Nullum Tellum (Lorde Delos Reyes)

752 29 4
                                    

"Masakit. Makirot. Mabigat. Yun lang ang nararamdaman ko habang nakikinig at nag aagaw buhay sa gitna ng stadium"

Lorde's Battle.

Lorde's POV

Iniwan nalang ako nila Red sa kwartong ito noong sobrang hina ko na.

Ipinakita nila sakin kung gaano ako kahina.

Hirap na hirap akong bumangon.

Narinig ko na inutusan sila ni Master na icorner si Yohann at Jiro.

Paanong magagawa ni Yohann na lumaban kung hindi na siya nakakakita? At paano makakalaban ni Jiro sila Red kung apektado pa siya ng drugs na ibinigay ko noon?

Malamang sa malamang, si General lang ang tatapos ng laban.

Tumayo ako at hinang hinang naglakad.

Nag aalala ako?

Hindi ko pa nakikita si Ashe? Kahit silip lang?

Hindi pa.

Naglalakad ako sa malawak na paligid ng eskwelahan namin.

Walang tao. Walang ilaw.

Nasa alas una ma siguro ng madaling araw.

Sa mga ganitong oras nasa kalagitnaan na ang Nullum Tellum.

Sa ganitong kalagayan ko, wala na kong magagawa at maitutulong.

Pagdating ko doon ay nakita ko ang isang lalaking nakatayo habang sa harap niya ay mga lalaking nakahandusay.

Siya siguro ang ilang ulit na nanalo.

Sobrang lakas ng pagdurugo ng kamay ko matapos tong torturin nila Red kanina haha.

Walang hiya naman. Magang maga na ang kamay ko dahil sa pagpukpok nila ng martilyo.

Wala pa akong nakalaban ay halos gumapang na ako para makarating dito.

Tsk tsk tsk.

"For the lucky favor of the judges, the players are allowed to play with tricks. That is all thank you"

May bago nanaman pala silang pakulo?

"I dare him to fight" turo sakin ng lalaking wala pang talo.

Nabanas ako sakaniya.

Nananahimik na ngalang ako dahil di ko kayang lumaban e.

Walang kahit anoy kinaladkad ako ng mga gwardiyanng eskwelahan paakyat ng stadium.

Hinanap ng mata ko si Ashe sa buong paligid pero wala siya.

Hindi ko rin nararamdaman ang presensya niya kaya siguro ay ligtas pa rin siya.

Sobrang hina ko na. Yun ang totoo. Bukod sa tinurukan na ako ni Master ng gamot para lasunin ang buo kong katawan at unti unting manghina.

"Makikita ko na din ang nasa loob ng maskarang iyan Lorde" ngisi niya sakin sabay sipa sakin at ikinatalsik ko.

Hindi na nga ako makatayo dahil sa panghihina.

Naramdaman ko lang ang mainit na dugong tumutulo sa ulo ko.

Parang nakakakita na rin ako ng hallucinations dahil naririnig ko na ang pagtawa ni Ashe at ang paghawak sakin ni Mama.

Lumapit sakin ang lalaking hinamon ako at lumuhod ng bahagya para maging magkapantay kami.

"Sino bang makakapagpalakas sayo?"

Si Ashe lang at ang mama ko hangal.

Pero hawak ni Master si mama at alam kong kaya naman ni Ashe ang sarili niya kahit wala na ako.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon