"Ito na ang huli na pakikipag usap ko sayo bilang si Gray. Sa susunod nating pagkikita, harapin mo ko bilang si General"
--
General's POV
Hindi ako makatulog kakaisip kung nasan nga ba ang katawan ni Ashe.
Hindi ako papayag na madumihan kahit kaunti ang katawan niya.
Inaantay ko nalang si Uno ngayon.
Siya ang tutupad sa gusto ko.
Masyado ng malalim ang gabi para sana ako na ang magpunta sakaniya.
Pero tatlong katok ang dumating.
Sigurado akong hindi su Uno ang nasa likod ng pinto.
Kung ganun sino?
Kinuha ko ang remote at binuksan ang pinto.
Naomi?
"Hi General? Surprised?" Nakangiting bungad niya.
Whats wrong with her wearing a seethrough dress?
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ko. "Im not surprised that Naomi is not afraid of walking with a sexy dress outside, alone"
Humalinghing siya at dahan dahang pumasok.
"Youve stated sexy huh? Then you find me sexy General?"
"Then why are you here?"
Hindi siya umuupo at patuloy lang na nagsasalita.
Ang nakalugay niyang mga buhok, ang walang kahit ano sa mukha niya. Ang malinis niyang mukha, nakakaakit din naman talaga.
"Since, tinanggap ni Uno ang gusto mo kapalit ng gusto niya, ako ang pinadala niya bilang regalo"
Regalo?
Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"Talaga?" Pero sa bilis paglipat ko ng pahina ng binabasa kong libro ay siya ring bilis ng pangyayari.
"It is not bad to enjoy things General. Not bad to play with fire"
Unti unti na niyang hinububad ang mga saplot niya ng dahan dahan hanggang sa wala ng matirang kahit ano.
Saka siya lumapit sakin.
"Then, General am i gonna do the first move?"
Tinignan ko siya ng diretso at nginitian.
Isinara ko ang librong binabasa ko hanggang sa makuha ko ang lahat lahat ng atensyon niya.
"Naomi," bulong ko habang inaakit din siya. "You have a sexy tone, a fair skin and a curved body" at saka niya ako inakit muli "but my body, heart and soul belong to someone and sadly thats not you"
Saka ako tumayo at pinulot ang mga damit niya at inilagay yun sa lamesa ng hindi siya tinitignan.
"Magbihis ka na, at lumabas ka nalang pagtapos mo"
Mabilis lang naman ako sa labas dahil mabilis lang nakapagbihis si Naomi.
Bago siya umalis ay nginitian niya ako pero ramdam ko ang sobrang pagkainis niya.
Pag alis ni Naomi ay inisprayan ko agad ng alcohol ang kwarto ko.
"Love, kung nakatingin ka man, wag ka magselos. Hinding hindi naman kita ipagpapalit kahit kailan"
Saka ako humiga sa kama at iniimagine na katabi ko nga si Ashe.
Hay. Nakakamiss si Ashe. Di ako sanay na wala akong ipinaghahanda ng pagkain.
Ang hirap isipin na malapit na rin pala ang katapusan ng lahat.
Bago magsimula ang susunod na taom, panigurado, may nakatakda na kung sino sa amin ng Trio ang nanalo.
Kung susundin ng Trio ang gusto ko, malamang sa malamang alam nilang mananalo na sila.
Nakakatawa.
Kinabukasan ay palabas ako ng kwarto ko ng biglang may tumamang patalim eksaktong dalawang pulgada ang layo sakin na mula kay Lorde.
"Nagmintis ka ba uli Lorde?" Galit na tanong ko pero mahinahon akong nagsalita.
Lumapit siya sa akin. "Oo per--" bago niya pa ko masaksak ay sinuntok ko na siya agad ng malakas hanggang sa maramdaman ko ang hapdi sa nga kamay ko at ang pamumuo ng butil ng dugo sa labi niya.
Natigilan siya at tila nagtaka nang makita ako sa gantong sitwasyon.
Pinipigilan ang luha, at nanginginig sa galit.
"Tumigil ka na, Blue"
"ITIGIL MO ANG KATATAWAG SAKIN NG PANGALAN NA YAAAN!!!"
Pero napuno na rin ako sa galit at kinuha ko ang kutsilyo at idinikit siya sa isang pader habang ginamit ko ang braso ko para hindi siya makagalaw.
"Bakit ayaw mong tawagin kita sa tunay mong pangalan?! Ha?!"
Galit na galit ang mga mata niya at gustong gustong makawala ng galit na ito.
"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?! Ha?! Ako si Gray!"
"Wala sakin kung ikaw si Gray, sa tingin mo ba mababago nang pagiging magkapatid natin ang lahat ng nangyari?!"
Mas diniinan ko ang pagkakadagan ng braso ko sakaniya.
"Sino ka para kwestyunin ang lahat ng nangyari?! Sino ka oara balewalain lahat ng nangyari?! At sino ka para magsalita kung wala kang alam sa nangyari?! HA! SINO KA?!"
Tumutulo ang mga luha namin hindi dahil sa lungkot kundi sa galit.
Galit sa iba at galit sa mga sarili namin.
"SINO KA OARA BASTUSIN AKO BLUE?! NUNG PANAHON NA KINUKUHA SI MAMA DAHIL SA KASALANAN NI PAPA IMBIS NA SI MAMA ANG IPAMBAYAD DUN AKO ANG KINUHA NILA DAHIL MAS MAHINA DAW ANG PUSO MO KAYSA SAKIN! YUNG MGA PANAHON NA YUN NI HINDI PA AKO MARUNONG MAGBILANG! LIMANG TAON LANG AKO NUN LORDE NUNG IBIGAY AKO NI MAMA KAY TEACHER ANN MAILIGTAS KA LANG! MABAYARAN LANG ANG KASALANAN NI PAPA!"
Sa tindi ng pag iyak ko ay hindi ko na maaninag ng maigi si Lorde kundi ang pag iyak nalang din niya.
"ILANG TAON LANG AKO NUN NUNG IHARAP SAKIN LAHAT NG MGA PATAY AT BANGKAY! NUNG MALAMAN KO ANG AMOY NG MASANGSANG NA DUGO! ILANG TAON LANG AKO NUN! MULA NG LIMANG TAON DI NA AKO NAKARANAS NG MAAYOS NA TULOG! TAKOT NA TAKOT AKO NA BAKA MAKITA KO ANG MGA KALULUWA NG MGA TAONG NAMATAY! PERO KINAYA KO YUN MAISIP KO LANG NA BUHAY KAYO AT NAKAKAIN KAYO NG MAAYOS! SAMPUNG TAON KA HABANG TUWANG TUWA KA SA MGA BAGO MONG LARUAN, AKO, TUWANG TUWA SA MGA BAGO KONG ARMAS PARA PUMATAY! SAMPUNG TAON NAKIPAGLABAN NA AKO SA TINATAWAG NILANG KAMATAYAN! ILANG BESES AKONG TUMAKBO SAKANIYA!"
Napaka lakas ng pagsigaw ko at tila hindi ko na rin marinig ang sarili ko.
"SA TINGIN MO BA NAKARATING AKO DITO BILANG SI GENERAL AGAD?! HINDI! ILANG TAO RIN ANG KINAILANGAN KONG PATAYIN AT ISAKRIPISYO WAG LANG MAMATAY! BINUO KO ANG GG HINDI PARA PROTEKTAHAN ANG SARILI KUNDI PARA MAGKAROON AKO NG LAKAS NG LOOB NA LUMABAN PA DAHIL SA MGA KASAMAHAN KONG NAHIRAPAN DIN! TINANGGAP KITA KAHIT UNA PALANG ALAM KONG NASA MASTERS TURNER KA NA DAHIL GUSTO KONG MAKASIGURADO SA KALIGTASAN MO! SISING SISI AKO NA NAHAYAAN KITANG MAKASALI SA IBA"
Bakit ang bigat uli ng pakiramdam ko?! Bakit ang sakit sakit pa rin?
"ILANG BESES MOKONG TRINRAYDOR PERO HINDI KO INISIP LAHAT YUN DAHIL PARA SAKIN PARAAN MO YUN PARA MAILABAS ANG GALIT SA PAGKABULAG NI MAMA! PERO SOBRA NA! HINDI KO INAASAHAN NA IKAW MISMO NA ININGATAN KO ANG PAPATAY SAKIN BANDANG HULI!
Matapos kong sabihin ang lahat ng iyon ay tila nawalan na rin ako ng boses at nag iiyak nalang.
Itinarak ko ang kutsilyo sa dalawang pulgada ang distansya mula sa ulo ni Lorde.
"Ito na ang huli na pakikipag usap ko sayo bilang si Gray. Sa susunod nating pagkikita, harapin mo ko bilang si General"
Saka ko pumasok uli at umiyak.
Mas madaling harapin si Lorde bilang traydor ng GG kaysa bilang si Blue na kapatid ko.
--
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
