Chapter 117: Venentium Pulsae

852 23 7
                                        

"Isang kamangha manghang pagkakataon"
--

Naglalakad ako papunta sa canteen ng makita ang isang kumpulan ng napakaraming estudyante.

Ano nanaman yan?

Nag abala akong lapitan iyon ay nakita ang isang malaking announcement.

'At 3 pm Big Reveal is coming'

Hindi ko iyon pinansin at pumunta sa pupuntahan ko.

Kumuha ako ng kape hindi para inumin iyon kundi para lang mapagmasdan ang taong gusto kong manmanan si Kc.

Ayaw kong makalaban siya at hindi ko siya papatayin. Ipinangako ko yun sa sarili ko.

Hindi na ako nabigla ng lumapit siya sakin na tila ako aawayin at sasaktan ng pinigilan ko siya.

"Anong problema Kc?"

"Ayoko lang na nakikita ka"

Alam kong hindi iyon ang gusto ni Kc. Hindi niya gusto ang ganitong usapan.

"Pasensya na Kc pero gustong gusto kong nakikita ka"

Ininom ko ang kape at ilang saglit lang ay nakaramdam na ako ng pagkahilo.

"Ashe!" Tama. Si Kc pa rin ang kaharap ko.
--

Ala una na nang magising ako at nakita ang malungkot na kwarto ko.

Sino ba ang nagdala sakin dito?

"Ano ba ang pinaplano mo Ashe?"

Boses iyon ni Yohann.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakaniya habang hindi siya nakatingin sakin.

"Ako ang tinawagan ni Kc. Mabuti nalang at nagamot kita agad"

Nasaan kaya si Kc ngayon?

"Ganito ka ba kadesperado? Na isusugal mo ang buhay mo para lang makuha siya?"

Alam ni Yohann? Binasa ko muna siya pero hindi ko mabasa ang mga mata niya dahil hindi ito nakatingin ng diretso sa akin.

"Na handa kang lasunin ang sarili mo?"

"Oo" yun lang ang paraan para makuha ko sa panig ko si Kc. At sana ay tumalab yun.

"Hindi ko alam kung gaano ka kahangal o katapang Ashe pero pinag aalala mo kami. Mabuti at hindi alam ito nila Jiro. Ashe, hindi mo pweden--"

"Yohann, hindi buhay ang usapan dito kundi ang bakit mo nga bang kailangang mabuhay"

"Hindi na ako nakakakita Ashe pero alam kong naglalagablab ka sa galit. At natatakot akong yun ang magdala ng kapahamakan saiyo."

Hindi nakakakita? "Anong ibig mong sabihin?"

"Alam kong hindi lang ito ang kaya mong gawin at ang handa mong gawin. Hindi lang ito. Kaya ayokong umabot sa puntong hawakan mo ang apoy"

Napangiti ako ng kaunti sa sinabi niya. "Hindi ko lang handang hawakan ang apoy Yohann. Kung para sa lahat ng rason ko para mabuhay, handa ko rin yung paglaruan"
--

Kc's POV

"Tigilan mo na si Ashe" pumalakpak siya ng mahina ngunit alam kong nainis.

"Kahinaan nanaman ang ipinapakita mo Kc"

"Huwag mong ibahin ang usapan. Alam ko ang mga plano mo"

"Hindi ako yun kung ano man ang tinutukoy mo"

"Hindi ako naniniwala sayo ma! Ikaw, kayo! Kayo lang ang makakagawa nun kay Ashe! Kayo lang ang maaaring pumatay sakaniya!"

Pinagmamasdan ko ang nakangiti niyang mga labi na nagpapagigil talaga sa akon.

"Hindi ka naniniwala sakin, e ano ngayon kung ako? E papatayin mo rin naman siya hindi ba?"

Hindi. Hindi ko papatayin si Ashe. Hindi kailanman. Siya lang ang naging tunay na kaibigan ko. Siya lang.

Kaya ng makita ko siya na bumabagsak kanina ay parang pinupunit din ang puso ko.

"Bakit ba hindi niyo nalang hayaan na siya ang makakakuha ng gold badge at hayaang makalabas?! Ha?! Bakit kailangan si Cless uli?!"

"Kc, matapang at malakas ka nga pero hindi mo pa rin alam ang kalakaran sa loob ng BEU. Hindi natatapos sa pagkakaroon ng gold badge ang paghihirap dito. Hindi lang kami, ang Masters Turner ang may hawak ng antidote. Kailangan namin ng tulong ni Lady K"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Na ang ibibigay ni Lady K ang tunay na makakapag alis ng lason na nananalaytay sa mga dugo natin. Kaya kahit ang kuya mo, ay lumalaban para dito. Kaya walang nagtatangkang magpatayan sa pagitan namin nila Lady M dahil hawak ng bawat isa ang alas laban sa isa"

"Bakit niyo ba to ginagawa, ma?"

"Para kay Lady K ito ay negosyo. Para kay Lady M ito ang magliligtas sakanila"

"At para sayo? Ano to?"

Imbis na malungkot ay binigyan niya ako ng nakakasindak na ngiti.

"Para sakin, paraan to para mapasaatin ang BEU hintay--"

"Baliw ka na"

Patakbo akong lumabas ng lugar ni mama. Malakas ang pagiyak ko dahil sa katotohanang halimaw siya. Na isa siyang hindi kapani paniwalang nilalang.

Pinagsisisihan kong naging ina ko siya.

Malakas at nakakatakot ang pagtunog ng bell. Parang may isang paanyaya nanaman si Kamatayan. Anong mayroon sa tunog na ito?

Bumukas ang isang gymnasium kung saan lumabas ang maraming tao.

Babae at lalaki na kung titignan ay itsurang mga estudyante rin.

Aalis na sana ko ng makita ang isang pamilyar na mukha.

Siya? Siya ang naging alay noon na nailigtas ng kupunan ni Aizen? Bakit siya andito? Bakit siya bumalik?

Tumunog ang speaker at nagbigay muli ng isang malakas na announcement.

"Welcome Advena to Blood Empire University. All of you are welcome on out beloved tradition. Hope that all of you eill enjoy our generousity and hospitality to each one of you. All of you are signed and now ready to fight. If you hear this sound" nakarinig kami ng kakaibang tunog na talagang nakakatakot at nakakabingi. "You will kill according to the instructions. If you fail, youll die. We will not stop until we find the last two standing that wi have the gold badge. Thankyou and goodluck"

Dire diretso lamang silang naglakad na tila walang kinakatakutan. Walang takot sa mga mata nila at tila sanay na rin.

Sino kaya ang mga ito? Ano ang magiging papel nila sa loob ng BEU?

Nakasuot silang lahat ng pare parehong damit.

Ibig sabihin sila ang madadagdag sa amin? Sila ang isa pa sa mga kakaharapin namin?

"Kill the person in front of you"

Sa isang iglap ay nadaplisan ako agad ng patalim.

Sa sobrang pagkagulat ay napatulala ako na nagpatayan na ang lahat.

Mabilis kong inilagan ang isang patalim na papalapit sa akin pero natamaan pa rin ako sa binti.

Lumapit sa akin ang babaeng may magandang ilong at ngumiti. "Hi, im Hazel Cartner. You are?"

Gago ba to? Mukhang papatayin niya ako tapos tatanungin niya ang pangalan ko?

Kilala ko siya. Siya ang babaeng alay noon na nailigtas dahil kila Aizen.

Papatayin ko pa sana siya ng sa iba niya binato ang patalim.

"Next time, we will meet again. Kc"

Naiwan akong nakatayo sa kawalan dahil sa pagdating ng mga bagong kalaban.
--
Venentium Pulsae
- new comers
(By Google)
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon