"If she doesnt know me, ill let her regret of being not"
--Lumabas na ako ng locker room.
Wala na akong ibang estudyanteng nakikita kahit isa? Bakit kaya?
Nasan sila?
Biglang pumatak ang ulan. Tinignan ko ang relo ko at 10 minutes nalang ay malilate na ko.
Bakit ba naman kasi ngayon pa umulan e?!
Nakakita ako ng isang tao na may hawak ng pulang payong.
Tama makikisilong nalang ako sakaniya.
"Excuse m--"
Nilagpasan niya lang ako?
"Ah. Mister pwede bang makis--"
"No" at inilayo niya ang ulo ko na nagpupumilit makisilong gamit ang hintuturo niya.
"Mali--"
Tinitigan niya ko at tinitigan ko rin siya.
Isang lalaking matangkad na may hikaw sa dalawang tenga, sa ilong at sa dila ang nakikipagtitigan sakin. Tsinito siya at maputi rin. He looks like a gangster. Psh.
"How dare you look at me like that? Dont you know who am i?"
Wala naman siyang badge? Sino naman kaya siya?
"I dont care who you are"
Tumakbo ako ng mabilis para makarating sa pupuntahan ko.
Ang damot niya! Napaka! Kahit sino pa siya wala akong paki! Ako rin naman hindi niya kilala e!
Jiro's POV
"I dont care who you are" tapos bigla nalang siyang tumakbo paalis na parang isang batang nakikipag habulan sa aso.
Whats wrong with that girl? She didnt know me? Isnt it like that?
Naiinis lang ako. Sa pagkakaalam ko kilala ako ng bawat tao sa school na to dahil bukod sa Supervisor ang lola ko ay leader din ako ng Brokers.
Pero bat siya di niya ako kilala?
"Hey Jiro san ka nagpunta at di ka sumabay samin?" Tanong sakin ni Warren na may hawak hawak pang juice sa kaliwang kamay at lollipop naman sa kanan niyang kamay. Tsk tsk. Trip talaga neto.
Hindi ko lang sila pinansin at nagdire diretso sa paglakad ko na parang walang nakita.
"Teka bat ganiyan ang mukha mo Jiro? May problema ba?" tanong naman ni Nelho. Sabi ko na nga ba e. Mababasa at mababasa ni Nelho ang ekspresyon ng mukha ko. Tila phsychologist ang lokong to.
"Wala. Yung babae lang kasi kanin--"
Hindi nila ako pinatapos at sabay sabay ng nag si react sa sinabi ko.
"MAY BABAE KA?!"
Kainis talaga tong mga to. Nakakadagdag ng badtrip e.
"Hindi yun! patapusin niyo muna kasi ako!"
"Edi ok" sabay taas ng kamay ni Jack na tila ba susuko sa mga pulis.
"Yung babae kanina, hindi niya ako kilala"
Nakita ko si Jeric at Mike na nagpipigil ng tawa. Mga hunghang talaga.
"Thats unbelievable" kumento naman ni Miguel na ngumangata ng strawberries. "Pero ano naman kung di ka niya kilala?"
"Syempre bro dapat kilala niya si Jiro. I mean dapat kilala niya ang leader ng gang natin. Especially supervisor ang lola niya" ganiyan nga Carl tama ka e. Yun talaga kinakainis ko.
Bigla namang sumingit si Rico na nakikisilong sa payong ni Miguel palibhasa siya lang ang walang payong.
"E baka naman kasi nagpapapansin lang. You know? Ang gwapo mo kaya pre. Inlove si aku whahaha"
Pota naman. Di ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi nitong Rico na to o nang iinsulto lang e. Kahayupan talagang kausap ng mga to.
"Sabagay. Pero pre kung sakali mang totoo nakakapagtakang di ka talaga kilala nun. Kasi kahit naman sabihin mo na transferee lang siya malamang dapat kilala ka din niya. Kilala naman kayong mga leader sa lahat ng university dito diba?" May point tong Carl e.
Dahil naiinis ako, dumeretso muna ako sa library at dun nag pahinga. Kainis.
If she doesnt know me, ill let her regret of being not.
Ashe's POV
Nakarating ako sa gymnasium 1 kung saan nakalagay na pupunta kami. Bumungad sakin ang maraming estudyante na nakasuot ng pareho kong damit.
"You should know your time" salita ng isang lalaki sa gilid ko. "50 push ups"
Narinig ko ang iyakan ng mga ilang estudyante. Katulad ko ay baguhan lang sila.
Naiintindihan ko ang pag iyak nila pero ngayon, imbis na umiyak, kailangan kong lumaban.
Pinilit kong mag push up pero hanggang sampu lang ang kaya ko. Hindi ko talaga kaya.
"If you cant do it, its easy to just shoot you in the head"
Pawis na pawis at pagod na pagod na ko pero pinilit ko pa rin. Basang basa ako sa ulan at pawis na pawis. Hindi ko alam kung anong mga sakit ang dadapo sakin matapos nito.
"I dont want to be here! I dont want to be an assasin!" Sigaw ng isang babae sa unahan.
"Do you really want to go home?" Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko na nagbabantay kung ilan na ang nagagawa kong push up.
"Yes!" Matapang na sagot nito.
"Then go"
Bago pa man makalabas ng auditorium ang babae, kitang kita ko kung paano barilin ang ulo niya ng lalaking katabi ko.
Hindi ko maalis sa babaeng kanina lang ay nakikipag laban para makaalis dito ngunit ngayon ay duguan na at wala ng buhay.
"You, contin--"
Isang babae na matangkad at may maamong mukha ang pumasok ng gymnasium at nagpatigil sa lalaking nasa gilid ko gamit lang ang kaniyang hintuturo.
"Stand up" nakangiting utos niya na sinunod ko naman. "Have your slot there"
Pumunta ako sa pwesto ng mga estudyante kanina.
Pinagmasdan ko ang babaeng umupo sa unahan at nakasunod sa kaniya yung lalaki kanina.
"Goodafternoon. I am Lady M. I will be your inatructor in this subject"
Walang kahit ano man ang mababakas na ingay ng mag simula ng balutin ng kasindak sindak niyang boses ang gymnasium.
"Im going to teach you the best lesson you will ever have"
Ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko kahit na aircon ang gymnasium.
Ibang klase ang kagandahang meron siya. Pero alam kong may hindi pa ako nakikita sakaniya.
"Today, i want you to know how you should protect yourself. After that you should know how to have a move. Then we will have a quiz"
Walang kahit anong reaksyon mula sa mga kasamahan ko. Marahil ay nabigla pa rin sila sa nangyari kanina.
"Look at your seatmates, they are all hindrance to you. All in all you are 50 new comers but tomorrow, we will have the top 10 for you to go on the next chapter of this training"
Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari. Pero ngayon, kailangan kong matuto.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...