Chapter 5: Quiz

1.7K 61 2
                                    

"Dito na nga ba ang katapusan ko?"
--

Natapos ang isang mahabang araw para sakin.

Isang araw na hindi ko malilimutan. Araw na pumasok ako sa lugar na to.

Nagring ang bell at lumabas kami.

Nakita namin ang kaniya kaniyang box na may mga pangalan.

"Ano to?" Tanong ko kay Maggie na kasama ko sa dorm. Mabuti naman. Siya palang kasi ang kakilala ko.

"Mga damit natin"

"Damit?"

Binuksan namin ang box pagpasok ng dorm.

Limang pares ng damit pangtulog to sa tingin ko. Kulay white na dress.

"Bakit pa sila nagbigay ng ganito?"

"Lahat ng damit na dala niyo hindi niyo pwedeng gamitin yan dito. Lahat lang ng damit na bigay nila"

Tsk. Anong klaseng patakaran naman yun?

"Natuto ka ba sa ginawa niyo kanina?"

Hindi ako nakasagot. Kasi hindi naman talaga ako nakasunod sa itinuro samin kanina.

"Bilang mga baguhan, si Lady M ang hahawak sainyo. At sa totoo lang, naiinggit ako na siya ang may hawak sa inyo. Aaminin kong isa siya sa mga pinakahinahangaan ko mula ng makapasok ako dito"

"Bakit? Sino ba siya?"

"Matutunan mo sakaniya ang lahat ng kailangan mong matutunan Ashe. Bilang mga baguhan, buong araw ang magiging training niyo bukas. At pagtapos, magbibigay siya ng isang quiz para may matirang 10"

"Pero? Anong laban ko? Baguhan lang ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Baguhan kayo dun lahat Ashe" hinawakan niya ang pisngi ko bago magsalita uli "Mas nakakatakot pagtapos ng unang level ng training. Dun magsisimula ang lahat. Lahat ng di mo inaasahan"

Kahit na marami ng bagay ang nalaman ko ngayon, patuloy pa rin akong kinakabahan sa bawat nalalaman ko.

Hindi ko alam kung makakatulog ako ngayon, sa lugar na to.

"Basta bukas Ashe, sa bawat ituturo ni Lady M, pakinggan mo. At lagi kang maging handa. Tandaan mong kung hindi ka papatay hindi ka mabubuhay"

6:00 am na pero hindi pa rin ako makatulog.

Mamayang 7 ang assembly para sa aming mga baguhan.

Natatakot ako. Sa mga mangyayari. Sa mga kailangan kong gawin. Ayokong pumatay. Ayoko.

"Ashe,"

"Gising ka na pala Maggie"

Bumangon siya at kinusot kusot ang mga mata niya.

"Halika, lumabas tayo at tuturuan kita ng basic techniques."

Sumunod naman ako sakaniya sa labas.

Masakit ang katawan ko dahil siguro sa pagkabigla kahapon.

"Maggie, hindi ba masyadong mabilis ang isang araw na pagtitraining?"

"Yan din ang naisip ko nun. Pero sa huli narealize ko na ang kamatayan hindi naman siya nag hihintay kung kailan ka matututong labanan siya"

Tama si Maggie. Hindi ko naman pwedeng hintayin lang na mamatay ako.

"Sge"

Nagtrain kami ni Maggie. Mga basic moves kung papaano umiwas sa kalaban. Kung anong mga gagawin pag sinugod ka na. Kung ano ang dapat gawin pag dehado ka.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon