"Im Celena Alcantara. Nice meeting you Library Head. Im the president of this organization"
--Napagplanuhan na namin ang paraan para mailabas si Ashe bago maisara ang eskwelahan ng tuluyan kaya mas kailangan ko ang pag iingat ngayon.
Nakasalubong ko si Cless at nagulat ako ng nakauniform na siya. Talaga bang pumasok siya sa eskwelahan na to?
"Hi Bl-no, i call you Lorde" ngumisi ngisi siya at tila nang aasar talaga.
"Bakit nandito ka?"
"Para pahirapan ang babaeng nagtataglay ng dugong hinahanap ng GG,"
Alam na niya?! Ibig sabihin alam na rin ni Master?! Sobrang nabigla ako pero ginawa ko ang lahat para maitago ng mga mata ko at ng sarili ko ang pagkagulat.
"Mabuti,"
"Na nasa mga kamay mo hahahaha"
Ako naman ang ngumisi ngayon,
"Dont worry ill give her to you soon"
"No thanks, i can have her my own" tumawa pa siya saka muling dinugtungan ang sinabi niya. "Ngapala, Mr. Lorde Delos Reyes, ako na ang may hawak ng pagiging President sa Law and Acts Organization. See you soon"
Kinabahan ako sakaniya. Alam kong ginagawa ni Cless ang mga sinasabi niya. Tuso siya at walang kinakatakutan. Matalino rin at malakas kaya alam kong walang magiging laban sakaniya si Ashe.
Naiwan akong nakatayo dun habang kumakaway kaway siya palayo.
Anong binabalak niya?
Kailangan ko yung malaman.
Ashe's POV
Hapon na pero hindi pa bumabalik si Aizen. Nag aalala tuloy ako.
Masaya ako dahil mula ng umokay ang pakiramdam ko ay si Aizen na ang nag aalaga sakin. Nagkakaroon lang minsan na wala siya sa tabi ko pero malaki pa rin ang pasasalamat ko sakaniya dahil binibigyan niya ako ng rason para mabuhay.
Matagal na ang pahinga kaya handa na kong pumasok. Naiisip kong pag nakagraduate na ako dito ay maaari na kaming makalabas ni Aizen at mabuhay ng normal. Ipapakilala ko siya kila mom at dad pati kay Gwen at sa lahat ng kakilala ko. Im very excited for that moment.
Kaya dapat mabuhay ako at maging malakas para makapasa ako.
Ilang oras na pero wala pa rin si Aizen.
Hays.
"Ah!" Sumasakit nanaman ang ulo ko.
Naaalala ko nanaman kung paano nawala si Aizen at ang mga sinasabi nila Yohann.
Kung anu ano nanaman ang naririnig ko. Nakakainis.
Pag gising ko paulit ulit kong narinig ang malalakas na doorbell.
Ano ba to?
Sabi ni Aizen wag "aaaahh!!!" Ang sakit ng ulo ko. Sobrang sakit.
Bumukas ang pinto at akala ko talaga si Aizen na ang dumating.
Jiro?
Ang alam ko si Aizen lang ang may susi pero bakit nabuksan ni Jiro?
"Bakit Jiro?"
Sinenyasan niya akong tumahimik. Hingal na hingal siya at talagang halos hindi niya mahabol ang paghinga niya.
"Makinig ka sakin. Nalason ang President ng LAO ng school na to"
"Oh? Bakit? Ano ba yung LAO?"
Hinabol niya uli ang paghinga niya at talagang tagaktak ang pawis niya kaya sa tingin ko ay importante talaga ang sasabihin niya.
"Law and Act Organization. Sila ang ang namamahala sa mga patakaran kaya napakahalaga ng pinuno nila na kararating lang mg eskwelahan na to at ikaw ang tinuturo nilang may gawa nun"
Nabigla ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang ako ang sinasabi nila.
"Pero bakit ako?"
"Lampa, wag ka na magtanong. Sumama ka muna sakin dahil kailangan muna naming ayusin to"
"Dito lang ako" yun ang sabi sakin ni Aizen kaya hindi pwede.
"Makinig ka Ashe! Makinig ka! Aalis tayo dito dahil malalagay ka nanaman sa alanganin kung hindi ka sasama sakin"
Hinila niya ako at inilabas pero isang magandang babae ang nasa harap ko kasama ang ilan pang tauhan estudyante ng eskwelahan na may mga badge.
"Saan kayo pupunta Jiro?" Ngiti ng babaeng nasa unahan nilang lahat.
"Aahhh!!" Sumakit ang ulo ko ng makita ko ang babaeng iyon. Napakasakit na parang gusto ko nalang iuntog ang ulo ko sa pader.
"Ashe" inalalayan ako ni Jiro pero hindi pa rin nawala ang sakit nito. Napakasakit talaga ng ulo ko.
Hindi ko kayang makita ang babaeng iyon.
May kung anong alaala ang pumapasok sa isip ko pero hindi kumpleto.
Sino siya?
"Tumabi ka diyan. Kung sino ka man?"
"Im Celena Alcantara. Nice meeting you Library Head. Im the President of this Organization"
Halatang nagulat si Jiro sa ipinakitang id ng babaeng nasa harap namin pero nanlalabo ang paningin ko at tila umiikot ang lahat ng bagay kaya hindi ko iyon mabasa ng maayos.
"Shes not feeling well. You cant ask her if she is not--"
"Mr. Library Head i didnt come for your opinion" ngisi nito sa amin. "Get her"
Sa pagtalikod niya ay hindi ko na alam ang nangyari.
--Sa isang madilim na selda ako nagising. Malamig ang mga rehas nito at huni lang ng kuluglig ang naririnig ko.
Nakatali ako at makirot na ang ibat ibang parte ng katawan ko.
Nasan ba ako?
Bumukas ang pinto at nakita ko ang babaeng dahilan ng pagsakit ng ulo ko.
"Hello"
Hindi ako sumagot at naramdaman ko ang malakas na sampal niya sakin.
"Hahaha! Kahit ilang beses na kitang nasaktan hindi pa rin ako nagsasawa"
Hindi ako natatakot sakaniya pero bakit nakakatakot ang mga salitang naririnig ko.
"Hindi kita nilason. Hindi rin kita kilala"
"Pero kilala kita. Thats an honor"
"Pero bakit kailangan mokong parusahan kung alam mong hindi ako ang may gawa nito?"
"Hahaha bullshit. Gaano ba kalaki ang utak mo para hindi mo magets? Im wasting my time talking to you. Ang patayin ka. Yun lang ang gusto ko kaya yun ang gagawin ko"
Iniwan niya ako doon.
Sobrang lamig at sumasakit nanaman ang ulo ko.
'Can you stay here until i finish drinking here?'
'Wala na si Aizen'
'Whatever it is that you served will always be my favorite'
Bakit?! Ano ba ang mga naririnig ko? Bakit nahihirapan akong huminga?
Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko.
Bakit? Bakit nararamdaman ko ang sobrang sakit ng puso ko? Bakit pakiramdam ko totoo ang mga naririnig ko?
Bakit parang hindi ko maramdaman na kasama ko kanina lang si Aizen?
Bakit parang may kulang pa? Bakit hindi ko mahanap sa loob ko ang totoong nararamdaman ko?
'I will miss you'
Aizen. Nasaan ka ba talaga?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mistério / SuspenseThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...