My own experiences

129 3 0
                                    

Shared by : graZiousa

Mga sis, marami akong experiences to share.

1.) During college days, nakatira kami sa boarding house which is nasa likod lang ng pinapasukan namin. One time gumala ako and since madilim yung daanan papuntang boarding house galing highway nag-try ako na sa school dumaan baka kako payagan ng guards kahit may curfew. Nakasakay ako ng pedicab, may maliit na tulay na madadaanan. May salamin ang pedicab na nasakyan ko. Normal gesture lang na nalamin ako, may nakita akong lalaki na nakaupo sa pinakagilid ng tulay sa tabi ng old faucet na di na nagpa-function. So sabi ko sa driver "kuya, gabing-gabi na yung mama nakatambay pa sa tulay". nilingon ni kuya driver, sabi nya "wala namang tao ah." So nag-quiet nalang ako and nagtanong-tanong ako tungkol sa tulay sa taga walis ng school. Naikwento nga nya na may namatay daw na lalaki during construction ng said tulay. And kapareho ang description ni ate sa nakita kong lalaki.

2.) Sa bahay namin nung di pa nare-renovate. One lang ang cr but pagpasok mo yung comfort room ang una then may division tapos bathroom na. One time naliligo ako, while sabon-sabon inaabot ko likod ko may batang nakasilip sa door (yung in between sa cr and bathroom) sigaw ako sa mga tao sa sala whose watching tv. Sabi ko "may bata dito palabasin nyo kasi nakasilip naliligo ako." Sigawan silang lahat natakot na sila, kasi wala naman daw bata na pumasok ng bahay at lahat sila nasa sala. Nung sumigaw kasi ako di ko na tiningnan yung bata tumalikod na ko sa kanya. Maliit na ang itim-itim, hindi clear yung detalye ng face nya but sure ako na bata sya and tao ang itsura.

3.) Di ko nalang ikukwento ang iba, yung latest nalang. Sa college na pinag-aralan ko where I'm employed ngayon, merong time na umalis sa pwesto nya yung kasama ko. Tapos maya-maya may dumaan sa likod ko so parang nakatagilid na ako ng upo kasi may nag-touch ng tagiliran ko yung gesture na may nakikiraan sayo. Tapos maya-maya pa dumating na yung kasama ko, sabi ko now ka lang ba dumaan dito? Sagot naman ng kasama ko "oo now lang ako nakabalik, bakit nakatagilid ka?". Kinuwento ko sa kanya na may dumaan, hinawakan pa nga tagiliran ko. Kaya mula nun natatakot na kaming mag-isa nalang sa office. Tapos nung lumipat kami ng office sa 2nd floor, pagpasok sa area namin unang table ang sa kasama ko. Sa bandang gilid na yung sa akin, may nakita akong lalaki nakatayo sa harap ng computer ng kasama ko while yung kasama ko nakaupo sa harap ng computer nya. Yung nakadungaw sya sa monitor ng kasama ko. Sa gulat ko sabi ko lang "hala!!!" tapos biglang talikod ako. Di ko na ikinuwento ang nakita ko at baka magkatakutan na naman. Same office when ang printer biglang nag-print samantalang wala naman daw nag-initiate, may isang bond paper na nahulog sa floor unang tingin ng tao na naka-stay sa office clean naman daw yung paper nung pupulutin na sana nya, OMG!!! may bakat na ng paa. Meron bang magpapaa sa office, eh mga faculty ang nandito.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon