"Tumayo ka diyan, traydor"
--Jl's POV
Naaalarma ang lahat ng magsimula si Aizen na tawagin ang lahat at inaya kaming magpunta sa Generals Hall.
Kahit ako ay kinakabahan sakaniya. Ang mga mata ni Jiro nakakatakot tumingin. Ang mga pagpapaypay ni Yohann parang ang init at si Lorde na hindi ko alam kung kailan talaga magwawala.
Nakupo. Aizen naman?! Paano mo nanaman ba nalaman ang tungkol sa pagkakuha kay Ashe?!
Nandito na kami ngayon. Inaantay nalang namin si General ngayon.
"GG, what brings you here?"
"General, there is a traitor in the gang"
Mula sa pagsasalita ni Aizen ay nakaramdam nanaman kami ng kakaibang pakiramdam na napakahirap ipaliwanag.
Parang nagsasabi ito ng isang natural na bagay mula sa tono niya ngunit napaka mapanganib na salita.
"W-w-what do you mean?"
Sari saring reaksyon ang sumabog habang ako ay taimtim na tinitignan si Aizen na nasa normal na pagkatao niya. Ang maging kalmado.
"Aizen?! Ano bang sinasabi mo?! Nandito tayo para sabihin kay General na may bihag ang Masters Turner at hindi ang mga kalokohan na yan!" Sigaw ni Jiro na ngayon ay handa ng magwala.
Napailing ako ng ilagay ni Aizen ang kamay niya sa lamesa at pinindot ito .
Nagulat kaming lahat ng nacapturan ang mga kamay namin na nasa lamesa.
Anong ginagawa niya?
"Tumayo ka diyan," nakatingin siya kay General ng kakaiba. Kakaibang tingin. Nakakatakot. "Traydor"
Napaurong kami at tila hindi makahinga sa sinabi ni Aizen.
"Hoy Aizen! Anong sin--"
Tumawa si General, ay mali. Ang sinasabi ni Aizen na traydor.
Naniniwala ako kay Aizen. Kahit sabihin natin na wala pa siyang pruweba ay kahit kailan hindi siya nagkamali sa bawat ibibitiw niyang salita. Kaya kung minsan talaga ay nakakagulat siya.
Nasa taong iyon ang tingin namin ngayon.
"Wow. Great. Paano mo nalaman?"
"Doesnt matter."
Hindi makapagsalita si Jiro at Yohann ngayon. Hindi ko mabasa mula sa mga mata ni Lorde ang naiisip niya.
"Say your last words before we leave"
Tumayo na si Aizen at parang balewala sakaniya ang pagsusuka ng dugo ng taong iyon.
Ano ba ang ginawa niya? Paano niya iyon nagawa?
"Aizen!" Tawag ni Jiro na bakas pa rin ang pag aalala. "Aizen, lets talk"
Hindi naman na sumagot si Aizen at sa tingin ko ay tungkol na ito kay Ashe.
Makikibalita nalang kami bukas. Okaya mamaya? O basta may balita tungkol sa plano ng gang.
Jiro's POV
"Paano mo nalaman ang lahat ng iyon? Alam mo kasi, alam ko namang matalino ka pero hindi ko alam na manghuhula ka na ngayon?" Tanong ko kay Aizen na nakapamulsang nakasandal sa binatana ng dorm niya.
"I gave Ashe a necklace" putangina neto ah?! Nang aasar ba siya?!
"E bakit mo siy--"
"It has a built in mini speaker. That way, ill know if she is a spy or not. Kanina habang naglalaro at nakaheadset ako, narinig kong may kumatok sa dorm niya at nagtatawanan. Then i hear Silvers voice. Ang taong yun na nakita ko ring sinusundan si Ashe"
Kaya pala kanina nakaearphone siya.
"Pero paano mo nalaman na traydor si General?" Hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwalang nagtraydor si General. Hindi talaga. Siya ang gumawa ng gang na to kaya paano niya iyon magagawa?
"Hindi si General ang nakaupo dun kanina. Ibang tao. Kaboses ni General pero hindi siya yun mula sa pag upo at pagsisimula. Mukhang sa sobrang kaba ng taong iyon ay nakalimutan na niyang bumati na palaging ginagawa ni General maganda man o hindi ang magiging pangyayari"
"Pero Aizen? Paanong nakapasok sa Generals Hall ang taong yun? At si General nasan siya?"
"Nakapasok siya? Simple lang. Kung hindi sa ninakaw ang susi, may tumulong sakaniya mula satin"
Aizen wait. Nagloloading pa ang utak ko. Ughhh! Nakakaasar! Ang hirap pag genius kasama e! Magmumukha akong ewan e! Asar!
"Bakit mo ba sakin sinasabi to?! Bakit hindi kanina?!"
"Ikaw palang ang mapagkakatiwalaan ko. Hindi ko pa sigurado kung sino pero alam kong may traydor sa buong GG"
Napalunok ako sa sinabi ni Aizen. Maaaring isa samin?
Sino? Si Yohann o si Lorde? Sa Brokers? Sa Down Caster? Sa Catchers? O sa Black 11?
Bumalik nanaman ang mga tanong na yun na noon ko pa naiisip.
"Pero Aizen?! Si Ashe hindi ba natin siya pupuntahan?!"
"Pabalik na siya dito."
Hindi ako makpag intay. Gusto ko na siyang makita.
"Paano mo napatay ang taong iyon kanina?"
"Kinapture ko lang ang vital parts niya" umupo siya sa katapat kong upuan saka nagsalita muli "hindi pa siya patay. Tinakot ko lang siya"
Tama. Hindi siya pinatay ni Aizen. Nakakapag pahanga talaga ang pag iisip ni Aizen.
"Pumunta ka na sa dorm niya. Nakauwi na siya"
Niyakap ko si Aizen bago ako umalis.
"Thanks Aizen. You protected her well"
Pinuntahan ko na si Ashe sa dorm niya at tama si Aizen.
"Ashe okay ka lang ba?"
Tama ako ngayon. Umiiyak nanaman siya.
Niyakap ko siya habang umiiyak.
"Lampa wag ka ng umiyak. Anong ginawa nila sayo?"
Bakit parang nag aalala pa rin ako kahit kasama ko na si Ashe? Parang may iba? May hindi pa ba kami nalalaman?
Ano ang ibig sabihin nitong mga nangyayari?
"Lampa, wag ka ng umiyak. Hindi ka na mawawala uli"
"Jiro, palagi nalang akong takot"
Wag ka mag alala. Ashe, natatakotbdin ako na mawala ka sakin. Sobra. Iniisip ko pa lang iyon ay nahihirapan na akong mag isip ng susunod kong gagawin.
Hindi ako bumalik ng dorm ko. Nagpahangin ako sa labas ng dorm ni Ashe.
Sa susunod na tradisyon, sigurado akong madaming dugo nanaman ang dadaloy sa daan ng eskwelahan na to.
Hindi pa kami naghaharap ng Masters Turner ay nagkakaubusan na ang mga estudyante dito.
Pero kailangan namin na maniwala kay General.
Mailalabas namin ang lahat ng nandito. Maiaalis namin ang dugong lalason sa kanila.
Dugo na naging dahilan ng pag alis nila ng buhay ng kapatid ko.
Mapapatawad din ako nila mama.
Gusto kong maging normal ang lahat. Gusto kong maging isang normal at tipikal na lalaki na kayang ligawan ang babaeng mahal niya ng hindi ito napapahamak.
Pero paaano namin yun magagawa? Kung hanggang ngayon hindi pa namin alam ang antidote sa dugong unti unti kaming papatayin?
Nasaan na nga ba si General?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...