Chapter 33: Neglected

1K 27 0
                                    

"Kapag nalaman mo ang totoo, ang tunay na nasa loob ng eskwelahan na yun, kahit alam mong kaya mong lumabas, mas pipiliin mong manatili sa loob para matalo sila. Kahit minsan alam mong imposible"
--

Napatulala ako kay Jiro habang siya ay hindi naman tumigil sa pagiging makulit.

Andiyan yung babatuhin niya ko ng pagkain o di kaya naman ay tapunan ng unan.

Para talaga siyang bata pero sa isang banda ay natatawa ako sa pagiging magaan niyang tao.

Napaisip tuloy ako, anong dahilan at bakit hindi siya umalis sa eskwelahan na yun?

Alam kong mayaman siya dahil kilala rin ang pamilya nila. Pero bakit?

"Jiro?"

Lumingon lang siya sakin habang kumakain ng french fries.

"May itatanong ako"

"Ano?"

"Alam kong kaya mong makaalis sa eskwelahan na yun dahil mayaman ka, leader ka ng isang gang pero bakit hindi ka umalis nalang? Kayo ng mga GG dahil malakas naman kayo?"

Inilapag niya ang french fries na hawak niya sa lamesa at biglang naging seryoso ang mukha.

"Wala ka pa ngang alam" tumingin siya sa ibang direksyon at naramdaman kong may masakit sakaniya "Each member of GG have their own reasons"

Gusto kong malaman ang rason ng bawat isa. Ang mga rason nila kung bakit hindi sila umaalis sa lugar na yun.

"Kapag nalaman mo ang totoo, ang tunay na nasa loob ng eskwelahan na yun, kahit alam mong kaya mong lumabas, mas pipiliin mong manatili sa loob para matalo sila. Kahit minsan alam mong imposible"

"Bakit gusto mong manatili?"

"Two years ago, naipatapon ako dito. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng pakikipagsuntukan ko ay ipinatapon na nila ako agad sa eskwelahan nato. Samantalang pwede naman ako dalhin sa Guidance Office. Pero kahit ipinadala ako dito, hindi ako natakot. Nagulat lang ako na araw araw may namamatay. Few months nasanay ako. Pero dahil nag alala si Kuya sakin, sinundan niya ako. Sabi niya mapapahamak lang ako. Sinubukan niyang ilabas ako, pero dahil sa tradisyon na Blood Signing hindi na rin siya nakalabas"

"Anong tradisyon ang Blood Signing?"

"Lahat ng estudyante maliban sa mga baguhan ay namarkahan na. Sila ang tunay na myembro ng eskwelahan na yun. Kukuhanan ka nila ng kaunting dugo at papalitan ka ng dugo kung saan kakailanganin mo ang tubig ng eskwelahan na yun para mabuhay. Kaya kung lalabas ka.."

"Mamamatay?"

"Oo"

"Yun ba ang rason kung bakit hindi ka umaalis sa eskwelahan na yun?"

"Hindi. Nang pilitin ako ni kuyang lumabas, sinabi ko ang dahilan. Kaya pinilit niyang alamin ang makakatulong sa lahat ng nandun pero nalaman yun ng Masters Turner. Kaya pinatay nila si Kuya sa harap ko. Brutal na pagkamatay"

Nangilabot ako at napalunok. Napatingin ako sa puntod ng kuya ni Jiro.

"Yun, yun ang dahilan kung bakit hindi ako umaalis sa eskwelahan na yun. Gusto kong makaharap ang Masters Turner. Ang pumatay sa kuya ko"

Hindi malinaw sakin ang sinasabi ni Jiro. Isa lang ang malinaw. Gusto niyang maipaghiganti ang kuya niya.

"Lahat ng leader ng GG ay may malalalim na dahilan. Namatay ang kuya ko sa kamay ng Masters Turner. Si Yohann, pinagsamantalahan ang ex girlfriend niya saka pinatay matapos gawing human tester. Si Aizen at si Lorde lang ang hindi ko alam ang dahilan. Kahit malapit kong kaibigan si Aizen, napakahirap niyang basahin. Napaka misteryoso. Pero sakanila ni Lorde, mas kampante ako kay Aizen. Kung hindi lang myembro si Lorde ng gang namin, hindi ko siya gusto. Kundi dahil sa respeto namin kay General, hindi ko siya pagkakatiwalaan"

"Sino ba si General"

"Hindi namin alam kung sino si General. Ang pagkakaalam namin, siya ang pinakamortal na kaaway ng Masters Turner"

"Matagal ka na ba dito Jiro?"

Naisip kong itanong kung kilala kaya niya si Gray.

"Oo. Bakit?"

"May k--"

"How dare you go here?!"

Nagulat ako ng may isang middle age na lalaki at babae ang nakita ko sa pintuan.

Walang reaksyong napatulala si Jiro sakanila.

"Go out from here! Go out!" Sigaw ng lalaki kay Jiro na kitang kita na galit na galit.

Ang babae namang kasama niya ay parang wala sa sarili.

"Hiro?" Rinig kong bulong nung babae ngunit nakatingin kay Jiro.

"M-ma?"

Napako ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang mga salitang yun kay Jiro.

Oo nga! Bat hindi ko naisip na baka nga magulang sila ni Jiro?!

Hinawakan ni Jiro ang kamay ko. "Ashe, pwede bang hintayin mo nalang ako sa kotse?"

Rinig ko pa rin ang paninigaw ng lalaki kay Jiro. Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng lalaking iyon. Galit na galit siya.

Jiro's POV

(For this scene play the song Perfect by Simple Plan)

Ilang taon kaming hindi nagkita ni Dad. Kaya kahit alam kong galit siya sakin ay umasa ako na baka kahit papaano ay makukuha na niya akong tignan bilang anak niya pero hindi.

Nasaktan ako ng makita si mama na wala pa rin sa sarili.

Simula ng nawala si kuya ay nagbago si mam. Dinala namin siya sa Mental Hospital at yun ang nagpadagdag ng galit ni Dad sakin.

Dahil sakin, nawala lahat ng pinaka importante kay Dad.

Ang mga mata ni Dad, galit na galit siya. Nakakuyom ang mga kamao niya na parang hindi niya anak ang kaharap niya.

"Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa ditong demonyo ka!"

Napapikit ako habang tinatanggap lahat ng masasakit na salita kay Dad.

Pinauna ko na si Ashe dahil ayokong madinig niya ang mga ito. Ayokong maging halimaw nanaman ang turing niya sakin.

"Pumunta ako dito para dalawin si Kuya dad"

Isang suntok ang tumama sa kanang pisngi ko.

Kasabay ng pagtulo ng dugo ang sunod sunod na pagtulo ng maiinit kong luha.

"Wag na wag mokong tatawagin ng ganiyan. Wala akong anak na mamamatay tao at demonyong kagaya mo!"

Pinigilan ko ang paghikbi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Hindi ko ginustong mamatay si Kuya. At hindi ko piniling maging mamamatay tao. Sa lugar na yun, kailangan kong pumatay para mabuhay! Ilang tao pa ba kayong tatawagin akong halimaw o demonyo bago niyo maintindihan ang tunay na ako?!"

Lumabas ako ng kwartong iyon at hindi ko inasahan na nadun si Ashe at umiiyak.

"BAKIT NANDITO KA P--"

Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok kami sa kotse.

Hindi ko mapigilan ang luha ko ng sunod sunod na umagos mula sa mga mata ko.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon