Elementals / Dwendes (Story of 2 Sisters)

138 2 0
                                    


Shared by : lil.ms.alex

My grandma is also gifted. she will know if an entity is following you. she's based in the states, pero every time na umuuwi sya dito, she will "take a look" at all of her grand children.

When I was in high school, umuwi sya dito kasi may kailangan daw syang gawin sakin and sa sister ko. una nyang ginawa sa sister ko. may orasyon or chant sya na sinabi in latin. pinahiga nya sister ko sa floor and may nilagay sa manipis na stick between her toes. I remember, sabi ng lola ko sa sister ko before she started, "tiisin mo ang sakit ha, iipitin kita." nagtinginan kami ng sis ko kasi, pano sya maiipit eh isang manipis na stick lang naman yung hawak ni grandma, plus nung nilagay between her toes, parang wala lang kasi maluwag pa.

So my grandma started chanting na. pinapikit nya sister ko tapos she asked my sister kung ano nakikita nya. sabi ng sister ko nakikita nya yung sarili nya sa school namin. then tinanong sya ni grandma kung sino yung babae na nasa likod ng puno na nakatingin sa kanya. tapos ayun, hinanap ng sister ko and it turned out na may babae nga na nakasilip sa likod ng puno, nakatingin sa kanya. she told our grandma na di nya kilala. at this point, sumigaw yung sister ko. ang sakit-sakit na daw ng paa nya, pero nakapikit pa din sya and she was crying in pain. sabi ni lola, tiisin daw muna kasi she needed to speak with the girl behind the tree. so ayun. grandma tried talking to the girl pero ayaw makipag-usap.

Habang pinipilit ni grandma yung girl na makipag-usap, yung sister ko nakikita kung ano nangyari when she was in school, lahat ng ginawa nya and pinuntahan with the girl always following her. kung ano nakikita ng sister ko, yun din nakikita ni grandma. na-realized ko lang it works like that when my lola asked kung ano yung name ng gay friend na kasama ng sister ko. turned out na gusto sila maging friend nung girl.

Hanggang sa mainis na yung lola ko kasi she was asking the girl kung bakit sya sumusunod sa sister ko tapos ayaw sya sagutin, sinabi nya na, "kapag hindi ka pa nakipag-usap sakin, gagamitin ko na 'to sayo!". (referring to the stick) ayun. biglang nagsalita ang sister ko nang "please don't" in a totally different voice. natakot ako nun kasi iba yung voice ng sister ko pati tono plus she was crying non-stop kasi sobrang sakit daw ng paa nya kung saan nakaiipit yung stick. when I looked at it, hindi na sya manipis. mataba na sya like yung ginagamit na baton ng mga choir masters.

Ito nalang yung mga natatandaan ko sa usapan nila.

Grandma: Bakit mo sinusundan ang granddaughter ko?
Her: Gusto ko lang naman syang maging friend eh.
Grandma: She couldn't even see you.

And on it went. gusto talagang sumunod-sunod nung girl sa sister ko pero ayaw ni grandma kasi it will bring sickness and kamalasan daw in the family pag di tumigil kakasunod yung girl. then biglang sabi nung girl through my sister na pag-iisipan daw nya kasi she's really lonely daw. my grandma said that kahit ano mangyari, she must stop following my sister. ang tagal bago sumagot yung girl. habang nag-iisip sya, napapanood ng sister ko yung mga pinaggagawa nya the past weeks sa school na nakasunod sa kanya yung girl. she even told me days after na pag tumatawa siya together with her "real" friends, tumatawa din yung girl na parang, she was really a part of their group, pero palagi lang nasa background or nasa likod nila.

Ang tagal nag-usap ni grandma and nung girl pero in the end, she agreed to stop following my sister when grandma said that if she don't stop, she'll do something na makakasakit sa kanya. yung next na nangyari totally creeped me out. biglang nag-iba yung iyak ng sister ko. nung una she was just crying with a few whimpers, pero biglang naging sob and nag-iba pati voice. sinasabi nya habang umiiyak na wala naman daw syang ginagawa sa sister ko, sumusunod lang naman daw sya, pero ayaw talagang pumayag ni grandma. she started praying na and my sister started crying so hard tapos bigla syang sumigaw ng "stop! please stop! aalis na ako, hindi na ako susunod." tapos sabi ni grandma "pag hindi mo tinupad yan, more pain will come. alam mo yan." after non, nilagyan niya yung sister ko ng parang oil sa legs and between sa toes. and yung stick na ginamit, medyo mataba pa din plus ang init nya.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon