"I want something for myself"
--General's POV
Sino nga ba kay Lorde at Aizen ang kumuha sa bangkay ni Ashe?
Hindi si Jiro ang kumuha kay Ashe nabasa ko yun sa mga mata niya. Hindi rin si Yohann.
Pero sino nga ba?
Naglalakad ako ngayon papunta sa library kung saan natagpuan ko si Aizen sa pinaka dulong upuan.
"Cycle of Death. Nice book Aizen"
"Do you think im the one who got Ashe's body?" Nabulunan ako sa sinabi niya.
Paano niya yun nalaman? Maaaring si Jiro ang nagsabi nun.
"No. I didnt"
"Then who do you think it was, Lorde?"
"Why are you asking this to me Aizen?"
"Because you are asking me the way you act"
Napangisi ako kay Aizen. Nakakatuwa na nakabilang siya sa gang na iningatan ko.
"Are you bothered with the way i act?"
"No. Im bothered with the way you look" isinara niya nag librong binabasa niya at tumayo habang nagsasalita "I dont have her body, yet i have her body. Either of the two is the truth nothing can help you to maintain your throne. I can no longer help you now, because i want something for myself"
Napailing nalang ako.
Kinakalaban mo nga ba ako Aizen?
Sa pananalita ni Aizen hindi ko alam kung nasa kaniya nga si Ashe o wala. Pero isa lang ang sigurado ko. Totoo ang huli niyang sinabi.
'i want something for myself'
At hindi ko alam kung ano ang bagay na yun.
Kinuha ko ang isang libro sa gilid ng library at bago ko yun makuha ay may kutsilyo na ang nakatarak don na mula sa likod ko, at nagmula kay Lorde.
"Maganda ang batong iyon Lorde" puri ko .
"Nagmintis ako, hindi lang halata. Sayo dapat ang patalim na yun"
Sumandal ako sa shelves at naghalukipkip. "Kung ganun mas galingan mo pa, dahil sa susunod hindi ko na hahayaan yun"
Lumakad ako at nagsalita siya uli.
"General, ikaw naman ang magdusa ngayon na wala si Ashe sa tabi mo"
Si Lorde nga ba ang may hawak kay Ashe?
"Nasayo ba ang bangkay ni Ashe?"
"Nasakin man o wala, bastat wala sayo ay ayos na ako dun"
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paninikip nito.
Hindi ko gusto na watak watak ang GG.
Pero mismong ako, hindi ko mapatawad ang sarili ko.
Hindi ko alam kung nasan ang bangkay ni Ashe pero, habang hindi ko alam ay mas magaan nalang kaysa malaman kong nasa isa kila Aizen at Lorde ang katawan niya.
Jiro's POV
"Bakit mo ginagawa to Aizen?"
Ilang gabi na rin nung magsimula na akong mabaliw sa mga pangyayari.
Matalim kong tinititigan si Aizen.
"General, would be out of his throne and GG will be saved"
"A-aizen? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?"
Paanong nagagawa ni Aizen na sabihin lahat ng to.
Ang akala ba niya pag tinanggal ng Trio si General ay bubuhayin pa rin nila si General?!
"Alam mong mamamatay si General pag inalis siya sa tronong hawak niya ngayon. Alam kong alam mo yun"
Ngayon lang ako tinignan ni Aizen mula pa kanina na nag uusap kami.
"Bumalik ako para kay Ashe at sa GG. At ngayon na wala na si Ashe? GG nalang. Kailangan kong iligtas ang GG, an--"
"Bakit si General, hindi ba siya parte ng GG Aizen?"
"Kung pati si General isasali ko, hindi ko alam kung magtatagumpay pa ako"
Hindi ko alam pero parang hindi si Aizen ang kaharap ko. Nagkamali nga ba ko?
Posible nga kayang si Aizen hindi nagbalik para magiging kakampi namin?
Sa sobrang wala ako sa sarili ay di ko namalayan na wala na pala si Aizen sa lugar ko.
Pero yapak ng takong ang narinig ko kaya naman napalingon ako uli.
"Kc?"
"Hi Jiro" bungad niya na tila masaya pa.
Isa rin tong may topak. Ano namang masaya sa araw na to?
"Nakapag isip ka na ba?"
Ah. Tinutukoy niya ang desisyon na ipinagduduldulan niya sakin nung nakaraan.
Sa totoo lang wala pa akong desisyon. Kahit ako sa sarili ko nakikipagtalo sa sarili kong pag iisip.
"Unang una sa lahat, pinakamatalik kong kaibigan si Aizen. Handa kong isugal ang buong buhay ko para rin sakaniya. Pakiramdam ko kahit magkaedad lang kami, siya ang kuya ko na pinatay nila noon kaya siguro ganun kalapit ang loob ko sakaniya."
Tahimik lang na nakikinig si Kc at nakatitig sakin.
"Sa sobrang lapit namin, ang mga kilos niya hindi ko na pinapansin dahil alam kong napaka ingat naman niya. Pangalawa, wala pang ginawa o sinabi si Aizen, kahit imposible nangyayari. Ganun siya mag isip at magplano"
Pero habang sinasabi ko ang mga katagang iyon, hindi ko maiwasang magdalawang isip pa rin.
"Ikatlo, ang pagliligtas niya sa GG totoo yun. Nakita ko yun sa mga mata niya, ang iligtas ang gang na kasama niya sa lahat ng laban"
'GG already betrayed me'
Ang naaalala kong bigkas ni General nun nung maabutan kong walang ibang tao ang nasa Generals Hall.
"Pero, kahit di pa kami nakakapag usap ni General tungkol sa mga plano niya, nararamdaman ko ang tindi ng hinagpis niya. Sa pagkawala ng babaeng pare pareho naming minahal, sobrang hirap nung harapin. Ang pakikipaglaban na wala ang GG sa tabi niya ay napakahirap din"
Na kung bakit habang pahaba ng pahaba ang sasabihin ko ay palalim ng palalim ang sugat na nararamdaman ko.
"At higit sa lahat, ang lumaban bilang si General, ang General ng GG ay walang katumbas na responsibilidad, lalo na, hindi lang naman GG ang ipinagtatanggol niya, kundi lahat ng nandito"
Nagulat ako ng ngumiti si Kc at putanginang yan! Niyakap pako!
Mawawala ko sa konsentrasyon ko e.
"Sana hindi ka magkamali ng desisyon Jiro. Nagtitiwala rin naman ako sayo kahit minsan nakakabadtrip ka"
"Sus. Tumahimik ka nga diyan baka halikan kita e"
"Tang ina. Sge na una na ko. Kinumusta lang naman kita kung buhay ka pa"
"Buhay pa ko. Ikaw lang naman patay" sabay kindat sakaniya. "Patay na patay sakin"
"Ow shit" saad niya habang papalabas ng lugar ko.
Ang tiwala ko kay Aizen sobrang taas. Hindi matutumbasan pero ang paghanga ko kay General, hindi matatawaran.
Ang dahilan namin kung bakit kami nagkaroon ng lakas para lumaban matapos ng lahat ng sakit ay si General.
Pumasok kami ng mga kasamahan ko dito na walang kahit ano. Walang alam sa pakikipaglaban o ano pa. Punong puno ng sakit at galit.
At ang galit na yun ang hinubog ni General pars makontrol namin at maintindihan.
Sana nga, hindi ako magkamali sa desisyon ko.
Kundi, habang buhay ko nanamang kamumuhian ang sarili ko.
--
Jamaica043 thank you so much love for your support. 🖤
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...