Chapter 96: Protector

809 18 0
                                    

"Mas gugustuhin kong, hindi niya kailanman ako makilala"
--

Wala akong sinayang na panahon at inilabas siya sa Detention Hall. Wala akong pakialam kahit sino pa ang makaalam basta kailangan ko siyang ibalik sa dorm ko dahil alam kong ligtas siya doon. At hindi rin naman ako makakatulog kung hindi ko sigurado ang kaligtasan niya.

Nakaupo lamang siya malapit sa bakal na pintuan nang makita ko siya.

"Ashe,"

Hinang hina na siya at puno ng sugat ang mga binti niya. Hindi ko ito napansin kanina.

Inalalayan ko siyang tumayo pero naluluha siyang humiling ng isang bagay sa akin.

"Tulungan moko. Gusto kong makita si Gwen nagmamakaawa ako"

Hindi ko siya kayang tiisin. Hindi ko siya kayang tignan ng umiiyak kaya kahit delikado ay sinubukan naming puntahan si Gwen.

Alam ko kung saan inilalagay ni Cless ang mga binibihag niya. Hindi pa siya nakakaisang linggo dito ay madami na siyang ikinulong.

Nakita naman namin agad ang kaibigan niya na nasa iisang selda.

Siya lamang ang mag isa at kitang kita na matindi ang pagpapahirap ni Cless sakaniya.

Napailing nalang ako sa nakita ko nang paika ikang lumapit sakaniya si Ashe.

Kumuyom din ang kamao ko sa galit at sa sobrang pagkainis. Hindi ko sila magawang iligtas sa sitwasyong ito. Alam kong ilang araw lang din ako naman ang haharap sa galit ni Master. Pero mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pagliligtas kay Ashe.

"Gwen?"

Walang malay ang kaibigang sinasabi niya. Napakalakas nanaman ng iyak niya na parang isang bata. Pero isa yun sa dahilan kung bakit siguro minahal ko ang babaeng to. Her fragile heart is like a gold for me.

Hinaplos ko ang likuran niya at sobra sobra ang paghikbi niya.

"Gwen!!! Gwennn! Nandito ako!"

Tss. Kahit naman nandito siya hindi niya naman matutulungan ang kaibigan niya hays.

Nanunuyo na ang labi ng kaibigan niya at naliligo na sa dugo. Ilang araw nalang din ang itatagal niya sa tingin ko.

"Ashe, bumalik na tayo sa dorm. Kailangan na nating bum--"

(For this scene play the song Total Eclipse Of The Heart by Hazel Faith)

Turn around
Every now and then i get a little bit lonely when you never comin around

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pagguhit ng dugo sa leeg ni Ashe gamit ang matatalim na blade.

Turn around
Every now and then i get a little bit a little bit tired of listening to the sound of my tears

Agad siyang nawalan ng malay. Hindi pwede! Putangina! May lason ang blade na tumama sakaniya!

Turn around
Every now and then i get a little bit nervous that the best of all the years have gone by

Binuhat ko siya at itinakbo pero hinarang ako nila Violet at Orange.

Turn around
Every now and then i get a little bit terrified and then i see the look in your eyes

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Blue?" Kinakabahan ako dahil baka hindi ko sila kayanin at hindi ko maipagtanggol si Ashe.

Bright eyes
Every now and then i fall apart

"T-tumabi kayo diyan, Violet"

Bright eyes
Every now and then i fall apart

Mahigpit kong hinawakan si Ashe.

Ashe, hindi kita iiwan.

And i need now tonight
And i need you more than ever

Hindi ko pinansin sila Violet at ginawa ang lahat para maiwasan ko sila.

And if you hold me tight
Well be holding on forever

"Blueee!!!"

Hindi ko sila tinignan at ilang blade ang naramdaman kong tumama sa akin.

Together we could take it to the end of the line
Your love is like a shadow on me all of the time

Hinahabol pa rin nila ako at namamanhid na ang kamay ko.

Kailangan kong mailabas si Ashe. Kailangan.

I dont know what to do
Im always in the dark
Were living in a powder keg and giving off sparks

"Ah!" Daing ko ng tuluyang manlambot ang tuhod ko, mabuti nalang at hindi ko pa rin nabibitawan si Ashe.

I really need you tonight
Forevers gonna start tonight

Ashe. Bakit nag iiba ang kulay mo?

Ilang blade ang ramdam kong nakatarak sa likod ko.

At ilang minuto lang maaari akong mawalan ng malay. Kaya mas binilisan ko at nakalabas kami doon.

Hingal na hingal ako nang makarating kami sa dorm. Siguradong sinabihan na nila ang ibang kasamahan ko kaya hindi na nila ako nasundan.

Alam ko ang maaaring ipanggamot sa mga lason ng blade na mula samin kaya ginamot ko agad si Ashe.

Hindi ko na nagamot ang sarili ko at tila nawalan na ako ng pakiramdam.
--

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaidlip pero may benda na ang mga sugat na natamo ko mula sa blade.

Wala na rin si Ashe sa sofa baka umakyat na siya sa kwarto.

Nanlalabo ang paningin ko at namamanhid pa rin ang buo kong katawan. Nahihirapan akong makakita ng maayos.

Pero, kailangan bukas. Bukas ng gabi ay maialis ko na si Ashe dito. Kailangan makatakas na siya bago pa ang huling tradisyon.

Dahil pag dumating ang araw na iyon, hindi na mapipigilan ang patuloy na pagdanak ng dugo. At hindi ko na makakayang maipangako pa na magagawa ko siyang mailigtas dahil kahit sarili kong buhay ay wala pang katiyakan.

Kung ako lang ang masusunod, ayoko siyang umalis sa tabi ko. Ayokong gumising sa umaga na hindi ko siya nakikita. Ayokong kumain mag isa. Ayokong umuwi na hindi ko siya nakikita. Ayokong harapin si Kamatayan na hindi ko siya nakakasama bilang lakas ko.

Pero, mas lalong hindi ko kakayanin na makasama ko siya sa impyernong lugar na to. Mas hindi ko kayang makita siyang paulit ulit na saktan ng iba. Hindi ko kakayanin na paulit ulit siyang bihagin na dahil sa isa siyang inosente. Hindi ko kayang ituring siyang isang simple at maliit na tao ng iba dahil siya ang nagpaikot ng mundo kong matagal nang sarado at nakahinto.

Kung makikita ko siya sa isang payapang lugar, mas gagaan ang loob ko.

Hindi niya ako kilala, oo. Pero mas na yun kaysa kamuhian niya ako pag nalaman niya ang mga itinatago ko.

Mas gugustuhin kong, hindi niya na ako kailanman makilala.

"Ashe, ilalabas kita"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon