Salamin

102 5 0
                                    


Shared by : jctheman

Nung trainee pa ako, nag-cr ako bago mag-start yung shift namin since wala pa naman yung mga ka-batch ko. pagpasok ko ng cr, may lalaking naka-white polo shirt na nakaharap sa salamin, akala ko ako nauna sa floor namin. so diretso ako sa cubicle at nag-jingle.

Paglingon ko, wala na yung lalaki. dali-dali akong lumabas ng room. tinanong ko yung guard kung may lumabas ba na tao sa cr bago ako. sabi nung guard ako lang daw tao dun sa floor at wala pang ibang agent or trainers na naandun. pinakita pa nya sakin yung log book. ako lang ang naka-in.

Another instance - same building.
malapit nang matapos yung shift, nag-aayos na yung GF ko ng mga gamit nya at nag-aayos na ng sarili. nanalamin sya sa station nya at nagpulbo. nung nilapag nya yung salamin sa table nya, nakita nya reflection nung computer chair sa dulo ng room.

Nakita nyang gumalaw mag-isa, so nilingon nya at nakita niyang gumagalaw mag-isa. sya lang ang nasa room kasi yung mga kasama nya nasa meeting. di na lang nya pinansin. lumingon na lang ulit sya sa table nya para magligpit ng gamit.

Naaninag nya sa salamin nya na may reflection, pagtingin nya, may lalaki sa dulo ng room. napasigaw sya sa gulat tapos yung monitor nya biglang nag-swivel pakaliwa't pakanan. lumabas na sya ng room.

Binati sya ng guard kung bakit ngayon lang daw sya. sya na lang daw kasi ang tao sa floor. yung mga kasama nya mamaya pa daw babalik dahil na-late yung guest speaker sa meeting.

Yung building po na ito ay nasa The Fort po. yellow building malapit sa Jollibee at Chowking.

Scary Stories 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon