Chapter 17: Clinic Head

1.4K 40 0
                                    

"Go to the clinic as soon as you got this letter"
--

Andito pala kami sa clinic. Andito rin si Yohann. Sabagay, siya ngapala ang head sa clinic.

"Dinala mo pa talaga siya dito Jiro?"

"Alangan naman. Magpapagawa siya ng eyeglass sa library Yohann?"

"Gago."

Wow. Ang ganda naman ng batian nila sa kapwa nila kagang. Hays.

"Ashe, tumingin ka lang dito" itinuro niya sakin ang isang aparato na may maliit na butas. Para ata madetect ang grado ng mata ko.

"Teka? Paano mo nalaman ang pangalan niya?"

"Nabanggit siya sa top 100 diba? Malamang?"

Hindi naman sumagot dun si Jiro.

Matapos akong masukatan ng salamin ay pinagamot na rin ni Jiro ang iba kong sugat.

"Hoy Yohann ibigay mo yung salamin niya kung pwede mamayang gabi na agad"

"Di ko kaya yun. Magpagawa ka sa labas kung gusto mo"

"Putan--"

Inawat ko si Jiro at nginitian si Yohann. "Salamat. Kahit ibigay mo nalang sakin kung kailan matatapos"

Hinigit ko si Jiro na banas na banas sakin palabas ng clinic.

"Oy Ashe?! Ano bang pinagsasasabi mo doon at g--"

"Hindi naman ako bulag. Kaya ko naman mag antay kung kailan maibibigay yung salamin ko"

"Hay naku. Pag di niya talaga naibigay yun mamaya yari talaga sakin yun"

Hays. Hindi nako umimik. Ang hirap mag explain sa childish. Baka mas mauna pa siyang mabangasan sa kulit niya e.

"Ngapala Jiro yung panyo kailan ko makukuha?"

Tinignan niya ako muli at nagbuntong hininga. "Sge. Ibibigay ko sayo pero sabihin mo sakin kung sino siya at pagtapos, layuan mo na siya"

Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Bakit ko kailangan layuan si Ranz?

"Pero bakit?"

"Kung hindi mo siya lalayuan, hindi ko ibibigay sayo"

"Pwede bang sagutin mo muna kung bakit?"

"Malalagay ka sa alanganin. Maniwala ka nalang muna sakin Ashe."

Maniwala? Hindi ko na nga alam ang ibig sabihin nun. Kung ang tiwala ko ang papatay sakin, ibig sabihin hindi na ako dapat magtiwala? Ganun ba?

"Hindi ko kasi alam kung ano na ang dapat kong isipin."
--

Papasok na ako sa susunod na subject ng makita ko si Jiro na nag aantay sa labas ng dorm namin. Pinagtitinginan nga siya ng ibang mga estudyante dahil dun e.

"Bakit andito ka?"

"Hindi mo alam ang dapat mong isipin diba? Edi sumama ka sakin"

Sumama naman ako sakaniya at nakarating kami sa isang part ng school na parang malaking bahay na nipa hut na may chandelier.

"Ano to Jiro?"

"Sauna"

"Bakit?"

"Maybe you can rest here"

Pagpasok namin may ilang estudyante na ang nandito.

Pahingahan na parte ng school. Pero parang mas gusto ko pa rin ang park.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon