Chapter 108: Sinner

757 19 0
                                        

"Ibibigay ko sayo ang laban na gusto mo"
--

"Nababaliw ka na ata para magbigay ng papel na walang nakasulat? Paano ka magiging pres--"

Pumatak ang ulan. Malakas ang mga patak nito at uri ng patak na masakit sa balat.

Tumingin ako kay Ken na hindi nagpapakita sa lahat bagkus ay nasa bukanan lamang ng quadranggle at ngumiti.

Ken, hindi ka nagkamali.

Nakita ko ang pagkagulat ng lahat sa nakasulat sa papel.

"A-a-ano t-o Ashe?!"

Bakit Cless? Kinakabahan ka na ba? Hindi pa tapos.

"Anong ibig sabihin nito?!"

"Totoo ba ito?!"

"Paano nangyari to?!"

Imbis na matakot ay mas lumawak pa ang ngiti ni Lady Q. Na sa tingin ko ay gamit lang niya para maiwaglit ang takot.

Kita ko ang pagkagulat kay Lady M at Lady Q.

"I want to see proof" diretsong hamon nito sakin.

"Ofcourse, your wish is my command"

Sa ilang minuto lang sa gitna ng ulan ay lumabas si Ms. Ann.

Siya ang teacher na nakakaalam ng sikreto nila Lady M at Lady Q.

Bilang mga ladies hindi sila nararapat magkaroon ng kahit relasyon manlang at lalong lalo ang anak na pareho silang nagtataglay.

Nung nasa Detention Hall ako, siya ang nagligtas sakin. Hindi siya baliw. Hindi. Nailigtas niya ako hanggang sa makuha ako ni Lorde at mailabas doon pero ang pag uusap namin sa loob ng isang gabi ay sapat na apra maging dahilan kong manatili.

Sinabi niya sakin ang lahat ng alam niya kapalit ng pangako kong ilalabas ko siya. At hinding hindi ko siya bibiguin.

"Ms. Ann?" Alam niya ang sikreto ni Lady M pero usapan namin na hindi iyon ipapaalam.

"Show us the DNA of one student and the DNA of Lady Q"

Dinala niya sa pwesto namin ang result na marami naman ang tumutol at di naniwala.

"Everyone, as an SSC Head i dare you that anyone who dare me today and will fail to win the dare will die like how those men died"

Agad naman silang napaurong maliban kay Cless na handa ring lumaban.

"I dare you" ngisi pa nito.

Halos mawala sa sarili si Lady Q na nakatingin sakin ngunit ibinalik ko lamang ang kaba niya sa pamamagitan ng pag ngiti ko at muling itinuon ang pansin kay Cless.

"You dared me? I think you need to protect yourself because you are the owner of the, gold badge"

Rinig na rinig yun ng ibat ibang mga organisasyon.

"Now, do you still have time to dare me LAO president?"

Patayo na sana ako ng magsalita siya.

"Ibibigay ko sayo ang laban na gusto mo"

Hindi man ako lumingon sakaniya ay sinagot ko ang pananalita niyang iyon na may bahid ng pag iyak.

"Hihintayin ko"

Si Lady K na ang tumapos sa paglilitis na sinasabi nila. Ilalagay na nila si Lady Q sa Detention Hall bilang parusa pero hanggat hindi pa pumapayag ang lahat ng organisasyon na patayin siya ay hindi pa matatanggal ang posisyon niya.

Siya lang ang maaaring makulong sa Detention Hall dahil lahat ng magkakasala mula ngayon ay agad ng papatayin.
--

Kahit buong araw lang akong nandito sa opisina ko ay pagod na pagod ako.

Masyadong madami ang nasa isip ko. Masyado pang madami ang kailangan kong pagdaanan.

"Bakit Ken?"

"Ashe, may nag aantay sayo sa labas. Kc daw ang pangalan niya"

Ano kaya ang sadya ni Kc sa ganitong oras? Hindi kaya may mahalaga siyang sasabihin o emergency?

Lumabas ako kaagad at nakita siyang umiiyak.

"Kc?!" Niyakap ko siya agad ng mahigpit at damang dama ko ang paggalaw ng balikat niya habang malakas na humihikbi. "Anong nangyari?"

Mula noong bumalik ako ay ngayon ko lang siya muling nakita. Kaya talagang masaya kong nakita ko siya uli.

"Ashe, handa ka na bang kamuhian ako?"

Anong isasagot ko sa tanong mong yan Kc? Hindi ko alam kung paano ko iisipin ang tanong mo?

"Handa ka na bang kalimutan ang lahat ng tungkol sakin?"

Bakit hindi ko siya masagot? Bakit kinakabahan ako? Bakit natatakot ako? Bakit nararamdaman ko to?

"Isa ka sa rason kung bakit ako nandito Kc. Kung bakit lumalaban ako. Kaya ano ba ang itinatanong mo sakin?"

Matagal ang pagtugon niya kaya naramdaman ko ang pagbigat ng daloy ng pag uusap na akala ko ay magiging magandang pagkikita para sa amin. Dahil nandito na ako Kc para lumaban.

"Ashe, ayokong kamuhian mo ako"

Tinapik ko ng mahina ang likod niya na sanay nagpagaan ng loob niya kahit papaano.

"Kc, ikaw ang isa sa mga nagtulak sakin para lumaban. Kung bakit ako nandito. Kaya hindi kita kakamuhian. Tahan na Kc. Hindi mangyayari yun"

Inalis niya ang pagkakayakap namin at maimtim na tumitig sa mga mata ko habang pinapahid ang mga luha niya na tila handa na siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

Pero, kinakabahan ako. Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko nga matanggap ang sasabihin ni Kc sakin.

"Ashe, anak ako ni Lady Q"

Lumunok ako ng amraming beses para matanggal ang nakabara sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita.

Pero pinilit ko pa ring magsalita dahil kaibigan ko siya at hindi ako sakaniya galit.

"Hindi ikaw siya kay--"

"Masama man siyang tao para sayo, para sakin ay nanay ko pa rin siya Ashe"

Sa litanyang iyon ako nanghina na parang hindi ko alam ang kaharap ko kung dapat ko pa bang kausapin.

"Hindi ganun Kc. Hindi mo kasalanan ang mga kasalanan niya sakin. At hindi mo kasalanan na naging anak ka niya kaya hindi ka mamamatay"

Pinahid niya ang mga luha niya atsaka mapait na ngumiti.

"Ashe, ako nalang ang patayin mo. Tutal ayoko ng mab--"

"Tama na Kc" mahinahong tugon ko sa pagkalito niya.

Pero hindi niya alam na dahil sa ginagawa niya ay namumuo ang galit ko na mas napatindi pa dahil pinapahirapan niya rin si Kc.

"Naiintindihan ko naman ang batas ng eskwelahan Ashe na hindi maaring magkaroon ng pamilya o anak ang mga namumuno kaya nagmamakaawa akong huwag mo siyang ipapatay. Namatay na sa harap ko si papa kaya ayokong makita uli yon kay mama"

Umiling iling ako at hindi kayang timbangin ang pagkakataon.

"Kc, nakikiusap ako itigil mo nato"

"Alam ko naman na pinaparusahan mo siya dahil kay Gwen at hindi dahil sa batas"

Nanlaki ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. "Pap-paano mo nalaman ang tungkol kay Gwen?"

"Ashe, simula ngayon tatahak na tayo ng magkaibang daan. Kakalabanin kita at kakalabanin mo ako"

Tumalikod na siya at nagsimulang tahakin ang daang sinasabi niya.

Kc, sa susunod nating pagkikita, nasaang panig ka na kaya?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon