"You will regret knowing her, i mean the real her"
--Silver's POV
Nasa harap ako ngayon ni Aizen na nag aayos ng kung anu anong papel.
"You have to know something"
"I need to know everything" sagot niya. Ni hindi manlang ba niya ako tatanungin kung bakit nandito ako?
"Protect Ashe Delos Reyes. I know that you know her"
Hindi naialis ang tingin niya sa mga papel.
"Yes. I will. You dont have to say that because im protecting her already" napakatigas talaga ni Aizen. Hindi ko siya makitaan ng kahinaan.
"Then why are you protecting her?"
"Why do you want me to protect her?"
Natawa ako ng bahagya sa sagot niya sa tanong ko. Aizen hindi ka pa rin nagbabago.
"You will regret knowing her. I mean, the real her"
Hindi siya nagsalita at ininom ang tsaang nasa harap niya.
"Pink is dead"
Nanatili siya sa katahimikan.
"But she has a sister. Ashe" Alam kong binigyang importansya rin ni Aizen si Pink "She has this ring. They have the same ring given by their mom. So please, protect her"
"Ya"
Pag alis ko ng opisina ni Master ay dumiretso ako agad sa Brokers Hub.
Pagdating ko doon ay galit na galit si Master.
"Ayoko sa lahat nasasayang ang plano ko dahil sa mga katangahan niyo!" Sigaw nito. "Aizen! Youre daring meeee"
Nakita kong nakaluhod si Orange at Yellow habang nakaupo naman ang iba namin kagrupo.
Tumabi ako kay Gold na ngayon ay kumakain.
"Saan ka galing?"
Hindi ko siya pinansin at pinakinggan lang si Master.
"Kailangan nating makuha ang babaeng iyon! Yun ang paraan para makuha natin uli ang atensyon nila! Paano ba nakatakas si Ashe?! At paano nalaman ni Aizen na hindi si Brown si General?! Paano Blue?!"
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, hindi niyo madaling makukuha si Ashe lalo nat buong GG ang nakabantay sakaniya"
"Ano nga ba ang babaeng yan para sa GG?! Bakit siya pinoprotektahan?! Protektahan lang nila ng maigi dahil sa oras na makuha ko ang babaeng yan, luluhod muna sila sakin at mamimili kung kaninong buhay ang mas gugustuhin nilang mailigtas"
Tumawa si Master ng malakas at nagbalik sa pagiging seryoso ang mukha.
"Pero, i have a plan to ruin GG again"
Ashe's POV
Pinatawag ako ng maaga ni Aizen. Kahit ayoko sanang pumasok mapipilitan akong pumasok dahil baka mapunta nanamana ko sa Detention Hall.
Walang ibang tao sa office niya kahit si Vice President Cruz.
"Goodmorning sir"
"If you cant go to school today, ill give you three days to rest"
Tinignan ko siyang maigi pero wala namang pinagbago ang katawan niya.
Mukhang okay lang naman siya kahit nalason siya nung nakaraang linggo.
"Thankyou sir"
Wala pa talaga ako sa mood ngayon. Medyo antok ako dahil hindi ako makatulog kakaisip ng kung anu anong bagay.
"Ashe, thankyou. Ill find a way to return your kindness"
Napangiti ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko.
Ang sarap sa pakiramdam. Parang gumaan yung loob ko.
Okay pwede na akong pumasok sa room. Nasa mood na ako uli.
"Thankyou po ulit sir"
"Okay dismiss"
Masaya akong umalis pagkatapos akong ipatawag sa SSC. Ang saya.
Nakasalubong ko si Vice President Cruz.
"Goodmorning sir."
"Goodmorning"
Hindi niya ako pinansin at nakatingin siya sa kwintas ko.
Hinawakan ko tuloy ang kwintas ko. Bakit?
Alam niya kayang bigay to sakin ni Aizen?
"Ha!" Napatakip ako sa bibig ko kung sino ang babaeng papalapit sa SSC office.
Parang malalagutan ako ng hininga ng makita ko siya.
Sunod sunod na lumuha ang mga mata ko.
Gusto ko siyang makita pero hindi sa lugar na to.
Tumaas ang balahibo ko ng makita ko si Gwen na nagulat at may malapad na ngiti.
"Nathali--"
Tinakpan ko ang bunganga niya at niyakap siya. Medyo awkward pero ang mahalaga naitago ko kung sino ang tunay na ako.
Baka mapahamak sila mommy at daddy pag nalaman nila kung sino ang tunay na ako.
"Gwenny, i miss you so much"
Umiiyak na rin siya kagaya ko ngayon.
"Imissyou more Nathalie. You have lots of stuff to tell me"
"Yah. Ill tell you everything"
Dinala ko siya sa dorm at naghanda ng makakain at maiinom namin.
"Why did you went here?! Dont you kn--"
"That is exactly what i felt when you told me that you are going here. I just followed you to make sure that youll have someone to be with"
Ako ang may kasalanan. Dahil sakin kaya nandito si Gwen. Niyakap ko siya ng mahigpit, you dont know what this school was. It was like a place with deaths untold.
"Gwen, you should not stay here!" Maawtoridad na wika ko sakaniya.
"W-why?"
Does she needs to know? Anong sasabihin ko sakaniya?
"Because you will not be safe here. Promise"
"As long as im with you, its okay then" ang mag ngiti ni Gwen. Mga ngiting bumubuhay sa kahit sinong makakita nito.
Mas naramdaman ko pa ang pagbigat ng nararamdaman ko. Hindi pwedeng maging estudyante si Gwen dito. Hindi.
Kailangan niyang makalabas dito. Pero paano ko yun magagawa e kahit ako mismo ay hindi makalabas.
"Gwen saan ka nga pala papunta kanina?" Papunta kasi siyang SSC kung hindi sana kami nagkita.
"Sa SSC kailangan kong kunin ang official permit ko. Pero mamaya nalang."
"Ako nalang kukuha" prisinta ko habang nanginginig ang mga kamay.
Kung kailangang lumuhod ako sa harap ni Aizen para lang palayain niya si Gwen gagawin ko. Para lang hayaan niyang lumabas si Gwen ng eskwelahan na ito. Gagawin ko.
Hinintay ko lang na makatulog si Gwen at saka ako pumunta ng office.
Wala ulit doon ang Vice President kaya dumiretso ako sa office ni Aizen.
Kumatok ako dun at bumukas naman ito dahil automatic ang pinto niyang bumubukas pag binuksan niya mula sa button ng lamesa niya. Nakita ko na iyon dahil nanatili rin naman ako dun.
"Goodevening sir." Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko kasabay ng garalgal na boses. "Im asking you one thing"
Inayos niya ang pagkakaupo niya at ibinaling sakin ang tingin niya.
"To return your kindness, ofcourse. What is it?"
"Please bring Gwen Ramirez out of this school"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misteri / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...