Paco Cemetery : A Mel & Jay Halloween Episode

461 5 1
                                    

Shared by : jctheman

Dati nung si Mel Tianco ay Mel and Jay pa ang palabas sa channel 2 noon with Jay Sonza. Nagsagawa sila ng isang Haloween episode sa Paco Cemetery. doon sila sa side ng Fountain fronting the old chapel. While doing the show nag-iinterview si Mel Tiangco ng ilang guest tungkol sa mga namatay nilang mahal sa buhay at ilang paranormal experts like Jimmy Lichauco and Romy Regis. Panay ang tunog ng canned laughter at clapping sa background kahit na di naman nakakatawa yung topic at kahit on the way pa yung discussion. Then nag-commercial break, pagbalik ng show sinabi ni Mel na may napansin daw ang technical staff nila sa canned laughter at clappings. Una daw hindi daw naka-on yung machine para gumana yung canned laughters na yun secondly kahit sila daw na nag-uusap-usap doon ay naririnig nila nagsenyas na lang si Romy Regis na huwag na lang pansinin kaya hinayaan na lang nila. Ika nga, the show must go on. Pero sinabi ng sa kanila na kagagawan daw yun ng mga batang nakapaligid sa lugar nila at gusto daw ma-recognize na nandun sila.

Guest din nila that time ang Spirit Questor ng Ateneo. Nakapaligid sa show yung mga filtered camera ng mga questors at ilang staff ni Romy Regis na may mga third eye at may hawak na mga crystals.

After the discussion pinakita nila kung ano yung mga nasagap ng mga cameras ng mga spirit questors.

1. Sa gate ng Cemetery may white figures na pumapasok na mga hugis sundalo na walang mga ulo.
2. Sa tabi ng fountain kung saan sila nag-set up. May babaeng nakaitim na nakaupo mismo sa fountain side na para bang nanonood sa kanila.
3. Yung canned laughter at clappings na na-record sa audio naka-capture sila ng mga maliliit na taong nakapaligid sa chapel na nakaanyong pumapalakpak.
4. Nakita din sa camera yung isang pari na naka-all black na tumawid sa harap ng camera.
5. Meron ding isang bata na maputing-maputi na nakatayo sa likod ng inuupuan ni Mel Tiangco.
6. Sa isang puno ng balite sa loob ng cemetery isang huge black figure ang nakita ng camera na animo'y kapre dahil malaki nga.

The year was 1997 yata. Hindk ko na ma-recall pero napanood ko yung episode na yun at talagang na capture ng camera ng spirit questors yung mga nakatira doon. After the show nagsagawa sila ng cleansing ritual sa lahat ng guest at cast ng show, kasi daw baka sundan sila ng mga spirits at bad elements na nandoon.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon