Chapter 125: Tribus

866 27 10
                                    

"Were facing our own fears"
--

Hazel's POV

Masarap magtimpla si General ng kape. Hindi nakakapangsisi na sakaniya ako kumampi at hindi kay Lincoln.

Si Lincoln na mahilig sa babae. Pero hindi naman nagseseryoso.

"I heard that you meet Lincoln last night,"

Sabi ko na nga ba at malalaman niya ang lahat. "Ya"

"I wont ask anything. Maybe its private"

"Not so much. Weve talked about what death is waiting for us"

Napahagikgik siya at hindi mapagkakailang maganda ang boses niya.

"You two are so confidential. Ex lovers"

Natamaan ako ng kaunti at medyo kumirot ang dibdib ko. Pero ito na ako, handa siyang harapin bilang kalaban ko.

"Tonight will be the Tribus i heard" pag iiba ko ng topic.

"Uhuh, then what?"

"Are you trying to let her stay there until the part of the tradition was ended?"

Umiling iling siya at alam kong hindi siya makapaniwala sa sinasabi niya. "I think, were facing our own fears"

Takot. Takot na baka matalo kami ng emosyon. Na matalo ng puso ang mga utak namin. Nakakatakot nga.

"General, i am much afraid that you cant control your anger"

I know him as General. The most brutal person I know.

"She will not go out. Kamatayan will never see her unless im dead"

Alam kong bato siya kaya hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.

"Its already 6 General, its time"
--

Nasa quadranggle kami ngayon at may dalawang malaking bowl sa unahan.

Ang mga pangalang tatawagin ay bubunot ng dalawang pangalan.

"Ladies and Gentlemen, let me greet you a good evening. Tonight will be the Tribus, this may help the future gold badge holder to be one step closer to the badge. All of you would fight as three. Only 3 pairs of you will live. You are 30'pairs now and you should fight for your lives. Thankyou"

Ibig sabihin hindi kami matatapos ng isang gabi lang. Gusto talaga nilang mapagod kami.

"You may now pick"

Hinintay ko nalang na matawag ang pangalan ko at kung sino ang magiging kakampi ko.

"Hazel Cartner" kakampi ko pala si Kc.

Hindi na masama.

Halos sinlamig ng yelo ang kamay ko ng magsimula kami. Malamig ang gabi ngunit mainit ang mga puso ng lahat.

May mga number kaya yun ang sinunod ng bawat grupo.

Si Ashe ang kagrupo namin pero hindi siya pinaglaro ni General kaya dalawa lang kami ni Kc.

Pang anim kami sa tatlumpong grupo.

"Nakakapagod tangina"

Natawa ako sa mura niyang iyon "hindi pa nga nagsisimula e"

"Gusto ko ng matapos. Kung mamamatay, edi mamamatay"

Kahanga hangang katapangan. Hindi halata sa maganda niyang mukha.

Pangatlong grupo palang ay tila bumabaha na ang quadranggle ng dugo.

Habang naninigarilyo lang si Lady M sa stage. Si Lady Q ay masayang nanonood. At si Lady K na wala sa mundo.

"Tayo na"

Hindi mahirap ang laban lalo na at gamit namin ang armas kung saan kami sanay. Gamit ko ang lubid at kutsilyo kay Kc.

Hindi ako makapaniwalang nagagawa siyang panoorin ng sarili niyang ina na nakikipaglaban para sa badge na yun.

Bakit kaya hindi nalang niya ibigay?

"Magfocus ka" bulalas niya.

Madali lang naman nakawin ang mga armas ng kalaban kaya hindi ako nahirapan masyado.

Habang patagal ng patagal ay pagaling ng pagaling ang kalaban at pahirap ng pahirap naman para sa amin.

"Hi Kc" bati ng bago naming kalaban habang sunod sunod na ang pagtulo ng pawis namin.

Hindi pa kami nababahiran ng dugo marahil ay magaling din si Kc sa ganito.

"Fuck you" sagot ni Kc na ikinangisi ko. Pasaway.

"Iniayos daw ang mga grupo base sa kung gaano kagaling ang bumunot. Which is you? Exp--"

"Putanginamo, wag mokong englishin pag wala kong tulog gago ka!"

Natawa nalang ako ng nakatarak na sa leeg ng babaeng yun ang matalim at makintab na kutsilyo ni Kc.

Naging madali naman ang ang iba pa niyang kasamahan pero nahirapan kami sa kasunod na pang labing dalawa.

Iba ang lugar para sa mga lalaki kaya hindi ko alam kung nasan ang GG ngayon at kung paano sila magpapatayan.

Itsura palang nila ay sa tingin ko magkakapatid sila na tulad ko ay mga nay maroong id lace. Bago rin sila.

Mabilis sila kumilos at agad kong naramdaman ang pagdugo ng kanang pisngi ko ng tamaan ako ng isang sumpak.

Si Kc naman ay umaaray na ngayon dahil sa panang natamo niya.

Takte. Galing ba silang bundok?

Hindi agad makatayo si Kc dahil mukhang nasaktan talaga siya at masyadong madaming dugo ang nawawala sakaniya sa bawat galaw.

Nakita ko na ang pag aalala kay Lady Q. Ngayon lang siya mag aalala?

Ako muna ang humarap sakanila pero hindi ko nagawang pagaabayin sila.

Pagod na ko.

Pinutol ni Kc ang palaso at tumayo para kalabanin sila. Nagpaaulan siya ng patalim pero hindi sila natamaan nun dahil mas pagod kami at kulang na sa balanse.

Ginawa ko ang lahat para makuha sila ng lubid ko pero hindi ko nagawa.

"Mahina sila pag walang armas" bulong ni Kc kaya naisip ko na ang dapat kong gawin.

Dito ko na ginamit ang pinaka alam kong paraan.

Ang magnakaw dahil dun ako magaling.

Habang nilalabanan sila ni Kc at gunawa ako ng paraan para makuha ito an nagtagumpay ako.

"Ah!" Sigaw ni Kc ng madiing hawakan ng isa sa kalabaan namin ang sugat niya na nagpaluha talaga kay Kc at nagpanginig kay Lady Q.

Ng masira ko ang mga armas nila ay ako nalang ang kumalaban sakanila at natapos ko naman ito ng maayos.

"May kasunod pa"

Parang mahihimatay na bulong ni Kc.

Masyado na siyang maputla kaya inayos ko muna ang sugat niya gamit ang punit ng damit ko.

Anong gagawin ko? Hingal na hingal at hinang hina na rin ako. Magkamadaling araw na.

Mas magaling man ang mga sumunod ay mahina sila sa bilis. Ang iba naman ay mabilis ngunit hindi mabilis makakilos.

Pinagpahibga kami matapos ng kalahati at itinalagang unang grupong papasok para sa susunod na lebel. Pero, parang hindi ko na iyon makakaya pa. kusang napapikit ang mga mata ko at sigaw nalang ni Kc ang narinig ko.
--
Tribus
-three
(Translated by Google)
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon