Chapter 51: Sacrificio Mortis

1K 29 0
                                    

"The good sacrifice, means a worthy life"
--

Ashe's POV

Nasan na kaya si Gwen? Saan ba siya nagpunta? May kumuha kaya sakaniya?

Hindi ko na alam ang iisipin ko. Ang hirap manghula.

Tinatanaw ko mula sa bintana ng dorm ko ang mga naghahatid ng mga isusuot para sa party mamaya.

Wala akong ideya, palagi naman. Wala akong ideya na baka mamaya nasa panganib ang buhay ko at kahit ang buhay ni Gwen.

Wala naman akong silbi.

*ding dong*

Inihatid na rin sakin ang isusuot ko mamaya.

Inilagay ko lamang ito diretso sa kama ko.

Patuloy pa rin akong nag iintay sa tulong na sinasabi ni Jiro na tutulungan niya akong mahanap si Gwen. Hindi ko alam kung paano pero alam kong malakas sila.

5:49 na. Hindi pa ako nakakapaghanda para mamaya. Hays.

Magdidilim nanaman at hindi pa rin dumadating si Gwen.

Hanggang sa magdilim na ay hindi pa rin nagpakita si Gwen.

Tinignan ko ang orasan at nakita kong 6:13 na pala. Kala ko saglit lang akong nakaupo doon.

Nilapitan ko na ang box na puti na inihatid nila sakin.

Isang box ito na parang isang malaking regalo at may pangalan ko sa labas na nakasulat.

Bakit kaya kakaiba kami ng mga kasama kong babae kanina kumpara sa iba?

Inisa isa kong kunin ang mga bagay na nasa loob ng box na kulay maroon.

Una kong nakita ang isang kumpletong set ng make ups. Mula sa blush on, foundation at lipsticks. Kumpleto ito.

Sunod na nakita ko ang isang box na naglalaman ng isang kulay crystal na sapatos. Medyo mataas ang heels nito na nasa three inches. Maganda naman ang design at napaka elegante dahil sa silver na tali nito na nakakabit dito.

Makintab at kulay maroon ang kulay ng telang nakita kong maayos ang pagkakatiklop.

Inilabas ko ito at namangha sa ganda.

"Wow. Paano nila nagawa ito ng ganun kabilis?"

Kaninang umaga lang nila ako sinukatan at ganito kaganda ang nagawa nila?! Nakakamangha.

Napakabilis nila kaming nagawan ng susuotin.

Isang mahabang gown na princess style ang itsura ng gown na ito. Off shoulder ang itsura nito at nag aagaw ang kulay na maroon at itim.

Napaka elegante.

Tinignan ko muli ang box at mayroon pa dun na isang maliit na box.

Mga accessories. Kwintas, hikaw at bangle ang laman ng box. Kumikinang na diamante ang mga ito.

At nang makuha ko na lahat, isang maroon na envelop ang naglagay ng katanungan sa isip ko.

Para saan ang envelop na ito?

'Leste Coadjutore'

Ano ba yun? Napakahirap naman intindihin ng mga salita dito.

Biglang tumunog ang speaker. Alam kong magbibigay nanaman sila ng isang nakakatakot na paalala.

"Goodevening ladies and gentlemen. This tradition is just a simple gratification party that will lead to unity. All selected ladies, will serve as the good fortune to attract all the possible wealth we can have. Be prepared for tonight. All people to be caught outside the party will be put in death. Thankyou and once again, goodevening"

Wealth? Ano bang balak nila sa mga napili? Anong sinasabi Jiro na nag aalala kanina?

Nagsimula na akong maghanda para sa tradisyon na haharapin ko.
--

Nakaupo ang lahat suot ang kani kanilang mga gowns at suits.

Napansin kong ang mag babaeng kakulay ko ng damit ay nasa unahan at nakaupo sa itim na upuan. Itsurang sofa ito.

"Mam, dun po tayo" aya ng isang lalaking asherette sakin. Inilagad niya ang kaniyang braso at sinamahan ako makarating unahan.

Pinagtitinginan ako ng mga tao. Halatang kakaiba ang mga tingin nila.

"Mam, sana po kayo ang magdala ng swerte sa gabing ito. Goodevening" yun ang sinabi ng taong yun ng makarating na kami sa unahan at binigyan ako ng maroon na panyo.

Nasa sampu kami sa unahan. At sa harap namin ay mga bakanteng upuan.

Magaganda at may kakaibang personalidad ang lahat ng kasama ko dito sa unahan.

Maroon din ang kulay ng damit nila pero iba ang design kaysa sa akin.

Kinakabahan ako. Tinignan ko ang iba na mukhang nag eenjoy naman sa partyng sinasabi nila.

Nilapitan ako ng isang babaeng nasa kaliwa ko habang may ngisi sa bibig nito.

"Hey. You must be Ashe Delos Reyes"

Tango lang ang isinagot ko sakaniya. At tawa naman ang ibinalik niya sakin. Isang halakhak na may kasamang pagkainis.

"It was really annoying na nandito ka. Because you know? Kaming mga magagaling, malalakas ang karaniwang nandito. I dont know why youre here. At kung sino ang maglalakas loob na ialis ka sa linyang ito" itinuro niya gamit ang kamay niyang may kulay itim na cutix. "The line of Fortune"

Naluha ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nasa bingit ako ng kamatayan sa ganitong paraan.

"Let me tell you how this tradition runs"

Lumapit siya sakin at hinawakan ang buhok kong nakalugay lang.

"Only one selected girl will be alive later" napahawak ako sa panyong ibinigay sakin. "You need people to protect you later hahaha"

"Bakit?"

"Ang mga taong nandito, kami, isa kami sa mga taong binibigyan ng importansya sa eskwelahang ito. Bukod sa may mga badge kami, hawak namin ang mga organisasyon sa school na to. Kaya yang mga upuan na yan," inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko at binulungan ako "mapupuno yan ng mga taong hindi ako hahayaang mamatay"

Parang nawala ako sa balanse at natapilok sa kinatatayuan ko.

"By the way, im Allyson Ching. The Math Club president"

Ibig sabihin mga kilalang personalidad sila. Ano bang gagawin mamaya at anong protekta ang ibig niyang sabihin?

Hindi pa ako maayos ang isip ko ay nagsimula na ang party na ito.

"Ladies and gentlemen, tonight is the night for bringing back the fortune to our beloved university. Now, lets toss our wines and start the game"

Nakakabaliw. Laro lang ba sakanila ang mga buhay namin?!

Nanggigigil ako. Nakakaramdam ako ng galit.

"The good sacrifice means a worthy life. Every sacrifice of people that will sit on the fortune chairs may value your life"

Tinignan ko ang lahat ng babaeng kasama ko sa unahan na may matatamis na ngiti.

Samantalang kabado ako sa mga mangyayari.
--
Sacrificio Mortis
-Sacrifice or Death
(Translated by Google)

If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon