"Ang maiinit na kamay ni Aizen ang huli kong naaalala bago ako mawalan ng malay"
--
Naiinis na ako. Mula pa nung isang araw lahat nalang ng dinadala kong pagkain ay hindi niya naman ginagalaw.
Mas pumayat na siya ngayon. Sobrang lalalim na ng mga mata niya.
Ano na bang kailangan kong gawin sakaniya?!
Kahit hindi niya kinakain ay dinadalhan ko pa rin siya ng pagkain hanggang sa nawalan na ko ng pasensya at pinilit ko na siyang kumain.
Isinungalngal ko sakaniya ang kutsarang may kanin pero hindi manlang siya umiyak o nagsalita. Nanatili siyang wala sa sarili.
Naku. Iba na to.
Tinigilan ko ang ginagawa ko ng makita kong napadugo ang bibig niya. Tss.
Tuyong tuyo na ang labi niya. Paano niya nakakayanan ang lahat ng to? Walang pagkain at walang tubig?
Hinayaan ko lang tumulo ang dugo niya at tinignan lang siya.
Nawawala na siya sa katinuan. Kanino ko ba dapat to unang ipaalam?
Kay Master o kay General?
Nahihirapan ako.
Papunta na ako kay Master ng nakita kong paparating si Jiro at Yohann.
"Bakit nandito kayo e sabi ni General hayaan niyo ako dito at wag makialam?"
"Nandito kami kami hindi bilang bisita ni Ashe. Nandito ako para icheck ang kalagayan ng susunod na mag mamay ari ng SSC"
Binangga ako ni Jiro at pumasok sa loob.
Alam kong hindi nila inaasahan ang makikita nila. Napanganga sila sa gulat at pag aalala.
Buti naman at hindi nahihimatay ang taong to. Mga nasa dalawang araw na siyang ganiyan. Baliw.
"I think she is suffering from depression"
Agad akong sinuntok ni Jiro at babawian ko na sana siya kundi lang siya nagsalita.
"Anong sinabi mo sakaniya?! Ha?! Sinabi mo ba sakaniya na kasalanan niya ang lahat?! Sinaktan mo ba siya?! Hayup ka!"
Pinunasan ko lang ang labi ko at bumawi ako agad ng suntok sakaniya at siya nam ang napadugo ko ngayon.
"Ano man ang sinabi ko, hindi mo na problema yun"
Pero si Yohann na ang sumuntok sakin ngayon na talagang ikinangiwi ko.
"Kailangan siya ng lahat ng nandito. Kaya kung hindi siya maiingatan at mamatay siya, tandaan mo Lorde hindi mo gugustuhing mabuhay pa"
Nagkakagulo na kami ay wala pa rin siyang pakiramdam. Baka nga nabaliw na siya.
"Babalik kami para maipacheck siya sa clinic"
Tss. Kahit saan pa siya dalhin wala kong paki.
Ibinalik ko ang tingin ko sakaniya at nakaramdam ng pagkainis.
Hindi ka nga namin mapapakinabangan kung mamamatay ka agad.
Ashe's POV
Patay na si Aizen? Hindi. Imposible yun.
Hindi siya mamamatay dahil magaling siya sa lahat.
Tsaka hindi naman dahil sakin kung bakit siya namatay. Dahil niloko niya lang ako.
Hindi. Hindi totoo ang sinasabi ng taong yun na kamukha ni Gray.
Imposibleng mamatay si Aizen. Malakas siya at matalino.
Hindi siya namatay dahil sakin dahil kayang kaya niyang tumakas kung gugustuhin niya.
Sigurado akong hindi siya patay.
Kasalanan ko ba talaga? Ako nga ba ang dahilan ng pagkamatay ni Aizen?
Kung ganun, papatayin ko nalang din ang sarili ko.
Aizen? Gusto ko lang malaman. Minahal mo din ba ako? Totoo ba ang lahat ng ginawa mo para sakin?
Hindi ko kayang kalimutan ang lahat ng iyon. Kahit anong isip kong niloko moko ay mas gusto ko pa rin paniwalaan na hindi.
Gusto ko nalang kalimutan ang lahat ng masakit. Pwede ba yun?
Kung totoo ngang wala ka na, pwede ba akong sumama sayo?
Pwede kayang tapusin ko nalang din ang paghihirap na to?
Pwede kayang takasan ko na ang pagdurusang to?
Ako man ang dahilan o hindi ng pagkawala mo, hindi ko matanggap na wala ka na.
Ni hindi manlang tayo nakapag usap. Nakapagpaliwanagan. Kahit manlang paalam.
Hindi ko manlang nasabi na mahal na mahal na mahal kita Aizen.
Paano ko makakalimutan ang lahat ng pagsisising yun?
Dahil kung hindi mo yun masasagot, wala akong magagawa kundi ang gawin ang paraang alam ko.
Hinawakan ko ang babasaging mangkok na nasa harap ko at binasag ito.
Kinuha ko ang maliit na parte na may pinakamatalas na dulo.
Aizen, hindi ko alam kung paano ka namatay.
Ako ba ang dahilan? Dahil ba yun sa pinakahuli kong binigay na inumin?
Kung ganun, ako nga. Ako ang kaisa isang dapat sisihin. Kasalanan ko nga. At para pagbayaran yun, buhay ko din dapat ang kapalit.
Totoong minahal kita kaya kung wala ka, hindi ko rin alam kung paano haharapin ang lahat ng nag aantay sakin.
Itinutok ko ang parte ng basag na mangkok sa leeg ko at pumatak ang huling luha na natitira sa mga mata ko.
Aizen, makakasama na kita.
Pero nagising ako sa realidad ng pigilan ako.
Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ko kaya nabitawan ko ang parte ng basag na mangkok.
Agad akong lumingon at nakita ang mukha ni Aizen.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Sabi ko na nga ba, hindi pa patay si Aizen. sabi ko n nga ba, kasinungalingan lang ang lahat ng iyon.
Buti nalang at hindi ako naniwala.
"Aizen, miss na miss na kita"
Mahigpit ko lang siyang niyakap. Sobrang higpit dahil ayoko ng lumayo pa siya uli at natatakot akong baka hindi ko na siya makita uli.
"Aizen, please. Wag ka ng aalis. Dito ka nalang. Wag ka munang umalis"
Tinignan ko ang mga mukha niyang walang ekspresyon na nakatingin sakin habang may kaunting ngiti sa bibig.
"Aizen, magagawa mo ba ang mga pakiusap ko?"
Pasimple siyang tumango habang nakangiti.
Napangiti ako agad at nabawi ang lahat ng sakit.
Saka ko lang naramdaman na kumikirot ang leeg ko. Hinawakan ko ito at nakita ang dugo na nagmula sa sugat ko dito.
Hindi ko ito ininda at ibinalik ang mga mata ko kay Aizen na nag aalala na ngayon.
"Aizen, wag kang mag alala, kaya ko to"
Nginitian ko siya at pinunasan ko ang sugat ko.
Inayos ko sandali ang lamesa habang nakaupo siya siya sa upuan na gamit ko kanina.
"Pasensya ka na, hindi kasing linis ito ng opisina mo"
Nakaramdam ako ng pagkahilo.
Lumuluha pa rin ako hanggang ngayon.
Kitang kita ko ang maamong mukha ni Aizenz.
Hinawakan niya ang kamay ko. Ang maiinit na kamay ni Aizen ang huli kong naaalala bago ako mawalan ng malay.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
