Anino

115 2 0
                                    


Shared by : imfreakingout

Para po sa mga nagbabasa ng story na ito. Sana magustuhan nyo. Gusto ko kasing i-share ang nakakakaba naming experiences ng ka-work ko.

Napakaordinaryong araw ang araw na ito na naging katatakutan. Pumunta kami ng ka-work ko sa isang condo sa Makati para mag-check ng sirang ilaw. Ito ay sa kadahilanang kami ay admin at isa iyon sa hinahawakan naming staff house. Alas dos yun ng hapon ng pumunta kami ni kuya sa unit.

Pagkabukas pa lang ng pinto ni kuya ay agad na akong pumasok at dumiretso sa kwarto at nakatayo lang ako sa harap ng pintuan habang nagte-text ng biglaang tinawag ako ni kuya. "Tumayo ang balahibo ko" sabi nya sakin. Dahil sa alam kong nakakaramdam si kuya ng kakaiba. Bigla akong kinabahan at napatitig sa kanya. Kinabahan ako sa sinabi nya. Noong una binalewala ko na iyon. Tutal hindi naman ako pakitain ng multo hahaha, kaya ok sige tuloy sa pag-check. Pumasok na kami ni kuya sa kwarto kung saan sira ang ilaw. Kumuha si kuya ng upuan para maging patungan para maabot nya ang mataas na ilaw. Matagal bago nya makuha ang ilaw para matanggal.

Umalis kami ni kuya after namin makuha ang ilaw at lumabas na kami ng kwarto. "Isasarado ko ba itong pintuan?" sabi ni kuya. "Oo sarado mo". Dinig na dinig ko ang pagsarado ng pintuan. Tumungo kami sa kaharap ng kusina na kwarto. Ang pintuan ng kusina at kwarto na aming pinuntahan ay magkaharap lang.
Dumiretso kami ni kuya at in-open nya ang pinto ng kusina. Sumilip kami saglit sa kusina para ma-check if may iba pang sirang ilaw na papalitan. Lumabas na kaming dalawa. Pinatay na ni kuya ang ilaw at sinarado. Nauna na akong maglakad papunta sa isang kwarto at dahil may nag-text sakin nag-stop ako sa gilid ng pasilyo. Sa kaliwang side ko ang pintuan ng kusina at kwarto na magkatapat. Sa kanan ang pintuan ng mas malaking kwarto.

Nauna si kuya pumunta sa kwarto. Habang akoy nagte-text ay may narinig akong nag-click. Binalewala ko iyon dahil naka-earphone ang kabila kong tenga at baka kako wala lang yung narinig ko. Pero mukhang hindi pwedeng hindi balewalain iyon.

Kasunod noon ay ang kinatatakutan ko. Hindi ko alam at kung sa katangahan ko bigla akong lumingon sa kaliwang side ko at nakatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Nag-click ang pintuhan saka may para bang humila.Tumataas pa din ang balahibo ko sa nakita kong iyon kahit last month, May 2018 lang yun nangyari.

Sobrang kinabahan ako sa nasaksihan ko. Agad akong tumakbo papunta kay kuya. Sa sobrang pagkabigla ko ay hinila ko sa braso si kuya at napasabing "Alis na tayo. Alis na tayo kuya!" takot na takot ako. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Namumutla na daw ako. Hinding-hindi ko sinabi kay kuya kung ano ang nangyari. Ang gusto ko lang eh umalis kami kaagad sa unit na yon. Sabi ni kuya para daw akong nakalunok ng gluta that time sa sobrang putla. Hindi ko sinabi ang nakita ko kay kuya. Pinilit ko siyang lumabas at tumawag ako sa isa ko pang ka-work para lang mawala ang atensyon ko sa nangyari.

Paglabas namin saka ko kinuwento kay kuya ang nangyari ba't ganun ang reaksyon ko. Alam ko masyadong mahaba ang story ko pero may susunod pa iyon, yon ang mas nakakatakot sa lahat.
Pagbalik namin ni kuya sa unit (no choice kami kasi walang available na maintenance ng condo that time). Pumasok na kami sa kwarto ni kuya. Umakyat na sya sa upuan at dahil sa takot ko iniwan ko sya sa kwarto at doon nag-stay sa labas ng pintuan sa labas. Narinig ko si kuya, sinisigaw ang pangalan ko. Nakita ko nalang siyang nakaupo sa pintuan. Sabi nya sakin "May nakita daw siyang anino sa ilalim ng pinto sa kusina. Huwag daw akong tumingin. Dahil sa takot ko, hindi ako tumigin. Napahawak sa likod ko si kuya at nanginginig. Sinarado namin ang pintuan at minadaling ikabit ang ilaw. Kabado si kuya. Ilang beses siyang sumubok na ikabit ang ilaw. Nakabantay na ako sa pintuan sa takot na baka isirado ng kung sinuman ang pintuan. Lumabas na kami ni kuya sa kwarto. Binuksan ni kuya ang kusina at nakitang naka-open ang ilaw na sinarado nya kanina at ang mga cabinet na naka-open na kanina ay nakasarado. Nakakapagtaka, sinarado nya ang ilaw kanina. Agad na kaming umalis sa takot at dahil sa pagmamadali namin ay naiwan ni kuya ang kanyang wallet sa kwarto na akala ay nadala ko. Dahil bago pa kami pumasok ni kuya ay nilagay ko lahat ng gamit sa purse ko kasama ang cp nya at never ko binitawan. Yun pala ang wallet nya ay nilapag nya sa table pagpasok namin sa kwarto. Bumalik kami ulit at natuklasan niyang open na naman ang ilaw sa kusina. Nakakatakot pa din. At dahil diyan, nagsunod-sunod na ang pagpaparamdam sakin.
        
#Imfreakingout

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon