Overnight para sa Inventory

140 4 0
                                    

Shared by : andylhen

Sharing the most experience ko. It happened Oct 29, 2008 sa previous company ko sa clark. production planner ako at tradition na ang overnight pag monthly inventory.. hindi kasi aandar ang production hangga't hindi namin natatapos ang inventory comparison. madami na akong nararamdaman at nakikita sa building. hindi naman ako natatakot kasi naman kahit tirik na tirik ang araw andun sila at nakikita ko.

Nung inventory ko lang talaga napatunanyan ang kwento ni "alvin" sa building. tinawag siyang ganun kasi daw naglalaro siya ng bola sa corridor. since halloween nun, may mga fruits offering sa landing ng stairs para nga daw kay "alvin" at sa nanay niya. bandang hapon pumunta pa ako dun para magdasal kasi nga aabutin kami ng magdamag sa building.

Mga 8 pm palang, nakakaramdam na ako ng mga kakaiba. sabi ko sa mga kasama ko walang pupunta sa cr mag-isa. dapat may kasama. mahirap na eh. may matatakutin kasi kaming kasama. siguro mga 10 lang kami sa building plus yung guard sa gate na.
nag-umpisa na akong kilabutan nang may marinig akong umaakyat sa stairs, galing sa landing na may offering. hinahampas niya yung pinto. nagkakatinginan na kaming lahat. sabi ko walang aalis sa upuan kahit anong mangyari. hanggang sa bumukas na ang pinto. narinig ko yung bakal na hinahampas yung mga keyboards pero walang tao. may isang naramdaman naman ako na naglalaro ng bola. palapit ng palapit sa pwesto ko. sobrang lamig ng nararamdaman ko pati nakatayo na yata ang lahat ng buhok ko sa katawan. pakiramdam ko ang laki ng ulo ko. nasa tabi ko na yung naglalaro ng bola. tapos yung may bakal naman yung keyboard ko na ang hinampas. kitang-kita ko na gumalaw yung keyboard ko. pati yung bola binato na sa akin. sa takot ko tumakbo na ako. sabay sumunod na yung mga kasama ko. takot na takot daw sila kasi nga nararamdaman daw nila lahat. nagsumbong kami sa guard pero wala kaming napala. mga 2am bumalik kami sa taas kasi nga kailangan naming tapusin yung mga reports. basta walang matatakot at walang magre-react sa mga nakikita namin. inantok ako. sabi ko tutulog muna ako sa ilalim ng mesa ko. sobrang bigat ng katawan ko pero nakatulog ako. 4am ng gisingin ako ng mga kasama ko. sumalakay na naman daw "sila" kaya nagsibaba silang lahat. hindi daw nila ako magising kaya iniwan nila ako sa taas. sobrang galit ko sa kanila kasi nga baka kung anong ginawa sa akin ng mga nilalang na yun.

Simula noon, hindi na ako pumayag na mag-overnight para lang sa inventory, 10pm na ang pinaka-late kong uwi pag inventory.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon