"If you think that you can threaten me, fuck you! If you think that you can stop me, fuck you! But if you think you can touch her, ill kill you!"
--
Nelho's POV
Pumayag ang admin sa proposal ni Jiro kapalit ng mas pinaagang pangalawang tradisyon.
Hindi ko masabing mabuti iyon. Hindi ko naman din alam kung bakit ginagawa ito ni Jiro pero siguradong may malalim na rason siya.
Naglalakad na kami pabalik sa dorm namin habang ang ibang gang ay pabalik na rin sa dorm nila.
Hindi inaasahang makita namin ang isang babaeng nakahandusay sa gilid ng Detention Hall.
"Who is that?" Tanong ni Rico na halatang nagulat din.
Dahil nga walang estudyante ang nakakalat ngayon dahil oras ng klase, kami ang unang nakakita sa babaeng ito.
Nagulat kami, ng makilala kung sino iyon.
"Call Yohann now!" Galit na galit na sigaw ni Jiro.
Lumalabas nanaman ang pagkahalimaw niya.
Matagal niya na iyong naitago pero ngayon ay bumabalik uli dahil sa babaeng to.
Tinawag naman na nila Warren sila Yohann para madala siya sa clinic.
Pero nawindang kami ng hilahin ng babaeng yun si Jiro at sinusubukang halikan.
"Ashe!"
Bakas sa mga mata ni Jiro ang galit at ang luha.
Ano kaya ang nangyari?
--
Nasa clinic kami ngayon at tinurukan nila ng pampakalma ang babaeng yun.
"Anong nagyari Yohann? Bakit siya ganun?! Bakit namumutla siya?! Tsaka bakit mainit siya?!"
Napansin ko nga. Hindi siya basta nahimatay. Alam kong may nangyari. Iba ang kulay niya. Pati ang pagpapawis niya.
"She was injected with a kind of ecstacy"
Nakakatakot tignan kung paano magalit si Jiro na kahit ako ay ayokong masaksihan.
"W-what?"
"She was sexually aroused a while ago. Isang araw tatagal ang ganitong klase ng gamot sakaniya. Makakaranas siya ng matinding pag iinit ng katawan at pagpapawis. Sometimes it may cause dehydration"
Hindi sumagot si Jiro kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Yohann.
"She needs to stay here until the drug was done manipulating her. Mas delikado kung ilalabas siya sa kwartong to. Sa tulad niya na babae, paniguradong may kung anong magagawa sakaniya ang mga lalaking makikita siya sa ganitong kalagayan" may gusto pang sabihin si Yohann pero nagdadalawang isip siya dito. "She was also Signed"
Nanlaki ang mata ko ng malaman na may sign na ang babaeng yun. Paniguradong mag iinit ang ulo ni Jiro at magkukumawala sa kaniya ang hindi namin gustong katauhan niya.
"Masters Turner."
Simpleng pagbigkas ni Jiro na nakakapanindig balahibo.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
