Chapter 99: Positions And Ranks

799 20 10
                                    

"Tumayo ka sa posisyong ako dapat ang may hawak"
--

Ngayon ang araw ng pagtitibay sa mga posisyong hawak namin. Dahil sa posisyong ito maaaring mailigtas kami sa unang araw ng tradisyon. Mabuti narin para sa amin. Para makapag ipon pa ng lakas.

"Education and Literacy Organizations"

"Mr. Jiro Millares. 4th owner of the black badge. Considered 4th highest person in this empire. Lets welcome our Library Head"

Direktang nakatingin sakin ang tatlong Ladies. Hays. Magaganda nga sila pero nakakapangilabot pa din naman ang mga pag uugali nila. Si Lady M nga kung hindi ko kilala ay katatakutan ko talaga.

Kung nandito lang sana si Lampa maipapakita ko kung anong nakuha ko. Hahaha. Hmp. Kaso dahil lampa siya dun nalang siya sa labas mas panatag pa kami.

Tinawag kaming may mga posisyon at ipinakilala sa lahat.

Sa unang araw ng tradisyon sa susunod na araw ay magsisimula na ang pagdanak ng mga dugo hanggang sa magkaubusan kami. Ang isang oras na immunity ay napakahalaga na samin. Kaya ngayon lahat kami ay may posisyon ay talagang mahalaga.

Sumunod ang Health Organizations kung saan kabilang si Yohann.

Ayon sa napag usapan kagabi, walang ibang tao ang maaaring makaalam na bulag si Yohann kaya gagawin namin ang lahat para maitago yun. Pero ngayon, kailangan ni Yohann gawin ang lahat para di siya mahalata. Hindi pwedeng hindi siya umattend ngayon. Paniguradong pagpipiyestahan ang posisyon niya.

"Mr. Yohann Perez. 3rd owner of the black badge. Considered 3rd highest person in this empire. Lets welcome our library head" nagpalakpakan ang karamihan at marami din ang babaeng nagtilian. Sus. Mas madami pa rin naman ang tumili sakin.

"Shit" napabalikwas ako sa pagkakaupo ng makita si Yohann na natalisod. Baka mahalata ng iba na hindi na siya nakakakita. Paniguradong magkakaroon sila ng rason lara sabihin na hindi karapat dapat ang posisyon niya sakaniya.

"Mr. Perez?!" Tanong ng emcee.

"Im okay. Continue"

Hindi maituturo ni Yohann ang emcee at agad nalang na umupo. Yohann, natatakot ako kung hanggang saan mo maitatago ang kalagayan mo.

Sumunod na binanggit ang kinabibilangan ng impaktitang bruha na yun na nagpahirap kay Ashe.

"Law and Acts Organization"

Tumayo siya at tila lahat kami ay natutuwa sakaniya kung makakaway. Kung alam lang niya nag iinit ang tenga ko sakaniya dahil sa pagkagalit at pinahirapan niya ng sobra si Ashe.

"Ms. Celena Alcantara. Holder of the LAO organization"

Tss. Mabuti nalang at wala tong nlack badge kung nagkataon yari yari na. Gagawin nalang niya ang gusto niya.

"Mr. Lorde Delos Reyes. 2nd owner of the black badge. Highest person in his empire to consider. Lets Welcome the Detention Halls Head"

Halata na hindi pa ganun na magaling si Lorde. Ang dami pa niyang sugat. Isa siya sa hindi maayos na makakalaban pag dumating na ang tradisyon.

Isa ako sa mga pumalakpak nung akyat siya sa kinalalagyan namin.

Hindi ko kilala ang tumatayong leader ng SSC dahil pinagbotohan ng mga organisasyon ang pagpiling iyon.

Napakahalaga sana ng maitutulong kung nasa amin ang kapangyarihan ng SSC. Dahil mas magagawa naming makaalalay sa mga batas. Lalo na kung hindi nila ito maibabalanse.

"Ms. Kathleen Duran. 9th owner of the black badge. 9th highest position in this empire. Lets welcome the SSC Head"

Tama nga ako. Madaming organisasyon ang humahawak sa babaeng to. Tsk tsk tsk. Hindi ko pa naman gusto ang mukha ng babaeng ito. Mukhang hindi rin siya mapagkakatiwalaan.

Nanlaki ang mata ko ng makitang may dumaplis na kung anong bagay sa mukha ni Kathleen dahilan ng pagdudugo ng itaas na bahagi ng kaliwang pisngi niya.

Sa isang iglap ay tila umikot ang mundo ko sa pagdating niya.

May malihim na mga mata, matatapang na tingin, malakas na loob at higit sa lahat nag aapoy na awra. Hindi ako sigurado kung siya nga ba ito o hindi. Naguguluhan ako.

Alam kong hindi lang ako ang nabigla dahil madami kaming napanganga at napatayo sa pagdating niya.

"Tumayo ka sa posisyong ako dapat ang may hawak"

Lorde's POV

"Very good Blue. You are still my very good Blue. Hindi ka kumupas. Nalinlang mo sila"

Malakas ang pagtawa niya habang parang malakas din akong sinusuntok sa muling pagtatraydor na nagawa ko.

Pagkabulag at pag atake pala ng sakit ni Jiro ang maidudulot ng mga iyon.

Manghihina talaga sila, at alam kong hindi ko magagawang lumaban sa tradisyon dahil papatayin din ako ni Master.

Si General lang ang makakagawa nun, pero kung nag iisa siya walang kasiguraduhan na magagawa niyang matalo ang Masters Turner. Pero sino nga ba ako para kwestyunin si General kung tanging boses lang niya ang naririnig namin. Paano namin magagawang subukin kung gaano siya kalakas?

"Anyway. Umattend ka sa pagpupulong ngayon, napakahalaga nun lalo nat kailangan namin ang posisyon na meron ka"

Si Cless ang gusto niyang humawak muli ng badge at pag nangyari yun, matatanggal nila ang GG ngunit magpapatuloy ang negosyo nila.

Wala silang kinatatakutan lalo nat alam nilang panig sakanila ang gobyerno. Pakiramdam ng iba ay walang halaga ang batas kaya napilitan ang iba na sumapi kay Master. Hindi tulad ko. Pinili kong kampihan siya. Ano man ang rason, sa akin na yun.

"Yes Master"

Babalik ako ng eskwelahan na parang walang buhay.

Walang gana na harapin ang mga susunod na bukas.

Itinatanim ko nalang sa utak ko na kasama ko si mama at lalaban ako para sakaniya. At para makita si Ashe, kunh makakalabas pa nga ako dito.

Pagdating ko sa pagtitipon ay tahimik ang lahat. Tulad ng dati, nakaayos ang mga opisyal mas mataas palagi sa amin. Sama sama at pantay pantay ang kapangyarihan ng tatlong pinakamakapangyarihang tao dito.

Si Lady M, Lady Q at Lady K. Lahat ng initials na yun marahil ang initial ng mga pangalan nila.

Sila ang humahawak at nag aagawan ng kapangyarihan sa loob ng eskwelahan na ito. Kaya walang sinuman ang mangangahas na kalabanin sila.

Nagsimula ang pagtitipon ng walang kabuha buhay.

Mas ramdam ko pa ang sakit ng mga sugat ko kaysa ang esensya ng pagtitipon na to.

"Phew" buntong hininga ko dahil gusto ko ng matapos ang usapang to at makapagpahinga na sa dorm ko.

Bukod kay Ashe, yun ang kailangan ko.

Binanggit ang pinuno ng SSC hindi ko mapigilang maalala si Aizen dahil dun. Kung nandito sana si Aizen, makakatulong ang posisyon niya para mabalanse ang laban namin sa ibang mga organisasyon.

Masayang umakyat ang namumuno dito na si Kathleen ngunit isang blade ang mabilis na nagpaguhit ng dugo sa pisngi niya.

Nang mabago ang lahat dahil sa pagbabalik niya.

"Tumayo ka sa posisyong ako dapat ang may hawak"

Bakit ka ba nagbalik?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon