Ang Electric Fan at Si Ate C

125 3 0
                                    

Shared by : Kagome19

When I was in college, I stayed in a boarding house near our school. Old house yun, kahoy yung taas (lahat yung rooms for bedspacers) at maraming bintana. Yung typical na nilalagyan ng mga kurtina. Ever since, ayoko ng bintanang ganun, so as much as possible, aakyat lang ako sa kwarto namin 'pag matutulog na ako.

First experience ko dun happened nung nasa living room ako sa baba, at ako na lang ang gising. I was preparing props for our drama presentation. It was around 1am then, at medyo matagal pa bago ako matapos kaya naisipan kong magkape. I went to the kitchen and prepared for a light snack.

Then, pagbalik ko sa study table sa living room, uupo na sana ako para kumain pero bigla na lang huminto sa pag-ikot yung electric fan. Dahil elevated ang sahig kung nasaan ang electric fan, umakyat ako para i-check kung bakit yun tumigil. Nung malapit na ako sa don, bigla itong gumana at umikot ulit. Naisip ko baka grounded lang or something (wala akong alam sa kuryente haha). Relieved that it was working, bababa na ako at pupunta sa study table. To my surprise, pagkatalikod ko pa lang, biglang tumigil na naman ang electric fan.

"What now?" was all I could say. Pero kinabahan na ako nun. Lumingon ako, at paglingon ko, umandar na naman ang electric fan.

I started to panic so sabi ko ng malakas "Anong problema ng electric fan na 'to? Naku naman 'wag kang mag-inarte, wala akong time para dito." Pinatay ko ang electric fan at nilipat ng saksakan kasi naisip ko baka maluwag lang. Umandar naman ito , then pinagmasdan ko muna yon ng ilang minuto. Maayos naman kasi bago pa nga un eh, umiikot naman ng walang kakaiba.

Just when I thought na okay na, tumalikod na ako para bumaba na ulit pero bigla na naman siyang huminto. Hindi ako agad nakalingon. Nagtayuan ang balahibo ko at ang lakas ng kaba ng dibdib ko. I thought "Shocks, I'm in trouble. Pag ito umandar na naman kapag hinarap ko eh tatakbo na talaga ko sa taas. "I stood there for a while thinking, "Please, wala sana akong makita."

I prepared myself to run. Nilingon ko pa rin ang electric fan and I was right! Umandar na naman ito, kaya dali-dali kong tinanggal ang pagkakasaksak nito at hindi ko na pinatay yun, pati ang ilaw ay iniwan ko ng bukas. Bahala ng mapagalitan ako ng caretaker namin bukas.Tumakbo ako sa taas, at pilit kong ginigising ang roommate ko pero tulog mantika talaga siya, 2 lang kami so wala akong choice kundi tawagan ang friend ko para ikwento ang nangyari. She warned me not to stay up late lalo na kung mag-isa lang ako. She told me na meron nga daw kakaiba sa boarding house na yun.

The next day, I was scolded by our caretaker dahil nga naiwan kong bukas ang ilaw sa living room. At ang sabi nya pa pati electric fan ay nakalimutan ko din daw patayin. Pati gamit ko na nasa study table ay nagkalat na sa sahig. I told her about what happened. In front of the other boarders, kinuwento ko kung paano nangyari but the damn electric fan is perfectly working. I knew I looked like an idiot because they won't believe it.
Well, not until, they've experienced something too. That wasn't my first horror (horror ba?) experience in my life and it wasn't my last experience in that house. I'll share them next time.
----
Sometime during my stay sa bahay na yun, nagkaroon ako ng close friend. Bagong lipat siya, let's call her Ate C. Si Ate C ay sister ng boyfriend ng friend ko, na schoolmate din namin. Naging close namin siya, lagi siyang sumasama sa group namin though siya ang pinakamatanda. We used to play board games at madalas na pustahan ay food o lalabas kami at magti-treat ang talong team. We really admired her, kasi naman mabait, maganda, matalino at successful ang kanyang career at lovelife hahaha. Mga students pa po kasi kami nun.

Hanggang sa lagi na siyang busy kasi paalis na din daw siya ng bansa so after one month, dun muna siya sa province nila. We started missing her. Wala na kasi kaming makulit na ate. One night, dinalaw niya kami at naglaro ulit kami ng scrabble. Nanalo ang team namin vs Ate C so we were very happy kasi sila ang magti-treat. That night, pinipilit nya kaming wag matulog at magkwentugan lang, at pati landlady namin ay hindi nya pinauwi agad. One thing I didn't forget was when she said "Aalis na nga ako tapos iiwan nyo pa ko mag-isa dito sa baba." We felt gulity at the same time sad, kasi aalis nga naman siya ng bansa. Pero, nauna pa rin akong matulog sa kanila, kasi maaga pa ang pasok ko.

After a few weeks, bumalik ulit si ate C sa boarding house and bid us goodbye. We were excited kasi sabi nya, ikakasal na sila ng bf nya pagbalik nya from abroad. Masaya kaming nagbibiruan habang nag-e-empake siya ng mga gamit nya. When I was about to go upstairs, we had this conversation.

Ate C : Uy K, may utang pa pala akong treat sa inyo ah. Madaya ka, di mo sinasabi. (seryoso siya)
Me : Ok lang po yun Ate C ano ka ba? (laughing) pag nagkita na lang tayo ulit o kaya pasalubong na lang, may interes na yun ah haha.
Ate C : Hindi pwede. Kailangan mabayaran ko na yun, bago ako umalis.

When she said this, nakatalikod na ako sa kanya. Bigla akong nanlamig. I was not sure why. Basta alam ko kinabahan ako bigla. Hindi na ako nakapagsalita that time. Umakyat na ako sa kwarto at naghanda papasok sa school. I thought maabutan ko pa siya sa baba, pero pagkababa ko ay nakaalis na sila. Nag-iwan sila ng food, yun na daw ang treat nya samin. Di nya talaga nakalimutan.

One night, nagising na lang ako kasi may tumatawag sakin. Hindi ko muna binuksan ang kwarto kasi takot nga ako sa bahay na yun haha. But then, may kumakatok na sa room ko. I opened it and found no one. Tatlong beses kakatok at tuwing bubuksan ko ay wala namang tao. Sa inis ko, lahat ng kwarto sa taas namin ay kinatok ko para malaman kung sino ang nanloloko nung gabi na yun. Pero lahat sila ay natutulog na din kaya nainis din sila sakin, ang lakas daw ng trip ko! So I called my friend na palagi kong kinukwentuhan ng mga weird experiences ko. She warned me not to open the door daw, pag narinig ko ulit yung katok at huwag sasagot pag may tumatawag sa name ko ng dis oras ng gabi. That was weird, right? Paano na lang kung emergency?.

Matagal akong nakatulog that night, kasi hinihintay ko na tawagin ulit ang name ko. I felt it was kind of emergency. Pero nakatulog na ako ng wala ng tumatawag sa name ko.

I saw her. We were in a bus. Magkatapat kaming nakaupo. She was wearing a white dress and a veil. hindi yung pangkasal ah. Yung mga sinusuot ng mga kababaihan sa probinsya pag nagsisimba. I was surprised kasi ang alam ko nasa ibang bansa na siya. When she saw me, she smiled but then alam ko na malungkot siya.

Ate C : Ang bilis ng bus noh? Pwedeng makalampas ka sa bababaan mo. Pwede ring malayo pa lang eh bumaba ka na sa takot na di makarating sa pupuntahan mo.
Me : Totoo po. Nakakatakot nga po ang bus na ito. (I thought, ang weird naman ni Ate, ang init-init ba't ganyan ang suot nya).
Ate C : Basta K, i-promise mo sakin na pupunta ka ah, huwag kang mawawala. At sabihin mo sa kanilang lahat, malulungkot ako pag hindi. Basta punta kayo ah. Promise mo yan (at this point, she was crying).
Me : Opo Ate C, promise (hindi ko alam ang gusto niyang sabihin) I felt really sad. Then I knew, I was in a dream. I need to wake up. I can't wake up. I saw Ate C coming closer and closer to me and saying the same thing over and over again. I was so scared and sad at the same time. I prayed na sana magising na ako. Yup, I woke up crying.

I decided to talk to my friend. Gusto kong kumustahin si Ate C kasi masama ang napanaginipan ko. I couldn't find my friend dahil nakipagkita daw ito sa bf nya na kapatid ni Ate C, I was about to tell my friends about the bad dream I had, pero dumating na ang kapatid ni Ate C at friend ko. Naaksidente daw si Ate C habang nagmo-motor sila ng bf nya. Na-coma siya ng tatlong araw at hindi rin kinaya at binawian siya ng buhay. Wala daw kasing suot na helmet si Ate C. We were shocked. I was shocked as well. Iyak ako ng iyak and I remember yung tumatawag sakin the night before. The bad dream I just had. Sinabi ko sa kanila, na kailangan naming puntahan dahil malulungkot siya at yun ang hiling nya sakin sa panaginip ko.

When we went to the wake, I made sure na hindi ako titingin sa kanya. Takot kasi ako sa patay. Once na makakita ako, hindi ako nakakatulog. Her parents share their last moments with her. How they ask her not to go anywhere dahil nga paalis na siya. Nalungkot din kami, Kasi ang alam namin, makakapunta kami dun pag ikakasal na sila. Her mother told us, "Nakita nyo ba ang suot nya? Paborito nya yan, kaya yan ang isinuot namin sa kanya. Last Holy week lang, yan ang suot nya nung Nag-Visita Iglesia kami." Lalo akong nalungkot, kasi yun na pala yung nasa panaginip ko. I told her mother about sa last conversation namin at yung experience ko nung gabi. Tita told me na kailangan ko daw tingnan si Ate C at alayan ng dasal. Ginawa ko yun kahit takot na takot ako, pinagdasal ko din na sana matahimik at matanggap nya ang nangyari.

Thankfully after that, hindi ko na siya napanaginipan. Sa sobrang takot namin, wala ng gustong matulog sa room niya. Naging vacant un ng ilang buwan hanggang sa may lumipat ng mga bagong boarders.

Naging lesson yun sakin, though lagi talaga akong nakaka-experience ng mga ganun, pag mawawala na ang mga taong mahalaga sa akin. It's scary but I can't avoid it. Have you experienced something like this? Sure, death is inevitable. Ever since, lagi kong naiisip, what if today is my last? Am I ready? Weird and morbid, I know, but we can never tell, right?.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon