Numero unong duwag

137 4 0
                                    

Shared by : donzki_doinks

I have several experiences sa pinagtrabahuhan ko.

1st experience, bago pa lang ako sa work nun. need ko mag OT. yung room namin sa 1st floor is occupied by the company's president, v.pres, one purchaser, accounting supervisor, one accounting staff and me, the accounting assistant. pero nung time na yon, ako lang mag-isa sa room. yung pres, vp and acctg. supervisor nasa meeting. the rest, nasa pantry sa 2nd floor nag-coffee break. I was busy typing sa computer nung biglang nahirapan akong huminga. nung lumingon ako sa left, may nakita akong nakaupo dun sa desk nung purchaser namin, mahaba ang buhok. imposibleng yung purchaser yun kasi maiksi buhok nun. likod lang nakita ko kasi yun talaga orientation nung desk nung purchaser. nakatalikod sa akin. buti nga di humarap kasi maiihi ako sa takot pag humarap sya.

2nd experience, afteroon nangyari. yung accounting staff, wala sa desk nya. eh may phone call sya so I went out of our room to look for her. paglabas ko, nakita ko yung accounting staff na umaakyat ng hagdan. tinawag ko, di lumingon. so sinundan ko. pag-akyat ko, wala sya dun sa 2nd floor. e yung 3rd and 4th floor, prohibited area na yun kasi production area na yun. production staff at chemist lang nakaka-akyat doon. walang elevator yung building so the only way to go up and down is stairs lang. so bumaba na ako. pagbaba ko, nakita ko na yung hinahanap ko nasa desk nya sabi ko "Ms. Ai, galing ka ba sa itaas?" sabi nya "hindi. galing ako sa labas. nagbigay ako ng petty cash dun sa driver" napanganga nalang ako at tinayuan ng balahibo.

3rd experience, eto hindi ko experience. experience ito nung encoder namin pero may kinalaman ako. galing ako sa CR sa first floor, pagbukas ko nung pinto, andun yung encoder parang gulat na gulat nung nakita ako. so tinanong ko kung bakit. ang sabi nya: "galing kasi ako sa pantry. nakita kita doon nakaupo, nakatingin sa akin at umiiyak! tinanong pa kita kung bakit ka umiiyak pero di mo ako pinansin." as usual, goosebumps na naman ako.

*****

Eto po follow up lang. this happened around 30-45 minutes after I wrote my previous post here.

I wrote my previous post here on this thread inside me and my hubby's room dito sa bahay nila sa Bulacan. around 30 mins after I posted my post, I prepared to go to sleep. my husband beside me is already sound asleep. ipinikit ko mata ko para matulog na. siguro wala pang 1 minute, napadilat ako. may naramdaman kasi akong malamig na humawak sa batok ko. imposible naman na electric fan dahil una, nakaharap ako sa electric fan, pangalawa, iba yung lamig na humawak sa batok ko. imposible din na bintana kasi sarado yung nag-iisang bintana sa kuwarto namin ni hubby. almost a year na din ako nakatira dito so since then, never pa akong nakaramdam nang ganung weird na feeling dito sa room namin. so natakot talaga ako at ginising ko hubby ko. alam ni hubby na duwag ako pagdating sa mga nakakatakot na bagay kaya inaya nalang nya ako na bumaba at manood ng TV.

Pagbaba namin, andun si MIL at yung kasambahay watching TV. my MIL, unaware of what I experienced upstairs, told us that Pogi (yung dog nila) seemed disturbed. na nakita kong totoo naman and my MIL said na amoy beer daw kanina pa. nung suminghot ako, true enough, amoy beer nga. e wala namang umiinom sa paligid. then sabi ni MIL, tingin daw nya nasa paligid yung late father ni hubby.

Katakot. di yata ako makakatulog. magbi-birthday yata ako bukas nang may eyebags.

*****

This happened last night sa school, yung last subject ko kasi is 6pm ang tapos. nag-extend konti yung instructor kaya almost 6:30 na kami na-dismiss. dun sa floor na yun, kami nalang ang nagkaklase ng ganung oras. eh alam nyo na, BER month na kasi kaya madilim na yung ganung oras. yung hallway na dadaanan namin e madilim (nagtitipid yata yung school kaya pinapatay ang ilaw) tapos malakas pa ulan. kasabay ko maglakad yung classmate ko. habang naglalakad, I felt that there was someone behind my back blowing air sa batok ko. I thought it's my brother (classmate ko sya dun sa subject) kaya sasawayin ko sana kasi tumatayo balahibo ko sa ginagawa nya (numero unong matatakutin ako). nung lilingunin ko na sana, pinigilan ako nung classmate ko na kasabay ko. sabi nya "wag kang lumingon bhe. mas magandang di mo nalang makita. bilisan nalang natin" yun. na-gets ko na ibig nyang sabihin kaya sinunod ko nalang sya (nakuwento na sa akin nung classmate ko na occassionally, nakakakita talaga sya ng mga entities).

Nung nasa gate na kami, I asked her
kung anong meron sa likod ko.
sabi nya, may babae daw wearing school uniform na nakasunod sa akin. I asked her kung anong itsura ng uniform and her description matches
dun sa dating uniform ko nung HS pa ako dun sa school na yun (I spent HS
there and graduated 2001 pa and since then, twice na nagpalit ng HS uniform yung school). hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako. as I've said numero unong duwag ako.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon