Aswang and Ghost Experiences

124 3 0
                                    

Shared by : forever_agent

April 2003 ito nangyari. Buntis si misis, 7 months. Nakitira kami sa bahay ng in-laws ko kasi hirap pa kami magsarili nun time na yun at 1st time manganganak ng misis ko at mas napapanatag sya sa bahay nila sa IVC Marikina.

Kaming dalawa lang nun, kasama ang alaga nilang pusa. Sa sala kami natulog para presko. Naalipungatan ako. Madaling araw, alam ko 2:40am yun dahil sa harap ko lang ang alarm clock. Napansin ko yung pusa na nakaharap sa pinto, tila may inaabangan. Titig na titig sya. Naramdaman ko na merong ibang tao sa likod ng pinto.

Hindi ako makapaniwala sa sunod na nangyari. Yung latch lock ng pinto, unti-unting nagalaw hanggang sa tuluyan na natanggal sa pagkakakabit. Yung doorknob gumalaw na rin, yung pusa titig na titig pa rin. Bumukas yung pinto ng sala nang bahagya, yung tipong parang may sisilip lang, hindi sya tuluyang bumukas. Kinuha ko yung retasong kahoy sa sala na naiwan ng papa ko, akala ko magnanakaw. Ang himbing ng tulog ng misis ko, kahit anong yugyog ayaw nyang magising. Mga ilang segundo pa, nag-decide na kong lumabas. Sumunod yung pusa.

Paglabas ko sa garahe, walang tao. Pero hindi ko makakalimutan yung naamoy ko, napakabaho. Parang lamang loob ng isda na may ilang linggo na sa basura na nakatiwangwang lang. Yung pusa, galit nung lumabas. Pumasok ako kagad at hinatak ko ang pusa pabalik ng sala. Hindi na ako nakatulog.

The next day, nalaman ko sa dalawang tanod sa area na meron daw silang nakita na napakalaking paniki, mas malaki pa daw sa tao na nakadapo sa puno ng niyog mga 3 bahay ang layo sa bahay ng in-laws ko. Sabi nila aswang daw yun, lalo pa't kinuwento ko sa kanila yung naamoy ko that same night.

Kaya ko naalala itong kuwento na ito, kasi buntis misis ko ulit sa pangalawa naming anak, 3 months. This time nasa Montalban na kami nakatira. Mga isang linggo na nangyari itong sunod na incident.

May narinig akong naglalakad sa bubong ng bahay namin, akala ko ulit magnanakaw dahil may mga basyo ako ng softdrinks (may sari-sari store kami) sa bakuran. Ayaw na naman magising ng misis ko. It was 3:10am. Paglabas ko sa kuwarto, yung pusa namin (yes, that same cat) nakatingin sa bubong kaya alam ko na may naririnig din sya. Paglabas ko, sumama rin sya, sabay lock ng pinto sa likuran ko.

Naamoy ko ulit yung amoy na napakasama na yun. Pero hindi ko inakala na meron akong makikita this time around.

Lalaki, naka-squat position sa bubong ng bahay. Minura ko sya at hinabol ko, tumakbo sya sa bandang likod na part ng bubungan.

Nasundan ko sya, sabay talon sya sa kabilang bahay. Imposibleng talunin basta-basta yung distansya dahil may 100 sqm na bakanteng lote sa pagitan ng mga bahay.

Nung tinitigan ko sya mabuti, na-realized ko na ibang nilalang sya dahil bukod dun sa masangsang na amoy na meron sa paligid, iba ang kulay ng balat nya. Wala syang t-shirt, naka-maong na pantalon sya at barefoot. Ang itim ng balat nya, parang leather shoes-type na itim. Mahaba ang galamay nya, halos umaabot sa leg area. Tuluyan syang tumakbo, hindi ko na hinabol.

Hindi ako naniniwala sa mga aswang, pero meron akong hindi maipaliwanag na experience kagaya nyan. I have 4, pero I'll write about the 2 earlier experience pag may time ako. Sensya na sa haba mga pips.

-----

Another one.

Mismong sister-in-law ko inaswang din, kuwento lang sakin nung mother-in-law ko. 1996 or 1997 daw sa Marikina rin, di ko pa sila kilala nun. kabuwanan daw nung sister-in-law ko, tapos meron daw kumakaskas sa bintana (capiz-type, yung tipong de-slide. makaluma ang bahay nila eh) kaya tinawag nya ang nanay at brother-in-law ko. 2nd floor ng bahay ito. nung buksan daw nila, meron daw matandang babaeng maitim na nakadungaw, tapos mahaba ang kuko, tingting saka asin daw ginamit nila para maitaboy yung kung-anuman-yun. di ko na alam nangyari pagkatapos nun.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon