Inuman Session

129 4 0
                                        

Shared by : Rockistah

Hey Guys!

I have a story to tell also about my mumu experience. Here it goes.

The year was 2002. May bagong lipat sa amin dito sa Baguio. Binili kasi nila ang 300 square meters na binenta namin na lupa from the 800 square meters na nabili namin noong 1995. June that year na nabili nila yung lupa and may budget talaga sila kaya by October of the same year, natapos na ang house na pinatayo nila. Doon ko nakilala si *****.

Mula nung nagkakilala kami ni *****, lagi na kaming magksama. Mas bata siya sa akin ng 3 taon. Naaalala ko siya noon nung tinanong ko siya kung may bisyo siya at sabi niya yosi at alak lang naman daw. Parehas kami. Doon lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Pag may pera ako, tinatawag ko siya sa store malapit sa amin at shot kami hanggang malasing na kami. Yosi dito, yosi doon. Pag may pera naman siya, ako naman niyayaya niya. Kadalasan, lagi niyang kwento sa akin na lagi siyang pinagagalitan ng tatay niyang si Mang Rex. Na wala daw siyang ginagawang tama, lagi siyang mali sa lahat ng ginawa niya. Lagi ganito ang eksena ng buhay namin hanggang noong taong 2007.

Nakapasok na ako ng trabaho sa isang Semi Conductor Company dito sa Baguio and umiikot ang schedule ng work ko sa 3 shifts : 11pm-7am, 3pm-11pm at 7am-3pm. Kapag 3pm-11pm ako, inaabangan niya ako sa gilid ng bahay namin at niyayaya niya ako nang inom. Ako naman siyempre "oo" kaagad, sayang eh! Kahit 11pm-7am ako, ganun din ang gawain niya. pag 7am-3pm lang na diretso sa store ang meeting place namin para sa inuman sessions. Just recently, December of 2007, Alam ko nasa Iloilo pa siya kasi sabi niya noon, doon siya magpapasko kasama ang grandparents niya. Maiiwan ang parents and kapatid niya dito sa Baguio. Gusto daw niyang makasama lolo at lola niya kasi miss niya rin sila at matagal na panahon na hindi niya sila nakasama sa pasko.

Isang gabi, 3pm-11pm schedule ko kasi nun, kagagaling ko sa work. Medyo pagod. Malapit na ako sa pintuan ng bahay ng biglang lutaw si ***** sa gilid ng bahay gaya ng dati. Nagulat talaga ako, sabi ko sa kanya "Pare, kailan ka pa dumating ng Baguio? Kung magyayaya ka ng shot Pare, Pass muna ako diyan. Napagod kasi ako sa trabaho. Bukas na lang ng umaga 'tol ah" Pagkatapos kong masabi sa kanya yun, biglang takbo siya. Hinabol ko pa siya sa likod bahay pero wala hindi ko na siya makita. Sabi ko sa isip ko, kausapin ko na lang siya bukas pagkagising ko. Umaga nun, pumunta ako ng store para magpabukas ng 2 bote ng Red Horse bago ko tawagin si ***** sa kanila, iniisip ko baka nagtampo dahil for the first time tumanggi akong uminom. Sabi ko kay Ate Jackie, sya may-ari ng store na babalikan ko yung 2 bote kasi nga tatawagin ko si *****. Biglang napatigil si ate sa narinig niya. sabi niya sa akin "Hindi ito oras ng lokohan ah! Huwag akong tinatakot at matatakutin ako!", Nagulat ako sa reaksiyon ni ate, biniro ko pa kamo "Ate Jackie, tapos na ang Undas. Bakit ba ganyan ka magsalita e tatawagin ko lang naman ang kaibigan ko."

"Patay na ang kaibigan mo. Naaksidente sa motor si ***** kagabi kasama ang pinsan niya sa Iloilo. Nabangga sila habang nasa daan pauwi sa bahay ng lola niya", sabi ni Ate Jackie.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Puro tanong na lang ang lumalabas sa isip ko nung araw na yun. Bakit ang aga naman para kunin siya? at Bakit sa ganung paraan pa siya namatay?

Ang nakakatakot na tanong sa isip ko, kung hindi ko nasabi mga sinabi ko kagabi nung nakita ko siya at sumama ako sa kanya, buhay pa kaya ako ngayon o naisama na niya ako sa mundo kung saan siya naroroon ngayon?.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon