"Ashe, sa susunod na buhay ko, mamahalin kita hanggang dulo"
--
Aizen's POV
Wala na akong ibang maramdaman kundi ang grabeng sakit.
Parang may kumakain ng lamang loob ko. Parang may sumisipsip sa dugo ko.
Narinig ko ang boses niyang paparating.
"Aizen, just be thankful na sa ganitong paraan lang kita pinatay"
Ang sakit. Mainit na pulang dugo ang umagos ng tuloy tuloy sa mga mata ko.
"Inaalala ko pa rin kasi na kahit papaano ay masasaktan pa rin si Cless pag pinatay kita ayon sa gusto ko"
Kahit gaano ito kasakit, hindi pa rin matutumbasan nito ang sakit na kahit kailan ay hindi ko na makikita si Ashe.
"Aizen, sa totoo lang, gusto kitang kaibigan at hindi naman talaga kaaway. Masyado lang kasing iba tayo ng pananaw sa buhay"
Hindi na ako makapagsalita. Nag papalit palit na ang kulay itim at ang malabong nakikita ko.
Unti unti na akong nahihirapan huminga. Parang hindi ko na kakayanin.
"But, i hope if we meet each other in our next life, lets be bestfriends"
(For this scene play the song Another Me by MinChae)
Why did i have to lose your way
Kahit saan ako humanap ng hangin ay hindi ko na kaya. Hindi na ako makahinga.
Why did i try to fly away
Ashe, totoong minahal kita. At ang pagmamahal na iyon ang tumulong sakin para makayananan ang huling labing limang araw ng buhay ko.
Story about us dont want to lose
Hindi man masaya ang napakagulong buhay ko, napasaya mo ako.
Now that my eyes dry
Ang mga boses mo na talagang napakagaan pakinggan.
I go on
Ang mga mata mo na napakaamo.
Just for you
Ang lahat ng alaala na kasama ka ang pinaka masasayang araw na nabuhay ako.
Sobrang sakit harapin ng kamatayan na hindi ka makita kahit sa huling pagkakataon.
Ashe. Sa susunod na buhay ko, mamahalin kita hanggang dulo.
Master's POV
Pinunasan ko ang luha ko na pumatak matapos kong makita sa ganung kalgayan si Aizen.
Hindi ko rin inakala na sa ganung paraan matatapos ang lahat. Na ganun lang kadali matatapos ko na si Aizen.
Hindi kaaway ang turing ko kay Aizen. At totoong hiniling ko na sana ay maging magkaibigan kami. Pero, napakalayo ng pagkakaiba namin at ang muhi namin sa isat isa.
Para sakin, isa siyang tao na may utang sa akin. At ngayon bayad na siya.
Aizen, wala ka ng utang sakin. Patas na tayo at makakarating ka na sa kabilang buhay.
Malayo sa mundong ginagalawan ko kung saan napakarami ko pang kakaharapin.
Sana, ay matahimik ka sa kabilang buhay na alam kong hindi mo naranasan sa masalimuot na mundong ito.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
