"Kung magpapaapi ka dito, parang mas pinaaga mo na rin ang impyerno mo"
--
Nasa dorm na ako ngayon at nakahiga.
Kasama ko rin si Kc sa dorm. Hindi sana kami magkasama sa isang kwarto kaso sabi niya ayaw niya daw dun sa kwarto niya.
Ewan ko. Pero mas gusto kong kasama siya.
"Hoy kayong dalawa pagluto niyo nga kami!" Agad bumukas ang pinto ng makita namin ang isang babae na nakapameywang at sa likod niya ay dalawang babae na mas malaki sakaniya.
Nagulat ako ng tumayo si Kc at binasag ang mangkok na nasa gilid niya. Itinaas niya ang isang bubog nito at ngumisi. "Anong bang gusto mong luto ng katawan mo?"
Namula ang mga babae sa gulat at agad din naman na lumabas.
Isinara ni Kc ang pinto at halos sumabog kami sa kakatawa.
"Hahahahahaha! Bagay sana sakanila adobo! Hahahaha" sigaw pa niya.
Masayang masaya kami. Hindi ako makapaniwala na nagtitiwala na uli ako sakaniya. Pero, masaya talaga ako na nakilala ko si Kc.
"Kung magpapaapi ka dito, parang mas pinaaga mo na rin ang impyerno mo"
Napangiti ako at niyakap siya. "Kc, salamat"
"Ano bang pinagsasasabi mo, hays pabebe"
Lalo pa kong natawa sa sinabi niya at halos maiyak na rin.
"Kc, may itatanong sana ako"
"Ano yun? Dalian mo"
Gusto kong itanong ang nasa isip ko. Gusto kong malaman kung ano ang isasagot niya kahit alam ko naman na pwedeng hindi totoo ang isagot niya sa akin.
"Kung kailangan mong patayin lahat, papatay ka ba? Papatayin mo ba ako?"
Nakita ko ang pagtigil ng mga kamay niya sa ginagawa biya pero ang mga mata niya ay napatingin sa malayong direksyon.
"Oo" humarap na siya sa akin. "Oo. Kailangan kong mahuhay. Walang kaibigan. Kaya dapat ganun kadin"
Kahit ganun ang isinagot niya, hindi ako nakaramdam ng takot o kahit konting galit sakaniya.
Sa totoo lang, mas gusto ko ang sagot ni Kc. Mas panatag ang loob ko na wala akong aasahan sakaniya.
Natulog na siya pagtapos naming kumain. Dahil hindi ako makatulog ay lumabas muna ko.
Nagpahangin ako sa tapat lang ng dorm namin at rinig na rinig ko ang masasayang tawanan na nasa tabing kwarto namin. Parang nasa loob lang kami ng ng isang napakagandang paaralan kahit sa totoo ay nasa masalimuot na pagsasanay kami.
Ang simoy ng hangin ay napalitan ng mabangong amoy. Nanuot ito sa pang amoy ko kasabay ng pagkahilo.
Jiro's POV
Hays. Mabuti naman at pinalabas na ko ng pinakagago kong kagang na si Yohann.
Paglabas na pagkalabas ko palang ay gusto ko na agad makita si Ashe. Parang pakiramdam ko ay mas mabilis akong makakabalik sa dati pag nayakap ko siya hahahaha!
Teka? San ngapala dorm nung babaeng yun?
Uhm. Syempre alam ko yun.
Nagtungo na ako sa dorm 89. Dun ang dorm niya at sigurado ako. Gabi na pala. Alas 10 na?! Baka magising ko lang yung babaeng yun. Aalis na sana ako ng makaramdam akong gusto ko talaga siya makita. Ano naman kung magising ko yung bulinggit na yun?! Aba ako kaya si Jiro!
Pagkatok ko palang sa pintuan ay nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may nakamatiyag sakin. Tila may nag aabang ng mga susunod na pangyayari. Sino sila?
"Gabing gabi na nangangatok ka pa?!" Teka?! Bat ibang tao ang nagbukas ng pinto niya?!
"Sino ka?! At bakit nasa kwarto ka ni Ashe?!"
"Paki mo?! Inaantok na ko"
Aba! Nakikita ko ang espiritu ni Yohann sa babaeng ito ah? Yung presensyang nang iinis sakin.
Hinarang ko ang kamay ko sa pinto para di niya maisara "Kilala mo ba ako babaeng Kuala?!"
"Ako si Kc. Nasa labas lang si Ashe kanina ewan ko kung nasan na siya ngayon. Matutulog na ko. Jiro"
Kilala niya nga ako. Mabuti naman.
Paalis na ako at isinara niya ang pinto ng biglang maalala ko ang sadya ko. Tangina! Hindi ko nakita si Ashe ah?!
Naglalakad na ako pabalik ng may nakabangga akong isang estudyante. Nakasumbrero ito kaya hindi ko namukhaan.
Sa pagkabangga namin ay nahulog niya ang isang envelop pero mukhang nagmamadali siya.
Pagtapos naming magkabanggaan ay tumakbo na siya kahit tinawag ko naman siya.
Hays. Mukhang hindi naman mahalaga sakaniya ang papel na to. Maitapon na ng-- "Ashe?"
Halos matunaw ako sa kinalalagyan ko ng makita ang simbolo ng Masters Turner.
Binuklat ko ang papel na kanina ay nakatiklop lang at tanging pangalan lang ni Ashe ang nakikita.
'Auditorium 3. 12:00 am. Get Ashe. See you Brokers Leader'
Parang nag aapoy ang paligid ko. Napakainit ng pakiramdam ko at parang gusto kong kumawala!
Putangina! Magalusan lang si Ashe kahit na katiting, baka mawala na ako sa sarili ko.
Habang nilalamukos ko ang papel ay nag iisip ako ng hakbang na gagawin para hindi mapahamak si Ashe nang may narinig akong boses ng isang kinaiinisan kong nilalang.
"Jiro!"
Bakit nandito to?
"Kailangan kong makausap ang GG. Dun mo nalang ako kausapin"
Nakaupo na ang lahat sa loob ng kwarto dito aa library. Kung saan dito rin kami nag mimeeting.
"Ano nan--"
Hindi ko hinayaan ang kahit sino na maunang magsalita bukod sakin.
Inihagis ko ang kaninang nilukot kong papel sa lamesa namin.
Agad naman nila itong tinignan.
"Bakit may tatak na ganito to?" Mula sa grupo ni Lorde ay nagtanong si David.
"Hindi ko na kayang magpigil. Mamayang gabi pupunta ako sa nakalagay diyan"
"Jiro nababaliw ka na ba?!" Tanong ni Yohann.
"Hindi ako nagpatawag ng meeting para hingin ang opinyon niyo. Nagpatawag ako ng meeting para ibigay to. Baka hindi na ko makabalik kaya ibibigay ko to"
Ipinakita ko sakanila ang libro na nakuha ko nun. May kung sinong nakaiwan nun sa library. Hindi ko alam kung sino pero sigurado akong makakatulong ang librong ito samin.
"Whats that?" Pati ang mga kagrupo ko ay nagulat.
"Thats the book of all ornaments. It could help Catchers to know the antidotes"
Matagal bago sila nag imikan lahat. Parang napaisip sila sa pinag usapan namin.
"Hindi pa rin kami papayag Jiro" sabat ni Lorde. "Mapapahamak ka. Sundin muna natin si General. Wag muna tayo gumawa ng kahit anong hakbang"
"Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi ako nandito para hingin ang pagpayag niyo," bago ako tumayo ay hinawakan ni Yohann ang balikat ko.
Hindi ako humarap sakanila at nagpatuloy sa paglalakad.
"Yohann, wag niyo kong pigilan. Hindi ko alam kung matatantsa ko kayo"
Hindi na nila ako pinigilan pagkatapos nun.
Hindi ko kayang pigilan ang galit ko. Hindi ko kaya. Hindi ko hahayaang matulad si Ashe kay kuya. Hindi.
Kumuyom ang kamao ko. Ashe, please be safe. Ill go there.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
