kahon yung manika, kung itatayo mo yung Manika. Imposible na kasi di na kasya. Nung nakita daw ni Ate Irene yung sukbit niya sa kama. Wala sa kahon yung manika.

Ano tuloy pa natin? Dito ako kinilabutan talaga.

Nung pauwi na kami
nag-aabang na ng bus pauwi, napalingon daw si Ate Irene sa bintana sa itaas, sa room ng mga babae. Nandoon daw yung Manika. Nakasilip. Nanlilisik yung mata. Nakangisi. Kumakaway sa amin. Hawak yung sukbit niya, saka niya napansin, nakuha pala ulit sa kanya yung sukbit.

Ayun, until now kapag nagyayaya yung choir na bumalik doon, ang dami kong dahilan para di na makabalik ulit.

Nga pala, wala akong maisip na title dito, MANIKA na lang.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon