Chapter 72: The Alas

901 24 2
                                    

"I am back, Aizen"
--

Cless' POV

Pagtapak ko palang sa lupa pagbaba ng private airplane ko ay nakaramdam na kaagad ako ng tuwa.

Sabi ni Tita may maganda daw akong mapapanood dito kaya sa tingin ko nagawa na nga ni Lincoln ang plano niya.

Madami pang hindi nagagawang tradisyon kaya nakakapagtakang nagawa niya yun agad?

"Hello Tita, pakisend nalang ng address sakin. Nandito na ako"

[Woaaah our Alas is here. Akala ko next day ka pa makakarating?]

"Atat lang ako sa sinasabi mong dapat napapanood ko" agad kumorte ang labi ko sa mga naiisip ko.

[See you Colorless. I cant wait to see you]

Tinapos ko na ang tawag at agad kinuha ang motor ko sa tauhan na nag aabang sakin.

Motor ang sinasakyan ko tuwing may pupuntahan. Kaya ko naman idrive ang kahit ano pero sa motor ako pinakakomportable.
--

Well, nagbago lang ng lugar pero ganun pa din ang disenyo.

Pumasok ako agad at nagbow naman sakin ang lahat ng tauhan ni Lincoln.

At sino naman ang babaeng hinalikan niya? Tss. Nakakatawa.

"Hey" pagtawag ko sa atensyon niya at sinenyasan ang lahat ng nag bow sakin na bumalik na sa mga ginagawa nila.

"C-Cl--"

"Im back Cous. Who is she?" Nginitian ko ang babae at saka tinarakan ng blade na may pampatulog sa leeg. Hindi ko naman siya pinatay.

Tuso at isang baliw pa rin siya tulad ng pagkakakilanlan ko sakaniya. Na talagang nagpangha sakin.

"She is just a playdoll for me that ill be needing soon"

Nakuha ko agad ang punto niya. Sino naman kaya siya?

Anyway i dont care. I know that no one can compare my worth for him. Wala akong pakialam kung sino man ang pakialaman niya, wag lang ako.

"So, why are you here?"

Sa ngiti palang niya, alam ko na agad na hindi maganda ang pangyayaring gusto niyang sabihin.

"Why do you think?"

Tumawa nanaman siya habang hinahampas ang lamesang nasa harapan niya.

This is bullshit.

Pumunta siya sa isang pintuan at sinundan ko naman siya doon.

Malamanga ay hawak na niya ang GG ngayon.

"Well done" puri ko pero namumula pa rin siya kakapigil ng pagtawa.

Sa dulong pinto ay nakalagay ang isang taong nagpalaglag ng panga ko.

Aizen.

Akala ko ay wala na ang lahat. Akala ko, hindi na ganito ang mararamdaman ko kapag nagkita kami.

"Take a look to him. Ihahatid ko lang ang mga vitamins hahahaha!"

Nilapitan ko siya at parang sa bawat hakbang na ginagawa ko ay mas bumibigat ang mga paa ko.

Gusto ko siyang makita at makausap.

"Aizen," kumikirot pa rin ang dibdib ko. Kahit inaalala ko lahat ng masasakit na nangyari ay hindi ko pa rin mapigilan lahat.

Tumingin siya sa akin at tulad ng dati, ang Aizen na kilala ko ang siyang kaharap ko ngayon.

Walang reaksyon ang mga mata niya. Malamig ang ekspresyon buong pagkatao niya.

Hindi ko ipinahalata ang nararamdaman kong awa. Awa lang ang nararamdaman ko para kay Aizen. Yun lang.

"Im back, Aizen"

Tinignan ko ang buo niyang katawan at nakita ko ang mga laman na dahil sa bukas niyang mga sugat.

"Hindi ko inaasahan na sa tagal nating hindi nagkita, sa ganitong kahabag habag na sitwasyon kita madadatnan"

"You didnt change. You didnt learn"

Nangintal ang ngipin ko sa galit dahil sa binitawan niyang salita.

Hanggang ngayon ay ginagamit niya pa rin ang matatalim niyang pananalita.

"Kahit anong sabihin mo, ako ang nanalo. At sisiguraduhin kong you will not face death easily"

Napakuyom ang kamao ko sa sobrang galit kay Aizen. Aizen, hanggang sa huli napakatigas pa rin ng ulo mo.

"You must be mistaken. Ill die, maybe tomorrow or the next day after"

Bakit?! Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Bakit hindi ko magawang makapagsalita pabalik at sabihin ang gusto kong sabihin?!

Hindi ko siya kayang tignan sa ganitong sitwasyon.

Kailangan kong makausap si Lincoln! Anong ginawa niya?!

Nagmadali akong umalis para makausap si Lincoln pero si Red ang humarang sa dadaanan ko.
--

Nasa isang private bar kami ni Red ngayon. Hindi na ako tumanggi dahil gusto ko rin naman ng alak at makainom ng kaunti.

"Kumusta ang Japan?" Tanong niya sa akin.

"Maganda" simpleng tugon ko.

Si Red ang isa sa malapit na kaibigan ko sa gang na to. Maganda siyang kausap at magaling sa pagbasa ng emosyon.

"Masaya ka ba sa pagbalik mo o mas masaya ang nandun sa lugar na malayo ka?"

Imbis na inumin ang alak na hawak ko ay hindi ko na naituloy dahil sa sinabi niya.

Masaya nga ba ako? Oo. Masaya akong makita siyang nahihirapan.

"Kahit saan dun ay hindi masaya" malakas na pagtawa niya na talagang nakainsulto sa kin. "Ang hindi siya makita at ang makita siya sa ganung sitwasyon ay parehas na nakakalungkot"

"Red!" Nabasag ang wine glass na hawak ko ng pabagsak kong inilapag ang baso.

"Nakakabilib ang pangyayari. Taon ang lumipas pero hindi natanggal ang nararamdaman mo. Inakala mo lang na lumakas ka na pero mas pinahina mo lang ang sarili mo"

"Red! Tumigil ka na kundi pap--"

"Papatayin mo ang lahat ng sagabal sayo? Hindi sa ganun dadali ang lahat. Kahit patayin mo o ni Master si Aizen, hindi nun maitatago ang katotohanan na hindi pa rin natatanggal ang nararamdaman mo para sakaniya"

Hindi. Wala na akong nararamdaman sakaniya. Sa mga kasalanang nagawa niya sakin. Sa ilang beses niyang pagtalikod sakin ay hindi ko siya mapapatawad.

"Kung ako ang tatanungin, mas maaga ka sanang bumalik dito"

"Nasakin kung kailan ako babalik dito at kung kailan hindi!" Nakakapikon na talaga si Red. Tumayo na ako at hinanap na agad ng mata ko ang pinto palabas ng malaking bar na ito.

Halos maputulan ako ng paghinga dahil sa sumunod na salitang sinabi niya.

"If you come sooner, malamang sa malamang nakita mo manlang sana ang last 15 days ni Aizen"

Hindi ako lumingon sakaniya kahit gusto ko pang malaman ang mga sasabihin niya.

Matagal kong pinigilan ang pagpatak ng mga luha na to para kay Aizen pero hindi ko na magawa ngayon.

Nahihirapan na akong huminga.

"I dont care about that 15 days"

"I dont think so, Alas"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon