Chapter 68: Lady Q

869 24 0
                                    

"Lady Q. Ayoko na"
--

Ano ang kahihinatnan ng laban na to?

Pumito na ang referee at naghudyat na magsimula na ang laro.

Hindi sumali si Aizen sa unang lima. Nakaupo lamang siya sa bench nila at nanonood lang.

Sinanay talaga niya ang Masters Turner para sa araw na to. Tss.

Habang naglalaro sila ay wala talagang may balak manalo. Makakalamang ang kabila at ganundin ang DC. Naglalamangan lang sila hanggang sa mag fourth quarter na.

Pumasok na si Aizen na lamang ng lima ang kalaban.

Magaling si Aizen pero magaling din ang kalaban nilang grupo kaya naman hindi madali kay Aizen ang humabol.

Pero nakahabol siya at lumamang sila ng isa.

"Aaaaaaah"

"What happened?!"

Nagsigawan ang lahat at napatayo naman ako dahil sa gulat ng makita si Lady Q na sumusuka ng dugo.

Anong nangyari?!

Bumaba ako para makarating sakaniya at makita ang kalagayan niya.

Kahit ganun ang nangyari, kailangang ituloy ang laro at naging dahilan para mawala ang konsentrasyon ng kalaban sa ginagawa nila kaya sila Aizen ang nanalo.

Narinig kong dadalhin na daw sa clinic si Lady M dahil aasikasuhin siya ng iba.

Ibinalik ko ang tingin ko sa gitna kung nasaan si Aizen. Nagpupunas siya ng pawis ngayon at hindi ko mabasa kung anong tumatakbo sa isipan niya.

Siya kaya ang maaaring gumawa nito?

Inilagay na ang mga alay sa iisang lugar at lahat sila ay papatayin na ngunit ayon daw ito sa kasalanan nila.

Lumapit ako agad kay Ashe para bumalik na kami sa dorm dahil sa sobrang hina ng loob nito ay mas mauuna pa siyang mamatay pag nakita niya ang mangyayari sa mga alay.

Pagkabalik namin ng dorm ay bakas ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ni Ashe.

Pero hindi ko magawang pakalmahin siya dahil nagtatalo ang ibat ibang tanong sa isip ko.

Kung si Aizen man yun ay bakit niya iyon ginawa? Kung gusto niya lang manalo ay magagawa niya yun at hindi na niya kailangan pa si Lady M? Bakit?

May iba siyang balak. Aizen. Anong tumatakbo sa isip mo?

Ashe's POV

Umalis na si Kc pero mukhang nabigla rin siya sa mga nangyari. Lagi naman kasing nakakabigla ang mga nangyayari dito sa lugar na ito.

Nakakatakot lumabas.

Hindi ako makahanap ng parte ng lugar na ito na ligtas.

Maliban nung kasama ko si Aizen.

Pero, nung nakita ko siya nung galit siya, pakiramdam ko kahit sino ay hindi magiging ligtas sa kaniya.

Tumunog ang doorbell ko at agad ko naman itong binuksan.

Ang babaeng ito. Isa siya sa mga Ladies ng eskwelahan na ito. Akala ko ba ay nasa clinic siya? At bakit kaya siya andito?

"Can i come in?"

Nahiya ako sakaniya dahil sa gulat ko ay hindi ko na siya napapasok sa loob.

"Sorry Lady?"

Nginitian niya ako at pumasok sa dorm ko at upo sa sofa.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon