Chapter 113: Double

758 17 0
                                    

"That was so unfair"
--

Ashe's POV

Titig na titig ako ngayon kay Lady M na alam kong may mahalagang mensahe.

"Goodevening Ladies. Look at all your dorm mates, later they can be your enemies. Congratulations because all of you are the only survivors for our tests that happened"

Tinignan ko ang lahat ng nasa paligid ko.

Kami nga. Kami nalang. Kami nalang ang natirang maglalaban laban.

Mabuti at wala dito si Gwen. Mabuti at naitago ko siya sa Detention Hall.

Kasama ko sa loob si Cless at Kc. Kagagaling lang sa labas ni Kc na hindi ko alam kung saan nagpunta.

"We will give you, two minutes. In two minutes the girls that will go out will continue to the next part"

Paglabas na paglabas ni Lady M ay hinanda ko na ang sarili ko.

Pagsara ng pinto ay nagsimula na kaming magpatayan.

Ginawa ko ang lahat para iwasan ang pagpatay kaya iniiwas ko lang ang sarili ko sakanila.

Kita ko kung gaano kabilis lumaban si Cless at Kc para mapatay ang lahat ng umaatake sakanila.

Sa kakatitig ko sakanila ay hindi ko namalayan ang pagdating ng isang babae papalapit sakin dala ang isang kutsilyo.

Hinawakan ko ang kamay niya at madiin na pinigilan ang kamay niya. Pero dahil may umaatake sakin na iba ay kailangan ko na siyang patayin.

Ito ang unang beses kong papatay. Ipinikit ko ang mata ko at inisip ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan kong mabuhay at lumaban.

Sa isang iglap ay napatay ko ang lahat ng nakapalibot sakin na naghahangad na mapatay ako.

Nasugatan man ang kaliwa g balikat ko ay hindi ko ito naramdaman.

Pagtapos ng ilang sandali ay pumasok si Lady M.

"Good job Ladies. Tonight, youre going to have your next destination"

"Pero kakatapos palang ng test na to"

Napangiti siya sa tanong ni Kc at mabilis na sumagot.

"Thats what we call never ending tradition"

Ibig sabihin may kasunod pang test?! Ngayon na mismo?!

"Bring the bodies of the people you killed outside and follow me"
--

Nakahilera ang mga napatay na bangkay sa gilid namin at lahat kami ay nakatitig sa isang malawak na espasyo na nababalutan ng nagbabagang bakal.

"Listen up. We will pick the best to live. The rule of this part is for you tp choose the best weapon you know you can have. You will pick a number, the girl number one needs to defeat the remaining girls"

"But that was so unfair for girl number 1!"

"Its unfair because you cant force life to be fare just because it is what is right"

Napansin kong lahat ng opisyales ng paaralan ay nasa taas kung saan ang iba ay nakadekwatro at ang iba naman ay nanonood.

"But, that is boring." Singit ni Lady Q na talagang nagpapakuyom sa kamao ko. "Every two minutes, another number can get in"

"Give your best. Always. Assasins should give not just best but all. Goodluck ladies"

Bumuntong hininga ako bago ako bumunot sa bowl.

3.

Pangatlo? Nasa 20 pa kami. Makakaya ko pa kaya?

Pumasok na ang nakabunot ng number 1 at 2.

Nagtagal ang laban nila ng mahigit sa dalawang minuto kaya kailangan ko ng pumasok.

Dalawa silang nilabanan ko.

Ang isa sakanila ay kuysilyo at ang isa naman ay matulis na bakal.

Wala akong ibang kinuhang armas maliban sa blade na nasa bulsa ko palagi.

Pinatamaan ko ang pulso ng isa at ang isa naman ay sa leeg.

Kung saan itinuro sakin ni Aizen ang mga fatal parts na kailangang tamaan.

Aizen. Pipilitin kong magawa to. Kailangan kong magawa to.

Nang matamaan ko sila ay kinuha ko sa nagdudugong parte ng katawan nila ang nakatarak na blade lara magamit pa.

Pumasok na magkasunod ang iba pa at tulad ng ginawa ko sa iba ay pinatamaan ko lang ang fatal parts nila.

Hindi naging madali ang mga susunod dahil napagod din akong umiwas at makipaglaban.

Pagod na ako. 14. 15.

Halos hindi ko na mahabol ang paghinga ko.

Tinitigan ko si Lady M na wala namang reaksyon. Naaalala ko ang anak niya sakaniya. Si Lady Q na nakangiti at si Lady K na may galak.

Kailangan ko tong kayanin.

Nanlambot ako g tumayo ng matamaan ako sa binti ng isang kutsilyo na mula kay Kc.

19? Si Kc. Isa siya sa huli at si Cless naman ang nahuli.

Hinahabol ko ang paghinga ko kaya ginawa ko ang lahat para makaiwas sa kanila.

Makirot ang paa ko at sobrang nanginginig na ang buo kong katawan. Paano ko pa makakaya?

Ashe, lampa? Gusto magpunta sa sauna? Para gumaan naman ang loob mo?

Hindi naman ako masyadong napuruhan ate.

Can you stay here until i finish drinking this?

Jiro? Ranz? Aizen?

Parang pakiramdam ko ay nawalan ako ng malay.

Nang mahimasmasan ako ay nakita kong papalapit na ang patalim na itinapon ni Cless palapit sakin.

Medyo may kalabuan na ang pagdinig ko sa tawa niya.

Kinuha ko agad ang bwelo ko para makaiwas at patamaan siya ng blade.

"Lumaban ka Ashe! Lumaban ka! Hahahaha" busal pa niya. "Alam mo ba kung gaano ako kasaya ng mapatay ko si Jiro? Hahahaha!"

Isang blade nalang ang natitira sakin. Naiwasan niya kasi ang blade na itinapon ko sakaniya.

Halos maiyak akong tinititigan si Kc na hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya.

Hindi siya nagsasalita at alam kong nararamdaman niya ang nararamdaman ko. Kc. Please.

"Hindi ka na makakaligtas ngayon Ashe. Dalawa kami. At iisa ka lang"

"Papatayin mo ba si Kc pagtapos mokong patayin?"

"Wala ka na dun. At bakit naman gusto mong malaman?" Tanong ni Kc ngunit ramdam kong hindi siya galit.

"Gusto kong malaman"

"Patayin man niya ako o hindi papatayin naman talaga kita"

Napahikbi ako at napakapit ng mahigpit sa damit ko ng patamaan ni Kc ang kaliwa kong paa dahilan para mapaluhod ako.

Nahuli na kita Cless.

Handa na ang blade na itatarak ko sa leeg niya sa fatal part ng pumalakpak ang mga opisyal at nagsalita.

"Thats good job ladies. Well done. Congratulations! Get ready to face your next chapter. You may now rest"

Nakahinga ako ng maluwag habang hinahayaan ang sarili kong bumagsak sa sahig dahil hindi ko na kaya.

Ano pa ba ang mga susunod na pangyayari. Walang kahit anong pahinga. Kahit maliit na panahon. Mula ng gabing iyon ay hindi na nakapagpahinga ang utak, katawan at higit sa lahat ang sirkus ng emosyon ko.

Pero, Jiro? Kumusta ka na kaya?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon